"WE need to transfer her in the hospital, Cameron. Mas mamomonitor siya roon at isa pa, malaki ang baby at baka hindi niya kayang inormal and magka emergency CS. It's safe for them kung nasa hospital sila para sa mga posibilidad na puwedeng mangyari, " paliwanag ni Lesley kay Cameron.Dinig ni Charity ang pinag-uusapan ng dalawa dahil naroon lamang siya sa sofa, at kunwari ay busy sa kaniyang cellphone. Kabwanan na niya at araw na lang ang hinihintay at isisilang na niya ang kaniyang anak. Habang palapit nang palapit, imbes na maging masaya siya ay doble ang lungkot na nararamdaman niya. Tinapunan siya ng tingin ni Cameron kita niya iyon sa kaniyang peri vision."Don't worry, sa aming hospital siya dadalhin, magagaling ang mga nurses and doctor doon, if you want your child to be safe, then hear me," dagdag pa ni Dra. Lesley upang makumbinsing pumayag si Cameron."Fine," tipid nitong sagot. "Good then. For now, mauuna na ako sa manila para maihanda na ang lahat at okay na pag dumati
HALOS ayaw ng bitawan ni Charity ang kaniyang anak matapos itong isilang. Kagaya ngayon na kalong-kalong niya ito at pinagmamasdan habang mahimbing na natutulog. Hindi niya mapigilang umiyak sa isipang sa susunod na araw ay kukunin na ito ni Cameron mula sa kaniya. Parang hindi niya kakayanin, natatakot siyang malayo sa anak at kagisnan ang buhay na mayroon si Cameron. Ayaw niyang mamuhay ang anak sa buhay na meron ang lalaki. "Sinabi sa akin ni Servant Kim na ayaw mong kumain, Charity." Napatingin si Charity sa bagong dating na si Dra. Lesley. Matamlay siyang ngumiti. "Paano ako magkakaganang kumain kung alam kong baka sa susunod na araw ay wala na sa akin ang anak ko," malungkot niyang turan. Muling tinignan ang anak at hinalikan ito sa noo. Napakagandang bata, hindi maitatangging anak ito ni Cameron dahil mas lamang ang nakuha nito sa ama kaysa sa kaniya. "Kailangan mong magpalakas, Charity. Kakailanganin mo iyon sa mga susunod na araw," makahulugang sa
"GOD! who are they, Stef?" Bulalas ng babaeng dinatnan nila sa malawak na living room. Pinagmasdan ni Charity ang babae na mga nasa 40's nito. Maganda pa rin at makinis ang morenang balat, maamo ang mukha nito at halatang mabait. "Ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo later, mom. But for now, you need to call Doctor San Juan to have them check. Nabasa sila ng ulan." Pakiusap ni Stefano, habang pinapaupo sa sofa si Charity. Agad namang tumalima si Mrs. Villaraza upang tawagin ang doctor. "Yaya Sharlot, pakikuha ng pambalot ang baby, please and a towel for..." Bumaling si Stefano kay Charity na tila itinatanong ang pangalan. "Charity Mercaez," aniya sa lalaki. Niyakap niya ang sarili nang maihiga sa sofa ang anak. "Yeah, towel for Charity please." Agad namang tumalima ang kasambahay. Inayos ni Charity ang anak kahit nilalamig, papalitan niya ng damit ito ngunit dahil hindi sanay, hindi niya alam kung paano. Nanginginig pa ang kaniyang k
IBINATO ni Cameron ang kopita ng alak na hawak dahil sa inis at galit niya, dahil maglilimang araw na ay hindi pa rin nakikita ng mga tauhan niya si Charity. Tumayo siya sa tabi ng bintana at nagpamulsa."Have you check her friend kung nagpunta ba siya roon?" Magkasalubong ang kilay na usisa niya kay Servant Kim."Yes, Sir Cameron. Sinusubaybayan din ng mga tauhan hangang ngayon si Milet Suarez, pero wala silang impormasyon na nagkikita ang dalawa." -Servant KimNilingon niya si Servant Kim. "How about her family? Ang tiyahin niyang kinalakhan?""Chineck na rin po namin at wala siya roon, imposible rin pong lalapit siya sa mga iyon dahil hindi maganda ang samahan nila," muling sagot ni Servant Kim sa lalaking nagpupuyos."How about the ins and apartment rito sa manila? Hindi pwedeng hindi siya sa manuluyan.""Marami nang napuntahan ang mga tauhan at kasama po ako, pero so far ay wala silang record ni Charity.""Ang mga kalye suyurin niyo! Baka nasa tabi-tabi lamang ang babaeng iyon. I
