Share

CHAPTER 38

Basta ko na lang inabot ang bayad sa taxi driver at nagmadaling pumasok sa ospital.

"Hello Bingo nandito na ako nasaan ka? Si Nanay ano na ang lagay?"

Lakad takbo na ang ginagawa ko at halos mag kanda tapilok pa ako dahil sa heels na suot ko.

"Grace!" Nilingon ko ang tumawag at halos manlumo dahil sa nakitang itsura ni Bingo.

"B-bakit puro ka dugo? Anong nangyari? Si Nanay nasaan?" Sunod sunod kong tanong na may kasamang pag linga hinahanap kung saang lugar ko posibleng makikita ang Nanay ko.

"N-nasa operating room sila ni Seb at..at Bico."

Kumurap kurap ako nalilito dahil sa narinig.

"Anong.. bakit mo naman pinapasok yung dalawang bata sa loob ng operating room Bingo?! Alam mo namang bawal ang bata doon!"

Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana papunta sa operating room para sunduin ang dalawang bata nang biglang na estatwa ako dahil sa sunod niyang sinabi.

"Silang tatlo ang inooperahan Grace. Nadamay sa barilan si Seb at ang kapatid ko."<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status