HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit
“CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum
Title: DYLAN’S OBSESSION Author: hnjkdi Genre: Romance DISCLAIMER: This is a work of fiction; Names, characters, businesses, places, events and incidents are only product of the author’s imagination. ___S I M U L A BITBIT ang sama ng loob at hinanakit ay buong tapang na binuksan ni Danica ang malaking pinto. Hindi siya makahinga dala nang paninikip ng kaniyang dibdib. At anumang oras ay maaari siyang himatayin. “Teka sandali!” ubod lakas na sigaw ng dalaga dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng atensyon maliban sa groom. Muli ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang mga iyon at halos wala na siyang makita dahil sa panlalabo ng mga mata. “Pangga bakit naman? Akala ko ba ako ang gusto mong makasama habang buhay? Pero bakit ganito? Bakit ka magpapakasal sa iba?” Walang pakialam si Danica kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao na animo’y kontrabida. Kahit pa tila tawang-tawa ang mga ito sa hitsura niya. Ano naman kung mukha siyang taga bundok, eh sa doon
“HEY, Miss!”Mula sa pagpapaypay ng inihaw ay natuon ang atensyon ni Danica sa tinig na iyon. Kung kailan nag-day-off ang kasama niya at siya lang mag-isa, saka naman dumagsa ang mga kustomer. Sobrang wrong timing. Isa pang hindi niya maintindihan ay ‘yong kaya namang magpasweldo ng sandamakmak na trabahador ng kaniyang amo pero dala-dalawa lang silang waitress ng Café. Saglit na iniwan ni Danica ang ginagawa at lumapit sa bagong dating, isang foreigner at Filipina na sa tingin niya ay magkasintahan. Tuwing alas Kuwatro ng hapon hanggang hating gabi nagbubukas ang Isla Café. Nakahelira ito sa mga naglalakihang club sa Angeles kaya hindi nakapagtatakang karamihan sa pumapasok na kustomer ay mga banyaga. Sa labas nakapuwesto ang mga mesa na may tag-aapat na upuan, may malalaking payong rin ang bawat isa niyon na tila ipinasadya upang silungan. Napapalibotan rin ang espayo ng mga bulaklak na mas lalong nagpaganda sa lugar.Isang taon na rin ang lumipas simula noong ikasal ang noby
ALAS Kwatro ymedya na ng hapon, araw ng sabado. Gaya ng mga naunang araw ay dagsa na naman ang kustomers sa Café. Pero hindi katulad kahapon pumasok na ang katrabaho ni Danica. Ang dalaga ang nakatoka sa pag-iihaw habang ang kasama niyang si Ellen ay kumukuha ng orders.“Danica, oh,” ani Ellen kay Danica sabay lapag ng maliit na papel sa bar. May sariling mini-bar sa labas kung saan nag-iihaw ang dalaga. Dito nakalagay ang kitchen utensils at ibang ladies’ drink maliban sa hard liqueurs kung saan siya ang naghahanda.T-3. 20 sticks of barbecue/hot spicy sauce.T-6. 35 sticks naman sa table 6.Iyon ang nakasulat sa papel.Ngunit hindi pa man nakapasok sa loob si Ellen ay napabalik na ito kasama ang kanilang amo na hawak-hawak ang ilong. “Oh my Gosh! Beh, samahan mo ako!” baling kay Danica ni Jean. Nagtataka man ay lumabas ng bar ang dalaga at napasunod sa amo.“Ellen ikaw na bahala rito!”“Yes, Ma’am!”KASALUKUYANG nasa isang surgeon clinic sila Danica. Mas pinili ng dalaga na ma
DYLAN’S OBSESSIONKABANATA 3 (A)NASA harap ng kwartong may numerong 204 si Dylan sa isang private hospital sa Pampanga. He doesn’t know why his Grandfather wanted him to come all the way from Manila. Gamit ang isang private jet ng kanilang pamilya ay ipinasundo siya nito kanina para lang makita ang taong nasa loob. Napaka-importante naman nito at kailangan pang kanselahin lahat ng appointments niya para bukas.Sa edad na 27 isa na siyang CEO ng DM’s apparel, isa sa kilalang clothing line sa loob at labas ng Pilipinas. DM initials stand for Dylan Monteverde. Dahil sa nag-iisa siyang apo kaya isinunod ito sa pangalan niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto. “Ma’am Jean..!” ang masiglang sambit ng isang babae. Nakangiti ito na kalaunan ay tila naging pilit.No way! Is this for real? Naguguluhang tanong sa isipan ng binata.Hindi niya alam kung paano magreact. That was a year ago. Sino ang mag-aakalang magkokrus uli ang mga landas nila?Sa i
“DZAI. Sure kang ipapadala mo lahat ‘to sa Nanay mo?” ang tanong ni Lily kay Danica isang hapon. Nasa isang remittance ang dalawa para magpadala ng pera sa mga magulang ng huli.“Syempre nagtira rin ako para sa sarili ko.” “Oy baka kung saan ‘to galing, huh.”“Bigay nga ‘yan no’ng apo na muntik na makabangga sa akin.““Sila ba ‘yong naghatid sayo kanina?”“Oo. Nakita mo?” “Hindi. Ikaw lang naman ‘yong nakita ko.”Kaninang umaga lang nakalabas ng hospital si Danica. Inihatid pa siya ng mag-Lolo sa tinitirhan niya para raw alam ni Dylan kung saan siya pupuntahan. Maging sa kung saan siya nagtatrabaho ay inalam rin ng binata bago ito bumalik ng Manila. Binigyan si Danica ng bunos na day-off ng amo para makapagpahinga. Eksakto namang rest day rin ni Lily kaya nagpasama siyang lumabas.“Oh, ayan tapos na. I-vc natin si Mama,” pagkaraan ay wika ni Lily na kinuha ang cellphone. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa harap ng kamera. “Hi ‘Ma! Nagapadala po ako para kay Nanay Rosanna. P
“MY parents are kind, whatever I say, that’s what they believe. Except for Grandpa, he is not that easy to convince,” lecture ni Dylan kay Danica habang papalabas sila ng elavator. Noong una ay medyo lumabas pa ‘yong pagka-ignorante ng dalaga na hindi na lamang ipinahalata. “Ganoon. Eh, paano mo napaniwala ‘yong Lolo mo?” “Magaling ako, kaya galingan mo.”Huminto sila sa harap ng isang malaking pinto kapagkuwan. At tila sasabog na ang dib-dib ni Danica sa kaba. Parang ang hirap ng gagawin niya. Okay lang para sa kaniya na alam ng pamilya ni Dylan na may nakaraan sila---pero ang makita ang mga ito ng personal, ibang usapan ‘yon.“Good evening, Sir,” pormal na bati ng dalawang naka-men in black sa kanila na noon ay nakabantay. Binuksan ng mga ito ang pinto. Daig pa nila ang mga politiko sa dami ng bantay. Sila na sikat. Sila na importante. Sa isip ni Danica.“Ready?” ang tanong sa kaniya ni Dylan na inalok ang kaliwang braso. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago ipinu