PAGKATAPOS ng napakainit na pagniniig ay naligo at nagbihis na si Cameron dahil papasok pa ito sa opisina. Naligo na rin si Charity at nagsuot ng isa sa mga tshirt ni Cameron. Para tuloy siyang naka-besti
NATARANTA si Charity nang may mga nurses at doctor na nagmamadaling nagtungo sa room ni Servant Kim. Napatayo siya sa kaba, dahil bilang isang doctor kapag ganoon ay alam mo na ano ang nangyayari. Nakita niyang lumabas si Cameron sa silid at bagsak ang balikat nito. Agad niya itong sinalubong."Cameron-"Nagulat siya nang bigla na lamang yumakap ito sa kaniya. "He's gone..."Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang tahimik nitong pag-iyak na tila nilalabas ang lahat ng nararamdamang bigat. Ginantihan niya ang yakap ni Cameron at hinayaan lamang niya ito sa ganoong ayos. For the first time, she saw him vulnerable. Malayong malayo sa Cameron na laging walang emosyon at sa oras na iyon, alam ni Charity na sobra itong naapektuhan sa pagkawala ni Servant kim. Hindi na rin niya napigilan ang sariling luha at sinabayan niya ang pagbuhos ng luha ni Cameron.Paalam Servant Kim, salamat sa lahat at makakaasa ka pangako kong hinding-hindi ko iiwan si Cameron...*****NAIRAOS naman ng payapa ang la
NAKIKIRAMDAMAN ang lahat habang kumakain, boses ng inosenteng si Calista lamang ang naririnig dahil marami itong kinukwento sa kanila. Si Cameron ay tahimik at seryosong kumakain, si Charity ay abala sa pag-iisip kung sasabihin na ba ang lahat kay Cameron o hindi pa, si Madam Ada na halo-halong emosyon anh nadarama nang mga sandaling iyon, si Sharlot na naghihintay lamang sa mga susunod na mangyayari at si Stefano na ang pansin ay sa kinakain lamang at gaya ni Cameron, seryoso at tahimik lamang din ito. "Mamita, hindi po ba anak mo rin si daddy?" Lahat sila ay natigil sa pagsubo at napatingin kay Calista na inosenteng nagtanong lamang kay Madam Ada. "Calista..." Saway niya sa anak. Tumingin si Calista kay Charity. "Hindi ba, mommy? I heard you and mamita talking about it," pilit pa rin ni Calista. "Mamita was crying pa nga like this oh," sabay muestra kung paano ang nakitang pag-iyak ni Madam Ada. Nag-aalala siyang napatingin kay Cameron. Seryos
NANG hindi makatulog si Charity dahil sa dami ng iniisip, nagdesisyon siyang bumaba na muna sa may hardin at magpahangin, baka sakaling dalawin siya ng antok. Tinignan niya muna ang mahimbing na pagtulog ni Calista at bago dahan-dahang tumayo upang hindi ito magising. Tahimik na ang buong mansion at mukhang tulog na ang lahat, agad siyang nagtungo sa hardin at umupo sa mga naroong upuan, tumingala sa maaliwas na kalangitan. Nais na naman niyang maluha nang magbalik sa isip niya ang mga tagpong naganap kanina. Parang ang bilis lang ng lahat ng pangyayari. Para bang noong isang araw lang at bago sila magtungo rito sa mansion ni Madam Ada ay okay na okay pa sila ni Cameron, pero sa isang iglap ay ganoon na lamang ang naganap sa kanila."Dinalhan kita ng kape." Boses iyon ni Stefano, pero hindi niya nilingon at nanatiling nakamasid sa kalangitan na pinamumugaran ng mga nagkikislapang bituin. Narinig niya nang ilapag ni Stefano ang mga tasa ng kapeng dala nito sa lamesang nasa lik
