"P-P'WEDE ba akong magtanong sa'yo?" Buong lakas loob na sabi niya kay Cameron nang sila lamang dalawa sa may terrace na 'yon at nagpapahangin. Halos kakauwi lang nila galing mall dahil ipinasyal nila si Calista pagkatapos dumalaw kay Senior Silvestre. Bago sila umalis sa mansion ng matanda ay nakapagdesisyon na ito na siya ang gagawa sa operasyon. At isasagawa ang operasyon sa susunod na buwan. "Shoot," ani Cameron at nilapitan siya. Niyakap mula sa likod. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Charity nang maramdamang magdikit ang kanilang katawan. Tila ba may kuryenteng nanulay sa kaniyang mga kalamnan sa ginawa ng lalaki. Bakit tila ang bilis mag-init ng kaniyang katawan sa simpleng pagkakadaiti lamang ng kanilang mga balat? Kailan na nga ulit ang huli nilang pagniniig? Matagal-tagal na pala iyon. "C-Cameron," utal niyang sabi at huminga ng malalim. "Paano kung bumalik ang nanay mo sa'yo? O kaya humingi ng tawad, papatawarin mo ba s
IKATLONG araw na at hindi pa rin nagkukrus ang landas nila ni Cameron. Lagi itong maagang aalis at gabing-gabi na uuwi. Nasasaktan siya sa ginagawa nito, pero nanatili siyang walang kibo at hindi kinokompronta ang lalaki. Hinahayaan na muna niyang magpalamig ito. Balak niyang magtungo kina Madam Ada ngayon, hindi na muna niya isasama si Calista. Balak din niyang dalawin si Milet at yakagin itong mamasyal para ma-refresh ang isipan niya. Ngunit wala si Madam Ada nasa importanteng meeting, paalis na sana siya nang dumating naman si Stefano na nabigla nang makita siya roon. "You're here..." "Yeah." "Paalis ka na agad?" Anito na bakas ang panghihinayang sa mukha. "Nasaan si Calista?" "Umm, yah. Dadalawin ko sana si Tita Ada, pero wala pala siya, so, aalis na ako. And about Calista, hindi ko siya isinama," sagot niya sa lalaki. "Ganoon ba? Sayang at wala si Calista, matagal ko na rin siyang hindi nakikita. By the way, ihahatid na kita, s
PAGKATAPOS ng napakainit na pagniniig ay naligo at nagbihis na si Cameron dahil papasok pa ito sa opisina. Naligo na rin si Charity at nagsuot ng isa sa mga tshirt ni Cameron. Para tuloy siyang naka-besti
NATARANTA si Charity nang may mga nurses at doctor na nagmamadaling nagtungo sa room ni Servant Kim. Napatayo siya sa kaba, dahil bilang isang doctor kapag ganoon ay alam mo na ano ang nangyayari. Nakita niyang lumabas si Cameron sa silid at bagsak ang balikat nito. Agad niya itong sinalubong."Cameron-"Nagulat siya nang bigla na lamang yumakap ito sa kaniya. "He's gone..."Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang tahimik nitong pag-iyak na tila nilalabas ang lahat ng nararamdamang bigat. Ginantihan niya ang yakap ni Cameron at hinayaan lamang niya ito sa ganoong ayos. For the first time, she saw him vulnerable. Malayong malayo sa Cameron na laging walang emosyon at sa oras na iyon, alam ni Charity na sobra itong naapektuhan sa pagkawala ni Servant kim. Hindi na rin niya napigilan ang sariling luha at sinabayan niya ang pagbuhos ng luha ni Cameron.Paalam Servant Kim, salamat sa lahat at makakaasa ka pangako kong hinding-hindi ko iiwan si Cameron...*****NAIRAOS naman ng payapa ang la
