Share

CHAPTER 36

HALOS maghapon silang magkasama ni Milet. Malling at kumain sa iba't ibang restaurant na lubos na ikinatuwa nito.

"Grabe, dati ay kahit kwek-kwek todo tipid pa tayo, lalo ka na. Ngayon, tignan mo naman, sosyalin!" Maingay na saad nito habang kumakain sila sa isang Italian restaurant.

"Gaga, huwag ka ngang maingay," aniya na natatawa.

"Sorry, nasanay kasi akong maging maingay, lalo na ngayon sa palengke ang trabaho ko."

Sumeryoso ang mukha ni Charity. "Anong tulong ang gusto mong ibigay ko sa'yo, Milet? Gusto kasi kitang tulungan at huwag mo sanang tanggihan," aniya sa kaibigan.

Noong una ay tila ayaw pa ni Milet dahil sa hiya, hangang sa nakumbinsi niya rin itong tutulungan niya.

******

"Mommy! I miss you!" Iyon ang salubong sa kaniya ni Calista nang makita siya main door. Niyakap siya ng kaniyang anak.

"Kanina ka pa hinahanap niyan," ani Stefano na siyang nakita niyang nagbabantay kay Calista. Nakapang opisina pa ito at tila kadarating lamang nito. Ito na rin kasi ang nagpapatakbo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status