Share

Chapter 10

Halos takasan ako ng kaluluwa dahil sa pagsulpot ng isang puting kotse na pa-balagbag na pumarada sa aking harapan. Natigil ang mga paa ko sa paghakbang at napaatras itong bigla ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sagutin ng mga ito ang tanong ko ay mabilis silang lumapit sa akin. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso at pwersahan na hinatak.

“Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin ako ng mga ito papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil sa labis na pagsigaw. Ngunit ni isang tao sa paligid ko ay wala man lang nagmalasakit sa tulungan ako, bagkus ay nagmama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status