"WHAT do you need?" Malamig at walang kabuhay-buhay ang boses ni Cameron nang biglang lumitaw sa harapan niya si Stefano. Kasalukuyan niyang nasa isang bar at nakaupo sa stool ng bar counter nang dumating ito. "We need to talk," ani Stefano sa kaniya. "If is it about Charity and about the woman I despise the most, don't bother. Leave me alone." Pinakatitigan siya ni Stefano at marahang umupo ito sa katabing stool. "Kahit ayaw mong pag-usapan silang dalawa, you need to listen atleast," pagkumbinsi pa nito sa kaniya Naikuyom ni Cameron ang kamay at pinigilan ang sarili na magsabi ng hindi kanais-nais sa kaharap. Pinili niyang manatiling walang kibo na lamang. Half of him ayaw niyang makinig sa sasabihin ni Stefano. But half of him ay may pagnanais na makinig sa sasabihin nito. Matapos kasi ang insidente sa mansion ng mga Villaraza ay gabi-gabi na lamang siyang nasa bar na ito upang magpakalasing dahil sa galit niya. "My mom i
"CHARITY, okay ka lang ba rito?" Nakangiting tanong ni Dra. Lesley kay Charity nang lapitan siya nito. "Oo naman. Don't worry about me, Les..." Sagot niyang nakangiti sa babae. "Sige babalikan kita later, hinahanap ako ni Fausto, e. Kumain ka lang diyan, okay?" Bilin ng babae bago siya muling iniwan. Narito siya ngayon sa reception ng birthday party ng anak ni Dra. Lesley na si Fausto. Nagkita silang dalawa ng hindi sinasadya sa isang mall last week, nakipag-kwentuhan and nasabi niya sa babae na hindi na siya nagtatago kay Cameron and Lesley was glad to know about it. Hangang sa inaya siya nito sa birthday party ni Fausto na hindi niya natanggihan. Kaya ngayon ay narito siya sa reception at iniikot ikutan ang buffet food na sobrang sasarap. Nang makakuha ng pagkain ay umupo siya sa mesa na tanging siya lang, wala naman siyang kilala sa mga naroon, maliban kay Lesley at asawa nitong si Dev. Panaka-naka naman siyang chinecheck ni Lesley, nakakahiya na n
"CAMERON really changed a lot." Napatingin si Charity kay Lesley na katabi niya ngayong nakaupo sa isang bahagi ng yateng kinaroroonan nila. Pareho silang may hawak na champagne na panaka-naka lamang nilang iniinom. Sinundan niya kung saan nakatutok ang mata ng babae. Kay Cameron na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan kina Devius at iilang bisitang sumama sa yate. "Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan at nakikipagkwentuhan na tila ba nag eenjoy. Para na siyang tao at hindi na robot na blanko lagi ang ekspresyon noon." Tinignan siya ni Lesley na may pang-aasar na mukha. "What did you do to him? Pinainom mo ba 'yan ng gayuma or what?" Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang tinapik ang braso ng babae. "Grabe ka naman mag-isip. Pati nga ako nagulat na ganiyan na siya. Malayong malayo sa Cameron na nagkulong noon sa akin sa Isla Silvestre..." Ngumiti si Lesley. "I'm glad na isa ka sa mga nagpabago sa kaniya. Kaya nga noong sinabi mo sa akin
HINDI alam ni Cameron kung tutuloy pa siya sa pagpasok sa mansion ng kaniyang ama nang mga sandaling iyon, kaya nagpasya siyang tumigil at huminga ng malalim. Is he ready to know everything? Will his father tell the truth this time? Ano nga ba ang ikinatatakot niya? Ang malaman na totoo naman talaga ang lahat ng nasa isip niya na iniwan siya noon ng kaniyang ina, kapalit ng malaking halaga? O natatakot siyang malaman ang katotohanang hindi naman pala totoo ang mga ibinibintang niya sa ina? Natatakot siya sa dahilang, paano pala kung mali siya ng iniisip all these years? Muli siyang humakbang papasok sa mansion ng ama, wala ito sa malaki, madilim at malungkot na sala nito kaya nagdesisyon siyang umakyat sa taas ng mansion, sa silid mismo ng kaniyang ama. Bukas ang pintuan ng silid pero pinili pa rin niyang kumatok. "Come in..." Tinig ni Senior Silvestre. Marahan siyang pumasok sa silid nito at nagulat ang matanda ng makita siya. Siguro dahil simula inoperaha