Share

CHAPTER 26

MABILIS lumipas ang mga araw at buwan, kagaya ngayon, walong buwan na ang ipinagbubuntis ni Charity. Naroon pa rin siya sa silid na iyon at paminsan-minsan lumalabas upang maglakad-lakad. Mula nang mangyari ang pagtatalo sa pagitan nila ni Cameron noon ay hindi na muli niyang nakita ang lalaki. Hindi niya alam kung iniiwasan siya nito o sadyang nasusuklam na si Cameron sa pagmumukha niya.

Marahan niyang hinaplos ang malaking tiyan, nasa balkonahe siya ng kaniyang silid nang umagang iyon at nagpapahangin. Habang palapit nang palapit ang araw ng panganganak niya ay mas nalulungkot siya, dahil isa lang ang ibig sabihin nun, mapapalayo na siya sa kaniyang anak. Hindi niya alam na ganito kahirap pala ang pinasok niyang sitwasyon, kung sanang maibabalik niya ang oras ay hindi na sana nagpasilaw sa pera.

Biglang namalisbis ang mga luha sa kaniyang mga mata, halos araw-araw yata ay umiiyak siya kahit pa pinagbawalan na siya ni Dra. Lesley sa bagay na iyon dahil hindi maka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
ayan n lumalambot n ang heart ng Cameron the monster :⁠-⁠D:⁠-⁠D
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status