Share

Dangerous Seannah
Dangerous Seannah
Author: COFFEREIMXTR

Kabanata 1

LUMAKI sa mayaman na pamilya. Kilala bilang isang Royal Family ang kaniyang kinalakihan. Kilala si Seannah, bilang isang Royal Princess dahil sa pagiging mafia ng kaniyang mga magulang. Halos buong angkan niya ay mga kilalang mafia at kinatatakutan rin.

Isang masarap na buhay, isang mayaman na pamilya, lahat ay magagawa at makakayang bilhin ng pera. Ngunit para sa kagaya ni Seannah, hindi maganda ang buhay na mayroon siya. Puro sakit at panghuhusga ang kaniyang natanggap mula sa kaniyang sariling angkan.

Hindi madali ang buhay na mayroon ngayon si, Seannah. Siya ang sinisisi ng lahat, lalo na ng kaniyang sariling angkan. 

___

          

Masayang magkakasama ang mga kinikilalalang Mafia Queen, Mafia King, Assassin King, Assassin Queen, Gangster King, Gangster Queen at ang ibang Elite Member. Nag sama-sama ang lahat dahil ngayon ang kaarawan ng bunsong anak ng Mafia Queen at Mafia King.

Masaya ang lahat dahil ika-anim na kaarawan na ni, Seannah o mas kilala bilang Princess Seannah.

Sa kabilang banda ay maraming mga kalaban sa labas ng palasyo ang palihim na nakapasok.

“HAPPY BIRTHDAY, PRINCESS SEANNAH!!” Sabay sabay na pagbati ng lahat.

“Blow the candle, Lilsis” Turan ni Zhianara, sa kaniyang nakababatang kapatid.

Ipinikit ni Seannah, ang kaniyang mga mata at tsaka niya inihipan ang mga kandila na nasa cake niya.

“WOOOHHH!!!”

“HAPPY BIRTHDAY!”

Sigawan ng lahat.

/*Bang

/*Bang

/*Bang              

Lahat ay biglang nagkagúlo dahil sa ilang beses na putok ng bàril.

“Anong nangyayari?” Tanong ng ama nila, Seannah sa isang black men.

“King Daver, may mga kalaban po na nakapasok” Sagot ng isang black men kaya ang lahat ay nagtipon sa isang gilid.

Pumalibot naman sa mga Prinsepe at Princesa, ang mga tauhan ng kanilang mga magulang upang protektahan sila.

Si Zhianara, naman ay kaagad na kumuha ng baril. Napalingon si Seannah, kay Zhianara at tanging ngiti lang ang ipinakita ni Zhianara, sa kapatid.

Napalingon bigla si Seannah, sa gilid niya at laking gulat niya noong nakita niya sa pinakataas ng palasyo ang isang nakamaskara na tao. May dala itong baril at nakatutok iyon kay, Seannah.

“ANG, PRINCES SEANNAH!!” Sigaw ng isang men in black, dahilan para mapatingin sila kay Seannah. Napapikit nalamang si Seannah, at inantay nalang niya ang pagtama ng bala sa kaniya, dahil hindi na niya kayang tumakbo mula sa kinatatayuan niya.

Napatingin bigla sila Acero, Acerius, Sierra at Zhianara, sa kanilang kapatid na si Seannah.

Bakas ang gulat sa mga mata nilang apat kaya dali-dali silang tumakbo.

/*Bang

/*Bang

Nagulat ang lahat sa pangyayare na nasaksihan nila.

Kahit sila Sierra, Acero at Acerius ay napahinto dahil doon.

Naidilat naman ni Seannah, ang mga mata niya nang maramdaman niyang may tao sa harapan n'ya.

Halos manlaki ang mga mata ni Seannah, sa kaniyang nakita.

“A-Ate, *sob*” Hikbing sambit ni Seannah, kaya kaagad na kumapit si Zhianara, sa balikat niya.

“S-Seannah, lagi m-mong tatandaan *sniff* n-na mahal na m-mahal kita. *sob* M-Mahal k-ko kayo ng mga kapatid natin. A-Alagaan mo ang *sniff* sarili m-mo, o-okay? Maging /*cough cough* m-maging mas malakas ka pa sa lahat.” Umiiyak pero nakangiting sabi ni Zhianara, hanggang sa bumagsak na siya ng tuluyan.

“Anong nangy—ZHIANARA!!” Sigaw nang ina nila.

“HANAPIN NIYO SILA!!” Sigaw nang Ama nila sa kanilang mga tauhan.

“A-Ate Zhianara! huhuhu”

“Ate, g-gising *sob*”

“Huwag mo kameng i-iwan, Ate”

Napaluhod naman bigla si Seannah, at humihikbi niyang tinignan ang kaniyang nakatatandang kapatid.

“A-ATEEE!!! *sob* Huhuhuhu” Hagulgol ni Seannah.

                   

           

                             

                                         ***********

MAKALIPAS lamang ang sampung taon...

