Share

Chapter 2 - Meet Timothy Smith

Natigil ang pag e-emote ko ng mag alarm ang orasan ko at nang i-check ko kong anong oras na halos manlaki ang mga mata ko ng makitang pasado ala syete na nang umaga.

"Sh*t! Male-late na ako sa school. Badtrip pa naman ang Prof. namin sa history. Nakakainis lang mas pabor pa yata siya kay Buenavista. Badtrip! talaga ako sa matandang prof na 'yon. Kapag nakikita ko siya nasisira ang araw ko. Kainis!! Kong 'di lang kay Harris, my Love lumipat na ako ng ibang school. Kaso isa pa 'yong lalaki na 'yon, patay na patay kay Angelica, ano bang nagustuhan niya sa babae na 'yon. Walang ka taste-taste! Duh! Mukha pa lang niya nakaka irita na.

Hindi na ako nag abalang maligo naligo naman ako kagabi nag bihis na lang agad ako ng uniform at nag apply ng light make-up at unting sipat sa salamin ready to go na ako. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at todo kapit, sapagkat marupok na kasi ito at baka mahulog ako sa ibaba, kanal pa naman ang lalaglagan ko, nakakadiri kong iisipin ko pa lamang.

Pag labas ko ng gate nag abang agad ako ng tricycle palabas ng compound at mabuti naman naka sakay agad ako.

Panay tingin ko sa orasan ko at baka ma late na ako. Wala pa rin akong cellphone na matino kasi, sa week ends pa ako makakabili ng high-tech na cellphone, sapagkat unang sahod ko sa calle center at nang matago ko na rin ang de keypad kong cellphone. Pero, hindi ko siya itatapon kasi regalo ni Itay ito sa akin nang nag debut ako. Itinabi ko na ito at baka mawala pa. Bumaba ako ng tricycle at nag abot ng bayad.

Naglakad ako patungong pilahan ng Van, sa kamalas malasan ang dami pa palang kailangan para mapuno ito kaya no choice ako kundi mag jeep. Magpapababa na lang ako sa bluementrit para doon mag taxi ayoko naman makita ako nila Yelena na sumasakay ng jeep. Nakakahiya at baka mawalan pa ako ng kaibigan. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko at ayokong mawala sila.

Nag para agad ako ng jeep na dumaan at mabuti na lang umandar agad ito. May ten minutes pa ako bago ma late kaya sana lang maka abot ako. Panay panalangin ko na sana maka abot ako sa first subject, dahil kong nagkataon patay ako sa Prof. Dimaculangan na 'yon at paniguradong bida na naman ang pet niyang si Angelica.

Nang makarating ang jeep ng Blumentrit mabilis akong nagpara para bumaba. Naghanap rin ako ng taxi na sasakyan patungong school at nang makahanap ako sumakay agad ako at nagpababa sa University.

Pagbaba ko pa lang halos masuka na ako sa nakikita ko. Harris and Angelica nasa gymnasium sila. Todo effort pa ito. May dala pa siyang human size teddy bear at nang basahin ko ang cardboard na hawak ng ilan naming schoolmates tumaas ang kilay ko nang mabasa ang naka sulat doon. "BE MY PROM DATE! PLEASE SAY YES"

Nakakarita! Lalo na nang magyakapan sila, sukang suka ako na makita 'yon. Kaya sa inis ko nag walk-out ako at naglakad paakyat ng room nang maalala ko rin na may first subject kami ngayon. Bakit ba nasa labas ang malanding babae na 'yon. Good to know that na hindi ko siya makikita sa room. Saktong kaka upo ko pa lang ng biglang dumating ang Prof namin at mangilang ngilan lang ang estudyante na nasa loob. Kaya nga ng tinanong ako sinabi ko ang totoo.

"Bakit lima lang kayo, nasaan ang ibang classmates niyo?" tanong ni Prof.

Kaming lima ay nanatiling tahimik ang ilan ay ayaw maki alam. Kaya ng muling nag tanong ito kong nasaan sila sumagot na ako.

"Absent ba? Si Buenavista, nasaan? Ano wala bang magsasabi sainyo?" tanong nitong ulit.

"Nasa Gymnasium po sila ma'am." sagot ko, sabay ngiti.

"Gymnasium, anong ginagawa doon, Crisostomo? Sinong nasabi sayo?" tanong ulit nito. Sasagot pa sana ako ulit ng biglang pumasok ito at dala pa talaga ang flowers at teddy bear na bigay ni Harris.

"Sorry po Ma'am kong na-late si Angelica sa klase niyo." hinging paumahin ni Harris na biglang sumulpot na lang.

"Morris, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Prof.

"Hinatid ko lang po si Angelica Ma'am, babalik na rin po ako sa klase ko." magalang na sambit nito.

"Okay, class sitdown. May midterm exam tayo ngayon kaya bilisan niyo ng magsipag balik sa upuan niyo." wika nito.

Sa loob loob ko, ganon ganon na lang 'yon, na late sila pero makaka kuha ng exam? Ayos din!!!" inis na bulong ko na napalakas pala at medyo narinig ni Prof.

