HALOS maghapon silang magkasama ni Milet. Malling at kumain sa iba't ibang restaurant na lubos na ikinatuwa nito."Grabe, dati ay kahit kwek-kwek todo tipid pa tayo, lalo ka na. Ngayon, tignan mo naman, sosyalin!" Maingay na saad nito habang kumakain sila sa isang Italian restaurant."Gaga, huwag ka ngang maingay," aniya na natatawa."Sorry, nasanay kasi akong maging maingay, lalo na ngayon sa palengke ang trabaho ko."Sumeryoso ang mukha ni Charity. "Anong tulong ang gusto mong ibigay ko sa'yo, Milet? Gusto kasi kitang tulungan at huwag mo sanang tanggihan," aniya sa kaibigan.Noong una ay tila ayaw pa ni Milet dahil sa hiya, hangang sa nakumbinsi niya rin itong tutulungan niya. ******"Mommy! I miss you!" Iyon ang salubong sa kaniya ni Calista nang makita siya main door. Niyakap siya ng kaniyang anak. "Kanina ka pa hinahanap niyan," ani Stefano na siyang nakita niyang nagbabantay kay Calista. Nakapang opisina pa ito at tila kadarating lamang nito. Ito na rin kasi ang nagpapatakbo
"GRABE napakagandang bata ni Calista, Charity. Kamukhang-kamukha ng-" hindi na tinuloy ni Milet ang nais sabihin at tinakpan ang sariling bibig. Nasa lanai silang tatlo nang mga sandaling iyon, agad nakasundo ni Calista ang kaniyang kaibigan at halos silang dalawa lamang ang nag-uusap. "Teka, dinudugo na yata ang ilong ko sa batang ito," ani Milet na kunwaring pinunasan pa ang ilong. Binalingan siya nito. "Hindi ba ito marunong magtagalog?" Natawa siya sa kaibigan. "Malamang marunong 'yan. Tinuruan ko." Tinignan niya ang anak at sinabihan ng, "Calista, magsalita ka raw ng tagalog, huwag mong pahirapan ang ninang mo." Natakip ng anak ang bibig at humagikhik. "Oh, sorry about that, ninang. Sige po magtatagalog nako," ani Calista na halatang hindi gaanong bihasa sa pagtatagalog pero nakakaya naman. "Ayun naman pala at pinahirapan pa ako sa umpisa," natatawang turan ni Milet na nakipaglarong muli sa bata. Siya naman ay muling nahulog sa ma
"BAKIT namumugto ang mga mo?" Puna ni Stefano sa mga mata ni Charity. Nag-iwas ng tingin ang babae at itinuon sa plato ang mga mata. Kasalukuyan niyang nag-aalmusal at bumaba ito, tulog pa si Calista at sina Madam Ada. "Hey, may problema ba?" Si Stefano muli na hindi niya namalayang nakalapit na pala at sinilip siya mula sa pagkakayuko. "Don't mind me,Stef. May napanood akong drama kagabi and that's the reason." Totoo naman iyon, mahilig siya sa mga tragic movie at ang ending ay namumugto ang mga mata niya. "Oh, ganoon ba?" Lumayo ito at kumuha ng tubig sa ref. Mukhang kagagaling lang nito sa jogging, dahil pawisan pa ito. "Are you free this coming weekend?" Doon niya tinignan si Stefano. "Yeah, by monday next week pa ang duty ko sa hospital and from there for sure busy na naman ako. Bakit mo pala naitanong?" "I want to invite you sana sa party na dadaluhan ko this weekend." Dumaklot ito ng isang pirasong ubas na nasa fruit tray a
HINDI alam ni Charity kung gaano katagal siyang nanatili sa loob ng banyo. Desidido na siyang uuwi at iiwan si Stefano sa party at itetext na lamang ito. Hindi na siya maaring manatili roon dahil nakita siya ni Cameron. Sana nga lang ay hindi siya nito nakilala, iyon na lamang ang ipinagdadasal niya. Nang makahugot ng lakas ng loob na lumabas na, kinuha niya ang purse at nagtungo sa pintuan at dagliang lumabas. Nakailang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang napasigaw dahil may mala-bakal na kamay ang humila sa kaniya at isinandal siya sa pader. Napaigik pa siya sa kirot na naramdaman, dahil napakatigas ng pader. "Ano ang kailangan mo-" naputol ang sasabihin ni Charity at nanlaki ang mga mata nang makita si Cameron sa harapan niya. Stiff, cold and magnificent. Time made him more intimidating, gosh! Bakit ba niya pinupuri ang lalaking 'to? "Nice to see you again, Charity." Sinundan iyon ng ngising pamilyar na pamilyar sa kaniya. "Kailangan ko