“Balita ko galing na raw dito sa underground si Black”

“Sino ba si Black?”

“Hindi namin siya kilala sa totoo niyang pagkatao. Pero kilala namin siya bilang si Black. Kinatatakutan si Black, dahil sa pagiging brutal niya sa patayan. Magaling siya sa pakikipag laban”

“Kung ganon mas magaling pa pala siya kesa kay, Violet?”

“Oo”

“Nalaman ko nga rin na nakipag laban pala noon si Black, kay Violet. Kaso natalo si Violet. At higit pa doon ay napatay ni, Black si Violet”

“Hanga na ako sa kaniya kung ganon. Ang isang Violet, kase ay mahirap talunin kaya napabilib niya ako kase natalo niya si Violet.”

Walang nakakaalam kung sino si Black. 

Hindi nila alam kung babae o lalaki ba ito. Basta ang alam ng lahat ay nakakatakot siyang tao. 

Kung minsan nga ay iniisip na ng iba na hindi siya tao. Iniisip ng iba na isang halimaw si, Black.

Brutal pumatay.

Walang emosyon ang mga mata

Nakakatakot kapag kasama.

Kilala si Black, mapa-labas o loob ng bansa.

Kilala siya sa buong underground.

Ang alam ng halos lahat ay napaka yaman na niyang tao.

Sino nga ba si Black?

Babae ba siya o Lalaki?

Maraming tanong sa mga isip ng halos lahat. Ngunit walang nakakaalam kung sino ba talaga siya.          

        

****

AUTHOR'S POV

MAKALIPAS ang mahigit thirteen year's ay maraming nagbago sa takbo ng buhay ni, Seannah.

Naging pasakit niya ang pagkawala ng kapatid niyang si, Zhianara.

Hindi na siya itinuring na isang anak, kapatid o kahit kapamilya ng buong angkan niya.

Dala dala ni Seannah, ang sakit hanggang ngayon na 19 year's old na siya.

“NAPAKA TANGA MO, SEANNAH!!” Hindi na napigilan ng Mafia Queen, na sigawan ang kaniyang bunsong anak na si Seannah, dahil bigla nalang natapunan ni, Princess Seannah,ng tubig ang mga papeles ng Mafia Queen.

“S-Sorry po” Nakayukong paghingi ng tawad ni Seannah, sa kaniyang Ina.

“Linisin mo iyan!” Diin na sabi ng Mommy, niya kaya tumango si, Seannah bilang pagtugon.

Hindi madali para kay Seannah, ang itrato siyang basura ng buong Pamilya niya. Kaya niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili, pero hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya kapag sariling pamilya na niya ang umapi sa kanya.

      

                                              

****                    

MAKALIPAS ang ilang oras ay nakipag kita si Seannah, sa kaniyang Kuya-kuyahan na si, Keith.

“May sugat ka. Sinaktan ka na naman ba huh?” Tanong ng binatang si Keith, kay Seannah. Bakas na bakas rin sa mukha ni, Keith ang pag-aalala. Alam na alam niya kase ang buhay na mayroon si, Seannah. 

Magkasama sila ngayon sa Amira's Restaurant. Dito sila palagi nagkikita, pero minsan ay doon sa palasyo. 

“A-Ayos lang ako, Kuya Keith” Pilit na ngiting sagot ni, Seannah. Ayaw niya lang kase na mag-alala 'rin ang kaniyang, Kuya-kuyahan.

“Talaga? Hanggang kelan ka magpapanggap huh? Alam kong nasas*ktan ka na, Seannah!!” Pasigaw na sambit ni Keith, dahilan para mapatingin sa kanila ang ibang customers ng Amira's restaurant.

“Kuya, kumalma ka. Maayos lang po talaga ako. Isa pa kaya ko naman lumaban eh.” 

KEITH MARAVILLA— Adopted son nila Sanjo at Mensy Maravilla. Wala sa dugo niya ang pagiging Maravilla at pagiging Mollenas. Inampon siya

         

                       

MATAPOS ang pag-uusap nila ay kaagad ring umuwe si Seannah.

“Princess Seannah, saan ka ba nagpunta huh? Kanina ka pa hinahanap nila Queen at King” Salubong sa akin ng aming katulong dito sa palasyo.

“Pasensya na po. Pero nakita ko na po kanina sila Mommy at Daddy, kaya ayos na po.” Ngiting sagot ko.

“Sige po, Princess Seannah” Sabi nito bago s'ya umalis.

                 

                           

KINABUKASAN paggising ni Seannah, ay hindi na n'ya naabutan pa ang kanyang Mommy at Daddy.

“Princess Seannah, umalis po ang Mommy at Daddy n'yo para sunduin sa airport si, Princess Sierra” 'Yan kaagad ang sumalubong kay Seannah, pagbaba n'ya galing silid.

“Po? Kung ganon uuwe na po pala si, Sierra?” Gulat na tanong ni Seannah.

“Opo, Princess Seannah” Sagot ng Mayodorma.