"Cruz, may sinasabi ka ba?" tanong nito.

"Ah! E' wala po, Ma'am." nakangiting sagot ko.

"Wala pala. Sige mag ayos na kayo at nang makapag start na tayo." ani nito.

Habang nag aayos ako ng upuan ko panay naman kantyaw ng classmates naming si Chona kay Angelica.

"Woi! Magsabi ka nga Angelica, kayo na ba ni Harris?" tanong ng tsimosang si Chona na ikina irita ko.

"Sssssh! Ang ingay niyo." saway ko rito.

"Bakit ba, ang hina lang ng boses ko. Paki alam mo ba, inggit ka lang e' pang-aasar nito kaya napahawak ako sa g-tech pen na hawak ko at kulang na lang saksakin ko ang ngala ngala niya ng manahimik na siya.

"Bakit naman ako maiingit? Aber! Hindi ko naman first time makatanggap niyan. At isa pa how cheap." pang iinis ko pa lalo kay Chona.

"Talaga ba, cheap ang sabihin mo inggitera ka lang kasi 'di ka type ni HARRIS." dagdag pa ng pang-aasar nito.

"P*****a ka, 'di ka talaga titigil." bulyaw ko dito ng makitang lumabas ang Prof namin.

"P*****a ka din, ano akala mo takot ako sayo. Halika dito." pang hahamon nito.

"Chona, tama na. Hayaan na lang natin siya." saway nang santa santitang malandi na si Athena.

"Oh! Bakit mo inaawat yang war freak mong kaibigan. 'Di ba kanina kilig na kilig ka kay Harris, eto lang tatandaan mo Angelica, flavor of the Month ka lang niya. Hindi ikaw ang tipo ng babae na seseryosohin ni Harris, tandaan mo 'yan at itanim mo sa kukote mo." singhal ko dito sabay tuktok ng noo niya gamit ang hintuturo kong daliri.

"Tabi!" malakas na sigaw ko. Para umalis sila sa hinaharangan ko. Sobrang badtrip ako ngayon. Gusto kong mag-inom kasama sila Yelena at ang barkada.

Kinuha ko ang cellphone kong de-keypad at tinawagan ko si Yelena.

"Oooooh!-"

Mabilis kong pinatay ang end button nang marinig ko ang pag ungol ng gaga. Kabadtrip naman saan ba ako pupunta nito. Ayoko naman umuwi muna at nalulungkot lamang ako na aalis na si Alexis mamayang gabi. Ayokong magpakita o ihatid man lang siya sa airport hindi ko kaya, kahit naman hindi kami at FUBU lang ang turingan namin sa isa't-isa ma-mi-miss ko pa rin siya kahit 'di ko aminin sa sarili ko. Alexis is one of my closest friend na malapit sa puso ko. Kaya ang bigat sa kalooban ko na aalis na siya at wala na akong makakaramay sa problema ko.

Dahil sa sama ng loob nakarating ako ng DBar. Hindi ko alam kong ano ang ibabayad ko dito, sakto lang naman ang pera ko ngayon. Wala rin akong ganang pumasok ngayon sa call center. Haixt! What a f*cking life! I miss my family, sana hindi na lang ako umalis ng Pampanga. Sana kasama ko pa din sila.. Hindi ko namamalayan na naluluha na pala ako.

Habang nakaupo ako sa table may biglang lumapit sa akin na staff. Sa takot na baka palayasin ako nito sinungitan ko na lang.

"Hi! Miss!" tanong nito.

"Miss-miss-in mo mukha mo. Pwede ba umalis ka sa harapan ko." bulyaw ko rito.

"Sungit mo naman, Miss." ani nito.

Dedma na lang ako at nagpatuloy ako sa pag lagok ng beer na ini inom ko nang mapansin kong kanina pa nalatingin sa akin ang matandang lalaki sa unahan. Sa tipo niya mukha siyang manyak na ewan. Kaya sinimangutan ko siya bigla at bumalik ako sa pag-iinom.

***

Habang nag-iinom si Stella, lingid sa kaalaman niya na may isang taong naglalaway at nagmamasid sa kaniya kanina pa. Simula ng pumasok siya sa loob ng DBar. Panay lagok ng shot glass nito at sinisimsim ang bawat likidong naiiwan. Ini-imagine niya katas ito ng isang estudyanteng kanina pa niya pinagmamasdan. Takam na takam siya sa kolehiyalang nakikita niya kaya nang hindi na siya nakatiis tinanong niya ang isa sa staff ng bar.

"Psssst! Come here." tawag nito. Kaagad naman na lumapit ang staff rito.

"Yes, boss, ano po ang atin." magalang na tanong nito.

"Well, nakikita mo ba 'yang babae sa dulo?" tanong nito.

"Alin po 'yong naka uniform?" tanong ulit nito.

"Oo, siya nga. Kilala mo ba siya? Ano bang pangalan niya? Matagal na ba siyang nagpupunta dito?" sunod sunod na tanong nito.

