Maximaze Park
Binuksan ko ang aking mga mata dahilan para masilaw ako ng liwanag. Kahit sa bagong tahanan ay nakakasilaw pa rin ang liwanag. Kung alam ko lamang na mayroon kaming panibagong tahanan ni ina ay hindi na ako nagpalagay ng bintana!
“Maze, Anak. Bumangon ka na at mayroon tayong pupuntahan.” Bumukas ang pinto at iniluwal nito si ina.
Ako’y lumingon sa kaniya. “Saan po, Ina?” At ito na naman ang pakiramdam at pag-asang pupuntahan namin si Ama kahit hindi naman talaga. Gusto kong pigilan ang pag-asang ito dahil ayaw ko nang masaktan.
Kagabi ay nanaginip ako ng mag-amang nasa isang maalikabok at medyo madilim na lugar. Ang ama ng babae ay patay na at ang babae naman ay yakap-yakap siya habang sumisigaw at umiiwak sa sakit.
Nagpakawala si Ina ng isang buntonghininga. “Naalala mo ba ang sinabi ng Emperor? Sinabi niya na pupunta tayo sa kaniyang palasyo at ngayon na tayo pupunta.”  
Maximaze Park“Maze, gising na.” Binuksan ko ang aking mga mata at kinusot ito, una kong natanaw ang aking ina.“I-ina . . . “Sinsero siyang ngumiti. “Masyado ka atang napagod kakasakay ng kabayo,” wika nito, “hinihintay na tayo ng Mahal na Emperor. Inaya niya tayong kumain dito sa kaniyang palasyo.” Tumayo siya at nagsimulang maglakad papalayo. Akin naman siyang sinundan.Nang aming marating ang kusina, nakita ko ang isang malaking hapag-kainan. Wala namang okasyon ngunit ang dating nito ay napakaengrande. Ang mga baso ay gawa sa ginto at ang mga platito naman ay babasagin. Ang telang bumabalot dito ay napakaganda. “Umupo na kayo,” aya sa amin ng kamahalan.Napansin ko na nakaupo na si tiyo. Bukod sa kanilang dalawa, ay wala nang nakaupo pa. Napakalaki ng lamesa ngunit aapat lamang kaming kakain.“Ang Empress ay nasa Xida Palacios. Kaniyang kinakausap
Maximaze Park“Maze, ito ang tinapay at ang gatas. Magpakabusog ka.” Bumungad sa akin ang napakalambing na tinig at mukha ni Ina. Inilapag niya sa hapag-kainan ang gatas at tinapay. Halatang pagod ito ngunit nagawa pa rin akong asikasuhin.“Salamat, Ina.” Ngumiti rin ako.“Walang anuman, Anak. Oh sya, ihahanda ko na ang iyong mga damit. Maiwan muna kita.” Naglakad ito papalayo at iniwan ako rito sa hapag-kainan.Ilang araw nadin ang lumipas noong nagpunta kami sa palasyo ng Mahal naming Emperor. Masasabi kong napakasaya ng araw na iyon sapagkat ako'y nahandugan ng isang kabayo. Napakabait nito at pinoprotektahan ako. May itinatago itong lakas sa kaniyang katawan at hindi ko iyon nakita noong una.Biglang tumatak sa aking isipan ang pag-aalaga sa akin ni Ina. Bahagya akong napangiti at naisip na napakasuwerte ko sa kaniya. Napakasuwerte ko na nagkaroon ako ng Ina gaya niya at hi
Maximaze ParkNgumiti ako. “Huwag po kayong mag-alala. Kaya ko po ang aking sarili.” Marahan akong napatawa dahil sa aking tinuran. Hindi ko dala ang aking arnis o kahit ang aking palaso at pana kaya maliit ang tiyansang maprotektahan ko ang sarili kapag wala si Liene. Aasa na lamang ako sa mga itinuro ni Heneral, ang pag-atake at pagdepensa. Sigurado naman akong mayroon akong natutunan.Ginulo niya ang aking buhok. “Kumain ka na. Huwag mo ring kakalimutan ang aking pagkain. Ako’y may kakausapin lamang.”Tumawa ako. “Opo, Tiyo!” Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo papalayo kasama ni Liene.“Mag-iingat kayo!” pahabol na sigaw ni Tiyo.Dumeretso kami sa bayan. Kabisado ni Liene ang daan. Nang kami ay makarating sa tindahan ng mga pagkain, masasabi kong marami ngang masasarap na pagkain dito. Sa tingin at amoy pa lamang ay nakakabusog na ngunit iisa lamang ang aking hinahanap, ang
Maximaze ParkMabilis na natapos ang unang pagtutuos at ikinabigla ko iyon nang sobra. Hindi ako makapaniwala na hinampas lamang si makisig sa batok at hindi na ito nakabangon pa. Tulog na tulog kung kaya't nahihirapang ilabas ngcirculosi makisig. Sa kabilang panig, si payat ay bumalik sa puwesto nito. Nagpapahinga siya at muling ibinabalik ang lakas na sinayang nito.Akin lamang naisip, paano nalaman ni payat ang kahinaan nito sa napakaikling panahon? Hindi ko mawari kung paano, at dahil doon, ako ay nausisa kung paano iyon gawin. Malamang sa malamang, kailangang mabilis ka mag-isip at malawak ang iyong pagkakaunawa.Pagkatapos manood ng unang laban ay hindi na ako nakaimik. Ako ay nakulong sa malalim na pagmumuni-muni. Lumalakbay ang barko ng aking isipan habang gustong kumawala ng aking puso sa kaba.Ramdam na ramdam ko na may mangyayaring hindi kaaya-aya at ang aking tanging hiling, na sana ay hindi kasama si Ina sa kutob na iyon.
