"THIS mess was created by your wife, Dev. Geez! I trusted her!" Mahina ngunit gigil na saad ni Cameron sa kaibigang si Dev na prenteng nakaupo lamang habang sumisimsim ng alak sa hawak na baso. Nasa yate sila na pagmamay-ari ni Dev, inimbitahan siya nito roon at ang isa pa nilang kaibigan na si Donovan na busy namang nakatitig sa screen ng cellphone na tila may hinihintay. Both of his friends are with their so called 'better half' ayon sa mga ito. Gusto niyang malura sa pagkabaliw ng mga ito sa pag-ibig. Sinong mag-aakalang dating kilabot ng mafia world ang mga ito. "Sorry about that, Cam." Shit. He hated it when Dev call him Cam. It sounds like cummed. Gross. "Para makabawi, tutulungan na lang kitang hanapin ang babaeng 'yon," dagdag nito pagkaraan. "No need. Masyado ng marami ang naghahanap kay Charity. That bitch is really giving me a hard time, huh."- Cameron "Sa dami ng naghahanap ay hindi pa rin nila makita? Have them try lookin' a
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON."KINAKABAHAN ka ba?" Kasabay ng tanong na iyon ay ang isang brasong umakbay kay Charity. Si Stefano."Well, alam mo namang sa mga lumipas na taon ay hindi nawala sa akin 'yon," aniya na napangiti at sumandig sa balikat ng lalaki. Kung may makakakita sa kanila ng taong hindi sila kilala, tiyak na iisipin ng mga ito na may relasyon sila. Nasa sala sila nun at katatapos lang ilabas ni Charity ang mga maleta nila ni Calista. Ngayon ang uwi nila sa pilipinas matapos ang apat na taong pananatili rito sa Paris. "Kung hindi lang dahil sa request ni Mama, hindi tayo uuwi ng pinas, e." Hinila siya ni Stefano paharap at hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kaniyang magandang mukha. Pagkatapos ay ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at masuyo siyang pinagmasdan ng lalaki. "For the past four years, you really did great, Charity." He looks proud upon saying those words.Matamis na ngumiti si Charity. "Did I?" Tumango si Stefano. "Yes, Mrs. Villara
WALANG pagsidlan ang tuwa ni Madam Ada nang makita si Calista. Kinuha nito ang bata na karga ni Stefano dahil nakatulog sa byahe patungo sa mansion. Namumula ang pisngi ni Calista na tila may makapal na blush-on dahil sa init ng panahon sa Pilipinas kaya naninibago ito. Buti na lamang at malamig na sa mansion dahil naka air-conditioned ang buong paligid. "Maligayang pagbabalik sa Pilipinas, Charity, Stefano at Sharlot. Ano, magp-party na ba tayo?" Nakangiting turan ng ginang na umupo sa sofa habang kalong si Calista na animo sanggol pa kung ituring nito. Isa sa ipinagpapasalamat niya na maraming nagmamahal sa anak niya, hindi nito naranasan ang lupit na naranasan niya, doon pa lang ay masaya na siya. Lumapit siya kay Madam Ada at humalik sa pisngi nito. "Good Idea," ani Stefano na tila pagod na pagod na umupo sa sofa. Siya naman ay nagkibit balikat lamang at ngumiti. Tho, sanay naman na siya sa mga party-party pero mas pinipili lang niya ang mga
HALOS maghapon silang magkasama ni Milet. Malling at kumain sa iba't ibang restaurant na lubos na ikinatuwa nito."Grabe, dati ay kahit kwek-kwek todo tipid pa tayo, lalo ka na. Ngayon, tignan mo naman, sosyalin!" Maingay na saad nito habang kumakain sila sa isang Italian restaurant."Gaga, huwag ka ngang maingay," aniya na natatawa."Sorry, nasanay kasi akong maging maingay, lalo na ngayon sa palengke ang trabaho ko."Sumeryoso ang mukha ni Charity. "Anong tulong ang gusto mong ibigay ko sa'yo, Milet? Gusto kasi kitang tulungan at huwag mo sanang tanggihan," aniya sa kaibigan.Noong una ay tila ayaw pa ni Milet dahil sa hiya, hangang sa nakumbinsi niya rin itong tutulungan niya. ******"Mommy! I miss you!" Iyon ang salubong sa kaniya ni Calista nang makita siya main door. Niyakap siya ng kaniyang anak. "Kanina ka pa hinahanap niyan," ani Stefano na siyang nakita niyang nagbabantay kay Calista. Nakapang opisina pa ito at tila kadarating lamang nito. Ito na rin kasi ang nagpapatakbo
