"SOBRANG dami naman po ng mga ito?" Nalululang turan ni Charity nang makita ang napakadaming damit ng kaniyang ipinagbubuntis, branded lahat iyon alam niya at talagang napakadami! Dala ni Servant Kim ang mga ito at ibinigay sa kaniya nang umaga paggising niya. "Inutusan akong bumili ng mga 'yan ni Sir Cameron. Nagpatulong ako sa kakilala kong maalam sa mga gamit pambata." Nakangiting saad naman ni Servant Kim na nakatayo sa paanan ng kama. Tahimik na pinagmasdan ni Charity ang mga damit na nakalapag sa kaniyang kama na halos mapuno na. Nakaramdam siya ng saya dahil mararanasan ng anak niya na magkaroon ng maraming magagandang damit na hindi niya naranasan noon. "Baka gusto mong maglakad-lakad ngayon sa tabing dagat, Miss Charity?" Gulat na napatingin si Charity sa matanda na nakangiti. "Lalabas? Hindi ba magagalit si Cameron the monster?" Natawa si Servant Kim at napailing. "Hindi, Miss Charity. Sa katunayan ay siya ang nagsabi niyan sa akin ngayong
PAG-AKYAT ni Charity sa kaniyang silid doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. "Aalis na muna ako, Miss Charity. Sasabihan ko na lamang si Ms. Salve na ipagdala ka ng almusal." Marahan siyang tumango kay Servant Kim bago nito isinara ang pintuan. Umikot na lamang ang paningin ni Charity sa apat na sulok ng silid na kaniyang kinaroroonan at napabuntong hininga. Buti na lamang at hindi siya gaanong naiinip doon dahil may mga libangan siya. Naalala na naman niya ang hitsura at ang mga sinabi ni Cameron kanina sa kausap nito sa telepono. Pilit man niyang paniwalaan ang sarili na may mabuting puso si Cameron kagaya ng paniniwala rin ni Servant Kim, pero taliwas talaga ang nakikita niya sa lalaki. Kaya ang ending, hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Halos mapatalon pa sa gulat si Charity nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa taas ng unan niya. Alam niyang si Milet iyon at ilang araw na itong tawag nang tawag sa kaniya, ngunit iniiwasa
MABILIS lumipas ang mga araw at buwan, kagaya ngayon, walong buwan na ang ipinagbubuntis ni Charity. Naroon pa rin siya sa silid na iyon at paminsan-minsan lumalabas upang maglakad-lakad. Mula nang mangyari ang pagtatalo sa pagitan nila ni Cameron noon ay hindi na muli niyang nakita ang lalaki. Hindi niya alam kung iniiwasan siya nito o sadyang nasusuklam na si Cameron sa pagmumukha niya. Marahan niyang hinaplos ang malaking tiyan, nasa balkonahe siya ng kaniyang silid nang umagang iyon at nagpapahangin. Habang palapit nang palapit ang araw ng panganganak niya ay mas nalulungkot siya, dahil isa lang ang ibig sabihin nun, mapapalayo na siya sa kaniyang anak. Hindi niya alam na ganito kahirap pala ang pinasok niyang sitwasyon, kung sanang maibabalik niya ang oras ay hindi na sana nagpasilaw sa pera. Biglang namalisbis ang mga luha sa kaniyang mga mata, halos araw-araw yata ay umiiyak siya kahit pa pinagbawalan na siya ni Dra. Lesley sa bagay na iyon dahil hindi maka
DINIG ni Charity ang paparating na chopper at umaasa siyang sana ay naroon si Cameron. May plano siyang kausapin ang lalaki ngayong araw at sana ay lumambot ang puso nito. Desidido siyang gawin iyon para sa kaniyang anak at sa kalayaan nila. Lumabas siya ng balkonahe at tinanaw kung nasa dumating ngang chopper ang lalaki at hindi siya nabigo. Bumaba ito at kasama si Servant Kim. Muli siyang pumasok sa loob at hinintay kung pupuntahan ba siya ni Cameron ngayon upang tignan. After fifteen minutes ay may nagbukas ng pinto ngunit hindi iyon si Cameron, si Servant Kim ang pumasok. May dala-dala itong pagkain na alam niyang para sa kaniya. "Ipinabibigay ni Sir Cameron, Miss Charity," anito at marahang inilapag ang pagkain sa may bedside table. "Pakisabi sa kaniya salamat." Tsaka tumayo si Charity at naglakad ng pabalik-balik sa harapan ni Servant Kim. "Kamusta ka na, hija? Wala naman bang sumasakit sa'yo?" Usisa ng matanda na sinusundan-sundan ang bawat lakad