NAKIKIRAMDAMAN ang lahat habang kumakain, boses ng inosenteng si Calista lamang ang naririnig dahil marami itong kinukwento sa kanila. Si Cameron ay tahimik at seryosong kumakain, si Charity ay abala sa pag-iisip kung sasabihin na ba ang lahat kay Cameron o hindi pa, si Madam Ada na halo-halong emosyon anh nadarama nang mga sandaling iyon, si Sharlot na naghihintay lamang sa mga susunod na mangyayari at si Stefano na ang pansin ay sa kinakain lamang at gaya ni Cameron, seryoso at tahimik lamang din ito. "Mamita, hindi po ba anak mo rin si daddy?" Lahat sila ay natigil sa pagsubo at napatingin kay Calista na inosenteng nagtanong lamang kay Madam Ada. "Calista..." Saway niya sa anak. Tumingin si Calista kay Charity. "Hindi ba, mommy? I heard you and mamita talking about it," pilit pa rin ni Calista. "Mamita was crying pa nga like this oh," sabay muestra kung paano ang nakitang pag-iyak ni Madam Ada. Nag-aalala siyang napatingin kay Cameron. Seryos
NANG hindi makatulog si Charity dahil sa dami ng iniisip, nagdesisyon siyang bumaba na muna sa may hardin at magpahangin, baka sakaling dalawin siya ng antok. Tinignan niya muna ang mahimbing na pagtulog ni Calista at bago dahan-dahang tumayo upang hindi ito magising. Tahimik na ang buong mansion at mukhang tulog na ang lahat, agad siyang nagtungo sa hardin at umupo sa mga naroong upuan, tumingala sa maaliwas na kalangitan. Nais na naman niyang maluha nang magbalik sa isip niya ang mga tagpong naganap kanina. Parang ang bilis lang ng lahat ng pangyayari. Para bang noong isang araw lang at bago sila magtungo rito sa mansion ni Madam Ada ay okay na okay pa sila ni Cameron, pero sa isang iglap ay ganoon na lamang ang naganap sa kanila."Dinalhan kita ng kape." Boses iyon ni Stefano, pero hindi niya nilingon at nanatiling nakamasid sa kalangitan na pinamumugaran ng mga nagkikislapang bituin. Narinig niya nang ilapag ni Stefano ang mga tasa ng kapeng dala nito sa lamesang nasa lik
"WHAT do you need?" Malamig at walang kabuhay-buhay ang boses ni Cameron nang biglang lumitaw sa harapan niya si Stefano. Kasalukuyan niyang nasa isang bar at nakaupo sa stool ng bar counter nang dumating ito. "We need to talk," ani Stefano sa kaniya. "If is it about Charity and about the woman I despise the most, don't bother. Leave me alone." Pinakatitigan siya ni Stefano at marahang umupo ito sa katabing stool. "Kahit ayaw mong pag-usapan silang dalawa, you need to listen atleast," pagkumbinsi pa nito sa kaniya Naikuyom ni Cameron ang kamay at pinigilan ang sarili na magsabi ng hindi kanais-nais sa kaharap. Pinili niyang manatiling walang kibo na lamang. Half of him ayaw niyang makinig sa sasabihin ni Stefano. But half of him ay may pagnanais na makinig sa sasabihin nito. Matapos kasi ang insidente sa mansion ng mga Villaraza ay gabi-gabi na lamang siyang nasa bar na ito upang magpakalasing dahil sa galit niya. "My mom i
"CHARITY, okay ka lang ba rito?" Nakangiting tanong ni Dra. Lesley kay Charity nang lapitan siya nito. "Oo naman. Don't worry about me, Les..." Sagot niyang nakangiti sa babae. "Sige babalikan kita later, hinahanap ako ni Fausto, e. Kumain ka lang diyan, okay?" Bilin ng babae bago siya muling iniwan. Narito siya ngayon sa reception ng birthday party ng anak ni Dra. Lesley na si Fausto. Nagkita silang dalawa ng hindi sinasadya sa isang mall last week, nakipag-kwentuhan and nasabi niya sa babae na hindi na siya nagtatago kay Cameron and Lesley was glad to know about it. Hangang sa inaya siya nito sa birthday party ni Fausto na hindi niya natanggihan. Kaya ngayon ay narito siya sa reception at iniikot ikutan ang buffet food na sobrang sasarap. Nang makakuha ng pagkain ay umupo siya sa mesa na tanging siya lang, wala naman siyang kilala sa mga naroon, maliban kay Lesley at asawa nitong si Dev. Panaka-naka naman siyang chinecheck ni Lesley, nakakahiya na n