"NARITO po si Senior Silvestre, Sir Cameron," imporma ni Servant Kim kay Cameron na abala sa pagpirma ng mga dokumento. Itinigil niya ang ginagawa at sinenyasan si Servant Kim na papasukin ito. Alam naman niya ang ipinunta nito roon at tiyak nabalitaan na nito ang pagtakas ni Charity. Malamang sa malamang ay iinsultuhin siya ng ama. Ganoon naman ito sa tuwing may kapalpakan siyang nagagawa. "Kailangan pa ba talagang paghintayin ako sa labas?!" Galit na bungad ni Senior Silvestre sa anak."What brought you here?" He asked, completely ignoring his father's words.Lumapit ang ama niya malapit sa kaniyang table at sumipsip sa tabakong dala."Nabalitaan kong itinakas ng maralitang babaeng iyon ang aking apo!" "Yes, she did." Tila walang pakialam niyang saad habang binabasa ang papel na hawak. Palihim niyang naikuyom ang kamao."That's bullshit, Cameron. Isipin mo natakasan ka ng walang silbing babaeng 'yon at hangang ngayon ay hindi niyo pa rin siya natatagpuan. Mga inutil lahat ng tauh
"THIS mess was created by your wife, Dev. Geez! I trusted her!" Mahina ngunit gigil na saad ni Cameron sa kaibigang si Dev na prenteng nakaupo lamang habang sumisimsim ng alak sa hawak na baso. Nasa yate sila na pagmamay-ari ni Dev, inimbitahan siya nito roon at ang isa pa nilang kaibigan na si Donovan na busy namang nakatitig sa screen ng cellphone na tila may hinihintay. Both of his friends are with their so called 'better half' ayon sa mga ito. Gusto niyang malura sa pagkabaliw ng mga ito sa pag-ibig. Sinong mag-aakalang dating kilabot ng mafia world ang mga ito. "Sorry about that, Cam." Shit. He hated it when Dev call him Cam. It sounds like cummed. Gross. "Para makabawi, tutulungan na lang kitang hanapin ang babaeng 'yon," dagdag nito pagkaraan. "No need. Masyado ng marami ang naghahanap kay Charity. That bitch is really giving me a hard time, huh."- Cameron "Sa dami ng naghahanap ay hindi pa rin nila makita? Have them try lookin' a
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON."KINAKABAHAN ka ba?" Kasabay ng tanong na iyon ay ang isang brasong umakbay kay Charity. Si Stefano."Well, alam mo namang sa mga lumipas na taon ay hindi nawala sa akin 'yon," aniya na napangiti at sumandig sa balikat ng lalaki. Kung may makakakita sa kanila ng taong hindi sila kilala, tiyak na iisipin ng mga ito na may relasyon sila. Nasa sala sila nun at katatapos lang ilabas ni Charity ang mga maleta nila ni Calista. Ngayon ang uwi nila sa pilipinas matapos ang apat na taong pananatili rito sa Paris. "Kung hindi lang dahil sa request ni Mama, hindi tayo uuwi ng pinas, e." Hinila siya ni Stefano paharap at hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang magandang mukha. Pagkatapos ay ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at masuyo siyang pinagmasdan ng lalaki. "For the past four years, you really did great, Charity." He looks proud upon saying those words.Matamis na ngumiti si Charity. "Did I?" Tumango si Stefano. "Yes, Mrs. Villara
WALANG pagsidlan ang tuwa ni Madam Ada nang makita si Calista. Kinuha nito ang bata na karga ni Stefano dahil nakatulog sa byahe patungo sa mansion. Namumula ang pisngi ni Calista na tila may makapal na blush-on dahil sa init ng panahon sa Pilipinas kaya naninibago ito. Buti na lamang at malamig na sa mansion dahil naka air-conditioned ang buong paligid. "Maligayang pagbabalik sa Pilipinas, Charity, Stefano at Sharlot. Ano, magp-party na ba tayo?" Nakangiting turan ng ginang na umupo sa sofa habang kalong si Calista na animo sanggol pa kung ituring nito. Isa sa ipinagpapasalamat niya na maraming nagmamahal sa anak niya, hindi nito naranasan ang lupit na naranasan niya, doon pa lang ay masaya na siya. Lumapit siya kay Madam Ada at humalik sa pisngi nito. "Good Idea," ani Stefano na tila pagod na pagod na umupo sa sofa. Siya naman ay nagkibit balikat lamang at ngumiti. Tho, sanay naman na siya sa mga party-party pero mas pinipili lang niya ang mga