NGAYON ang unang araw ni Charity sa hospital at hindi siya makaramdam ng saya gaya ng dati sa tuwing nagttrabaho siya. Siguro dahil na rin sa mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Pero somehow, hindi niya maiwasang maging proud sa sarili niya sa tuwing naiisip na naharap niya si Cameron noong gabing iyon. "Doc, heto na po ang record ng pasyenteng ipinasa po sainyo ni Dr. Cruz," anang isang nurse at sabay abot sa kaniya ng record ng isang pasyente. "Thanks, Lizzy," aniya sa babae at inilagay sa mga files na naroon ang nasabing record na isa-isa niyang pag-aaralan mamaya. Limang operasyon sa buwan na iyon ang agad na hahawakan ni Charity. Kailangan niyang hamigin ang sarili dahil ayaw niyang sumasalang sa operating room ng magulo o stress ang utak. Maya-maya pa ay pumasok sa private room na nagsisilbing opisina ng mga ibang doctor ang isang babae. Si Dra. Atson. Sa bawat private room ay apat silang doctor na ookupa nun at isa na nga ito sa mga kasama n
"CAMERON! Cameron, ilabas mo ang anak ko!" Sigaw ni Charity sabay nang pagkalampag ng matayog na gate sa mansion ni Cameron. "Cameron!" She shouted again at wala siyang pakialam kung mamaos man siya basta makita niya ang kaniyang anak at makuha ito sa lalaki. Naiimagine na niya ang pag-iyak ni Calista sa bawat minutong hindi siya nito kasama. Paanong natitis iyon ni Cameron? Ilang saglit pa ay bumukas ang gate at walang babalang pumasok siya, hindi na siya napigilan ng bantay. Malayo pa ng kaunti ang mansion sa mismong gate kaya naglakad siya ng mabilis upang makarating sa main door. Strange, pero wala siyang nararamdamang takot o kaba. Dala na rin siguro ang kagustuhan niyang mabawi ang anak. Malayo pa siya sa main door nang makitang lumabas si Cameron. Nakasuot ito ng faded blue na rugged jeans at itim na tshirt na hakab na hakab sa malaki nitong katawan at mas lalong nakadagdag sa dating nito ang tattoo sa braso nito. Nakapamulsa ito sa magkabil
GABI na ngunit hindi pa rin makatulog si Charity. Naalala niya ang naging usapan nila ni Cameron sa mansion... "Sumunod ka sa akin," ani Cameron kay Charity. Hinawakan nito ang kamay ni Calista at pumasok sa mansion. Ayaw man pumasok ni Charity, pero napilitan siyang sumunod dahil naroon ang anak. Nakita pa niya si Ms Salve dahil ipinabantay muna ni Cameron si Calista rito. Mangiyak-ngiyak ang matanda nang makita siya at ganoon din siya, ang saya niyang malaman na okay lang 'to. Mabilisang yakap lamang ang pinagsaluhan nila. "Sige na at sumunod ka na kay Sir Cameron, alam mo naman 'yon, ayaw niya ng pinaghihintay. Ako na ang bahala muna kay Calista," ani Ms Salve. Tumango siya at sinundan sina Cameron sa may backyard sa kung saan sa gazebo nagtungo ito. "Take a sit, Charity." "Hindi na kailangan. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, wala akong balak na patagalin ang usapan natin, Cameron," matigas na sabi niya sa lalaki. Kita n
KITANG kita ni Charity kung paano ang saya ni Calista nang bumalik sila sa mansion ni Cameron. Yes, she decided to stay here with Calista. Ano pa nga bang choice niya? Hindi niya ibibigay kay Cameron nang tuluyan ang kaniyang anak, ano 'to, sinuwerte? "Ms Salve!" Masaya niyang tawag sa matandang babae at niyakap ito ng mahigpit. "Kumusta na po kayo?" Hindi nila magawang magkamustahan noon nakaraan, kaya ngayon na lang. "Okay naman ako, Charity. Talagang bumalik nga kayo rito sa mansion. Kumusta ka na? Ang laki ng ipinagbago mo at masaya ako roon," anito na pinagmasdan siya. Nginitian niya ang matanda. "Kailangan po namin bumalik. Kapag kasi hindi ko ginawa may isang monster ang mababaliw." Sabay hagikhik. "Atsaka Sinuwerte po akong makakilala ng mabubuting tao na tumulong sa akin,"dagdag niya. Natawa rin si Ms Salve sa unang sinabi niya at tinapik siya sa braso. "Pero masaya akong nandito kayo ni Calista at hindi na parang horror house itong buong mansio