"Ahmm! Hindi ko po siya kilala boss, parang ngayon ko lang siya nakita dito." sagot nito.

"Ah! Ganon ba, gusto mo bang kumita ngayong gabi? Mga extra income, 15,000 pesos." wika nito.

"Opo, ano pong gagawin ko boss?" tanong nito na hakos kuminang ang mga mata sa libo libong pera na nakikita at nahahawakan nito.

"Simple lang naman, tanungin mo ang pangalan, kong saan nakatira o kong saan siya nag-aaral. Anything about her." utos nito.

"Okay, boss. Wait lang po." sagot nito.

"Good! Mabilis ka naman palang kausap." aniya. Sabay salin ulit ng pinakamatapang na alak na inorder niya.

Sinundan niya rin ng tingin ang staff na kasalukuyang kuma kausap sa kolehiyalang natipuhan niyang gawing toys. Gusto niya sa babae 'yong sariwa pa at mukhang inosente. Ilang minuto siyang nag hintay sa pagbabalik ng staff.

"Boss, ang sungit e' pero nakita ko sa ID niya ang pangalan niya. Stella Cruz at sa Aeronautics siya nag aaral tingin ko F.A ito boss." wika nito.

"Sige, salamat sa information." wika nito. At pilit tinatanim sa isipan ang pangalan. Stella.. Stella.. Stella!! Nice name, ang sarap warakin!" usal nito sabay tawa ng nakakaloko.

Paalis na sana ako ng biglang nakita kong nakikipag talo ang kolehiyala sa mga staff.

"Ano ba, sabing gusto ko pang mag-inom." sigaw nito. I like her, matapang at wild panigurado sa kama. Isipin ko pa lang na ang mukha nito ay pinapaligaya ako sa kama tiyak mabubuhay ang lahat ng dugo ko sa katawan.

"Miss, wala ka ngang pang bayad at lasing ka na. Umuwi ka at baka hinahanap ka na ng magulang mo." saway ng mga bouncer sa kaniya.

"Anong wala, shinong lasheng huh! Marami akong pera, kaya bigyan niyo pa ako ng alak." sigaw nito.

"Miss, hindi ka nga lasing." wika ng bouncer at binuhat na si Stella.

Kaya lumapit na ako at pumagitna at ayoko sa lahat ang hinahawakan ang akin.

"Bitiwan mo si Stella," utos ko sa bouncer.

Nakita kong natahimik sila pati na si Bella.

"Boss. Timothy kilala mo siya?" tanong ng bouncer na hindi makapaniwala.

"Oo, ako nang bahala na magbayad nang mga nainom niya, here's myy card paki charge na lang sa akin." utos ko dito. Kaagad naman sumunod ang staff na nakarinig at kinuha ang card ko.

"Oh! Sheee! Kilala niya ako. Shino ka pala Matanda ka???" tanong nito. Biglang naningkit ang mga mata ko. Nasa 40's pa lang ako at 'di matanda. Alam ko naman nasa disi nuebe ito o bente.

"Stella, hindi pa ako matanda." pagko correct ko sa pag-a-akala niya.

"Okay. Whatever!! Paano mo ko nakilala?" Shino ka ba?" mataray na tanong nito kaya lalo akong nacha-challenge sa kaniya.

Hinila ko ang suot nitong ID. "Yan hindi ba Bella ang pangalan mo naka indicates pa sa ID mo." palusot na wika ko para 'di siya mag tanong kong saan ko nalaman ang pangalan niya.

"I sheee! Shalamat, Matanda ay eshete. What is your name, by the way?" tanong nito sabay lahad ng kamay niya. Sino ba naman ako para tumanggi sa magandang dilag na nasa harapan ko.

"Timothy Smith. Call me Tim." wika ko sabay abot ng kamay nito na napakalambot. Amoy ko din ang mabangong amoy ng pabango niya na humalo sa katawan niya at nakita ko rin ang cleavage nito nang yumuko siya, dahil bukas ang dalawang butones ng uniform niya kaya biglang kumislot ang k*****a ko na kay tagal ng hindi nabubuhay ng ganito kabilis. Kaya isa lang ang naisip kong gawin ngayon, kailangan kong suyuin si Bella para mapa sa akin siya. Tama ang sapantaha ko kanina siya ang makakatulong sa aking problema at sa boring kong sex life. Matagal ng namayapa ang aking mahal na asawa may kinakasama ako si Trina kaso nagsasawa na rin ako sa babaeng 'yon kaya gusto ko naman makatikim ng ibang putahe, 'yong sariwa at malinamnam.

Natigil ang pag iisip ko ng hinila nito ang kamay niya.

"Yong kamay ko sir Timothy." reklamo nito. Nakalimutan ko na hawak ko pa rin pala ang kamay niya.

"Sorry! Stella." sagot ko.

"Mauuna na ako. Shalamat." wika nito sabay talikod. At lakad papalabas ng pintuan. Sinundan ko na lamang ito ng tingin habang nalayo sa akin. Hindi pa ito ang tamang time para kulitin ko siya.. Lumakad na rin ako at lumabas ng Dbar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status