"WE need to transfer her in the hospital, Cameron. Mas mamomonitor siya roon at isa pa, malaki ang baby at baka hindi niya kayang inormal and magka emergency CS. It's safe for them kung nasa hospital sila para sa mga posibilidad na puwedeng mangyari, " paliwanag ni Lesley kay Cameron.Dinig ni Charity ang pinag-uusapan ng dalawa dahil naroon lamang siya sa sofa, at kunwari ay busy sa kaniyang cellphone. Kabwanan na niya at araw na lang ang hinihintay at isisilang na niya ang kaniyang anak. Habang palapit nang palapit, imbes na maging masaya siya ay doble ang lungkot na nararamdaman niya. Tinapunan siya ng tingin ni Cameron kita niya iyon sa kaniyang peri vision."Don't worry, sa aming hospital siya dadalhin, magagaling ang mga nurses and doctor doon, if you want your child to be safe, then hear me," dagdag pa ni Dra. Lesley upang makumbinsing pumayag si Cameron."Fine," tipid nitong sagot. "Good then. For now, mauuna na ako sa manila para maihanda na ang lahat at okay na pag dumati
HALOS ayaw ng bitawan ni Charity ang kaniyang anak matapos itong isilang. Kagaya ngayon na kalong-kalong niya ito at pinagmamasdan habang mahimbing na natutulog. Hindi niya mapigilang umiyak sa isipang sa susunod na araw ay kukunin na ito ni Cameron mula sa kaniya. Parang hindi niya kakayanin, natatakot siyang malayo sa anak at kagisnan ang buhay na mayroon si Cameron. Ayaw niyang mamuhay ang anak sa buhay na meron ang lalaki. "Sinabi sa akin ni Servant Kim na ayaw mong kumain, Charity." Napatingin si Charity sa bagong dating na si Dra. Lesley. Matamlay siyang ngumiti. "Paano ako magkakaganang kumain kung alam kong baka sa susunod na araw ay wala na sa akin ang anak ko," malungkot niyang turan. Muling tinignan ang anak at hinalikan ito sa noo. Napakagandang bata, hindi maitatangging anak ito ni Cameron dahil mas lamang ang nakuha nito sa ama kaysa sa kaniya. "Kailangan mong magpalakas, Charity. Kakailanganin mo iyon sa mga susunod na araw," makahulugang sa
"GOD! who are they, Stef?" Bulalas ng babaeng dinatnan nila sa malawak na living room. Pinagmasdan ni Charity ang babae na mga nasa 40's nito. Maganda pa rin at makinis ang morenang balat, maamo ang mukha nito at halatang mabait. "Ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo later, mom. But for now, you need to call Doctor San Juan to have them check. Nabasa sila ng ulan." Pakiusap ni Stefano, habang pinapaupo sa sofa si Charity. Agad namang tumalima si Mrs. Villaraza upang tawagin ang doctor. "Yaya Sharlot, pakikuha ng pambalot ang baby, please and a towel for..." Bumaling si Stefano kay Charity na tila itinatanong ang pangalan. "Charity Mercaez," aniya sa lalaki. Niyakap niya ang sarili nang maihiga sa sofa ang anak. "Yeah, towel for Charity please." Agad namang tumalima ang kasambahay. Inayos ni Charity ang anak kahit nilalamig, papalitan niya ng damit ito ngunit dahil hindi sanay, hindi niya alam kung paano. Nanginginig pa ang kaniyang k
IBINATO ni Cameron ang kopita ng alak na hawak dahil sa inis at galit niya, dahil maglilimang araw na ay hindi pa rin nakikita ng mga tauhan niya si Charity. Tumayo siya sa tabi ng bintana at nagpamulsa."Have you check her friend kung nagpunta ba siya roon?" Magkasalubong ang kilay na usisa niya kay Servant Kim."Yes, Sir Cameron. Sinusubaybayan din ng mga tauhan hangang ngayon si Milet Suarez, pero wala silang impormasyon na nagkikita ang dalawa." -Servant KimNilingon niya si Servant Kim. "How about her family? Ang tiyahin niyang kinalakhan?""Chineck na rin po namin at wala siya roon, imposible rin pong lalapit siya sa mga iyon dahil hindi maganda ang samahan nila," muling sagot ni Servant Kim sa lalaking nagpupuyos."How about the ins and apartment rito sa manila? Hindi pwedeng hindi siya sa manuluyan.""Marami nang napuntahan ang mga tauhan at kasama po ako, pero so far ay wala silang record ni Charity.""Ang mga kalye suyurin niyo! Baka nasa tabi-tabi lamang ang babaeng iyon. I