May isang katulong naman ang lumapit kay Seannah, at may sinabi ito, “Princess Seannah, mukhang hindi kana po pwedeng makapasok sa University na pinapasukan mo ngayon. Nakick-out ka kase ulit.” Sabi nito kay, Seannah kaya napakamot sa ulo si Seannah.

“Ehh hehehe o-opo, alam kona po ang tungkol d'yan” Kamot batok na sagot ni, Seannah.

        

                      

MGA BANDANG hapon ay naisipan ni,  Seannah na mag punta sa mga kaibigan niya.

“Andito ka na” Nakangiting salubong ng kaibigan ni, Seannah na si, Zamara.

“Pasensya na, nahirapan kase ako makalabas ng palasyo” Sagot ni, Seannah.

“Kung ganon galing ka pala sa palasyo? Akala namin nandoon ka lang sa mansion niyo” Sambit ni, Lainarashi.

“Mukhang may bagong sugat ka ulit huh. Ano iyan sinaktan ka ba nila ulit?” Tanong ni, Zamara.

“Uhh ito ba? Hindi, ako mismo ang nakasugat niyan.” Sagot ni Seannah at nginitian niya ang kaniyang mga kaibigan para mapaniwala niya ang mga ito.

“May laban kame mamaya. Gusto mo ba sumama?” Tanong ni Lainarashi, sa kaibigan na si, Seannah.

“Laban? Hindi na muna. Pass ako” 

“Sayang. Alam mo ba na si Black, ang makakalaban namin. At sisiguraduhin ko na matatalo namin siya. Malalaman ng lahat na hindi naman siya ganon kalakas, gaya ng iniisip ng iba.” Malakas ang loob ni Zamara, nang sabihin niya ang mga iyon. Tanging ngiti naman ang naging tugon ni, Seannah.

“Malakas at magaling kayo, kaya naman may posibilidad na matalo niyo siya.” Nakangiting sabi ni, Seannah sa mga kaibigan niya.

“Tsk, ibang tao si Black” 

Napatingin sila kay, Ryleigh na bagong dating. May pula ang suot nito at halatang dugo iyon. Napailing nalang din ang mga kasama niya.

“Huwag kayong sigurado na matatalo niyo siya. Husayan niyo nalang ang pakikipag laban, para naman may maipagmalaki kayo. Pero huwag na kayong umasa na magagawa niyong talunin ang kagaya ni, Black.” Malamig na saad ni, Ryleigh. Marami siyang alam tungkol kay, Black kaya naman nasasabi niya ang mga iyon.

“Wow! Mukhang may pinasaya ka na naman” Nakangising sambit ni, Zamara.

“Tss!” Asik ni, Ryleigh at tsaka siya naupo sa sofa na katapat kay, Seannah.

"Lilipat nga pala ako sa panibagong University” 

Nabigla sila, Zamara, Lainarashi at Ryleigh, dahil sa binalita sa kanila ni, Seannah.

“Lilipat ka kase paniguradong nakick-out ka na naman” 

Napakamot nalang sa ulo si, Seannah at pilit niyang nginitian si, Zamara. Napailing nalang din si, Zamara dahil alam na alam na niya talaga na ganon nga ang nangyare.

“Isama mo sila Zamara, at Lainarashi sa lilipatan mo.” Seryosong sabi ni, Ryleigh kaya nagtaka bigla ang tatlo.

“Naka gruadate na ako kaya si, Zamara nalang.” Walang ganang sabi ni, Lainarashi.

“Hindi na kailangan. Kaya ko naman” —Seannah.

“Hindi. Isasama mo ang dalawang iyan. Magpapanggap kayong 19 year's old. Isa pa hindi naman halata sa mga pagmumukha ninyo na 24 year's old na kayo” 

“Fine” —Lainarashi.

“Hindi ako aangal” Nakangiting sabi ni, Zamara.

“Kung iyan ang gusto ninyo, sige payag na rin ako.” Pilit na ngiting pagsang-ayon ni, Seannah sa mga kaibigan niya, kahit na medyo nag aalinlangan pa siya.

ZAMARA RIPLEY— Nagbago ang landas at napasok sa pagiging Gangster. Ikanasal sa batang edad niya dahil sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang. Naging miserable ang buhay niya sa kamay ng kaniyang naging asawa. Ngunit sa tulong ng kaniyang koneksyon at mga kaibigan, ay nagawa niyang makatakas at maging malaya.

LAINARASHI HARA— Half Japanese. Lumaki sa kumpletong pamilya, ngunit siya rin ang pumatay sa adopted sister niya. Galit ang buong Hara, sa kaniya. Nag-umpisa na rin niyang kamuhian ang sarili niyang angkan.

RYLEIGH DEVARA— Cold at masungit sa kanilang apat. Lider ng grupo nila. Maraming sikreto. Matagal na rin simula noong mawalan siya ng mga magulang. Nahiwalay rin sa kaniya ang panganay niyang kapatid na lalaki.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
COFFEREIMXTR
thanks for reading
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status