"GRABE napakagandang bata ni Calista, Charity. Kamukhang-kamukha ng-" hindi na tinuloy ni Milet ang nais sabihin at tinakpan ang sariling bibig. Nasa lanai silang tatlo nang mga sandaling iyon, agad nakasundo ni Calista ang kaniyang kaibigan at halos silang dalawa lamang ang nag-uusap. "Teka, dinudugo na yata ang ilong ko sa batang ito," ani Milet na kunwaring pinunasan pa ang ilong. Binalingan siya nito. "Hindi ba ito marunong magtagalog?" Natawa siya sa kaibigan. "Malamang marunong 'yan. Tinuruan ko." Tinignan niya ang anak at sinabihan ng, "Calista, magsalita ka raw ng tagalog, huwag mong pahirapan ang ninang mo." Natakip ng anak ang bibig at humagikhik. "Oh, sorry about that, ninang. Sige po magtatagalog nako," ani Calista na halatang hindi gaanong bihasa sa pagtatagalog pero nakakaya naman. "Ayun naman pala at pinahirapan pa ako sa umpisa," natatawang turan ni Milet na nakipaglarong muli sa bata. Siya naman ay muling nahulog sa ma
"BAKIT namumugto ang mga mo?" Puna ni Stefano sa mga mata ni Charity. Nag-iwas ng tingin ang babae at itinuon sa plato ang mga mata. Kasalukuyan niyang nag-aalmusal at bumaba ito, tulog pa si Calista at sina Madam Ada. "Hey, may problema ba?" Si Stefano muli na hindi niya namalayang nakalapit na pala at sinilip siya mula sa pagkakayuko. "Don't mind me,Stef. May napanood akong drama kagabi and that's the reason." Totoo naman iyon, mahilig siya sa mga tragic movie at ang ending ay namumugto ang mga mata niya. "Oh, ganoon ba?" Lumayo ito at kumuha ng tubig sa ref. Mukhang kagagaling lang nito sa jogging, dahil pawisan pa ito. "Are you free this coming weekend?" Doon niya tinignan si Stefano. "Yeah, by monday next week pa ang duty ko sa hospital and from there for sure busy na naman ako. Bakit mo pala naitanong?" "I want to invite you sana sa party na dadaluhan ko this weekend." Dumaklot ito ng isang pirasong ubas na nasa fruit tray a
HINDI alam ni Charity kung gaano katagal siyang nanatili sa loob ng banyo. Desidido na siyang uuwi at iiwan si Stefano sa party at itetext na lamang ito. Hindi na siya maaring manatili roon dahil nakita siya ni Cameron. Sana nga lang ay hindi siya nito nakilala, iyon na lamang ang ipinagdadasal niya. Nang makahugot ng lakas ng loob na lumabas na, kinuha niya ang purse at nagtungo sa pintuan at dagliang lumabas. Nakailang hakbang pa lamang siya nang bigla siyang napasigaw dahil may mala-bakal na kamay ang humila sa kaniya at isinandal siya sa pader. Napaigik pa siya sa kirot na naramdaman, dahil napakatigas ng pader. "Ano ang kailangan mo-" naputol ang sasabihin ni Charity at nanlaki ang mga mata nang makita si Cameron sa harapan niya. Stiff, cold and magnificent. Time made him more intimidating, gosh! Bakit ba niya pinupuri ang lalaking 'to? "Nice to see you again, Charity." Sinundan iyon ng ngising pamilyar na pamilyar sa kaniya. "Kailangan ko
NGAYON ang unang araw ni Charity sa hospital at hindi siya makaramdam ng saya gaya ng dati sa tuwing nagttrabaho siya. Siguro dahil na rin sa mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Pero somehow, hindi niya maiwasang maging proud sa sarili niya sa tuwing naiisip na naharap niya si Cameron noong gabing iyon. "Doc, heto na po ang record ng pasyenteng ipinasa po sainyo ni Dr. Cruz," anang isang nurse at sabay abot sa kaniya ng record ng isang pasyente. "Thanks, Lizzy," aniya sa babae at inilagay sa mga files na naroon ang nasabing record na isa-isa niyang pag-aaralan mamaya. Limang operasyon sa buwan na iyon ang agad na hahawakan ni Charity. Kailangan niyang hamigin ang sarili dahil ayaw niyang sumasalang sa operating room ng magulo o stress ang utak. Maya-maya pa ay pumasok sa private room na nagsisilbing opisina ng mga ibang doctor ang isang babae. Si Dra. Atson. Sa bawat private room ay apat silang doctor na ookupa nun at isa na nga ito sa mga kasama n