Share

Chapter 44

DAHIL sa malaking halagang napanalunan ni Stefan sa laro, may pagkakataon silang gumala sa kung saan nila gusto. Nagbukas si Cassandra ng bagong bank account at doon naideposito ni Stefan ang pangakong tatlong milyon, para lang sa property. Iba pa iyong sinabi nito na isang milyon once divorce na sila.

Hindi na niya nagagalaw ang kaniyang suweldo dahil monthly allowance pa lang ay sobra na. Libre naman lahat ng kailangan niya sa araw-araw. Mahigit isang daang libo na ang naipon niya sa lumang account. Dahil sa pag-extra niya noon sa fruit store nila Stefan sa New York, binigyan siya ni Aunt Celina ng two thousand dollars. Naibangko rin niya iyon.

Sulit na sulit na ang benefits niya sa deal nila in Stefan. Hindi na siya talo kahit hindi sila umabot ng isang taon. Pero patuloy pa rin ang protesta ng kaniyang puso, inuusig siya at iginigiit na hindi sapat ang karangyaang natatamasa niya upang maging maligaya. Iba ang gusto ng puso niya, pagmamahal.

Martes ng umaga sila umalis papuntan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status