Share

Chapter 09

13 Months later…

“Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya namin. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na probinsya, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas.

Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Dahil pati ang mga magulang ko ay nagdurusa sa kagagawan nila.

Simula ng manirahan kami dito sa maliit na Nayon ay malaki ang pinagbago ng buhay namin na mabilis ko namang na-adopt.

Nagpalit ako ng ibang kurso dahil hindi na kaya ng aking mga magulang ang kinukuha kong abogasya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status