Maximaze ParkMayaʼt maya pa ay tumunog na ang gong, hudyat na magsisimula na ang laban. Unti-unti silang lumapit sa isaʼt isa nang mapansin kong si Liene ay nakatutok sa lalaking nagboluntaryo.“Liene, may nararamdaman ka bang kakaiba sa lalaking iyon?” Tinuro ko ang lalaking nagboluntaryo. Sa tuwing tumitingin si Liene nang ganoon sa isang bagay o sa isang tao ay may kakaiba. Kaya ganito na lang ako kung magtaka.Tiningnan niya ako sa mata kaya tiningnan ko rin ito sa mata, naghihintay ng sagot niya. Bumuntonghininga ito at nagsalita, “siya ang aking kapatid, Maze. Pumunta siya rito upang sumubok muli nang makasama siya sa isang grupong iniidolo niya. Kapag nanalo siya sa labang ito, magkakaroon siya ng tiyansang lumabas ng Normous at libutin ang mundo . . .” Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kniyang kapatid. “. . . Ilang beses na siyang natalo—ilang beses na rin siyang nasaktan ngunit kahit ilang beses
Sybil ParkDinala ako ni Cladius sa isang kuwarto. Sa kuwartong iyo ay nakakita ako ng isang batang babae, nakaupo sa gitna ng silid at nakasuot ng isang itim nahanfuat balabal. Hindi ko siya nakilala sapagkat ang kaniyang mukha ay tinatakpan ng balabal na kaniyang suot.“Noble, kami'y narito na,” wika ni Cladius. Unti-unti nitong itinaas ang kaniyang ulo at inalis ang kaniyang kapuisa upang kami ay tingnan. Ang aking nakita ay . . . si Maze, ang aking anak.Nanlaki ang aking mata sa nakita. Ito ba ay totoo o nananaginip lamang ako?Ang aking puso ay parang natamaan ng isang maliit na karayom nang makita ang kaniyang pagmumukha. Ito ay hindi na gaya ng dati. Tatlong taon na ang nakakalipas nang siya ay umalis upang maglakbay. Hindi ko aakalaing magiging ganito kalaki ang pinagbago niya.Kalmado lamang ang kaniyang ekspresiyon, hindi ngumingiti. May mga pilat din sa baba ng kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga lente a
Sybil ParkAking tinikman ang aking niluto. Pinaglutuan ko si Maze ng kaniyang tanghalian dahil baka malipasan na naman siya ng pagkain.Ilang araw na ang lumilipas ngunit bibihira lamang kami mag-usap ni Maze dahil mahigpit ang kaniyang oras. Isa na din ang dahilan na magkaiba kami ng tahanan. Mas pinili niyang tumira sa isang manor upang malapit lamang sa palasyo ng emperor. Naiwan naman ako dito sa lugar kung saan malapit lamang sa Ilog ng Deshqua ang bahay na aking tinitirhan. Mas pipiliin kong mamuhay nang tahimik sa liblib na lugar na ito. Payapa lamang at masarap tanawin ang kalikasan.Naandito naman si Darius upang ako'y bantayan kaya't wala nang dapat ipag-alala si Maze ngunit hindi ako sigurado kung nag-aalala pa ba siya. Bihira lamang kami mag-usap at magkita, nasasaktan ako sapagkat pakiramdam ko na kahit naandito na siya, parang hindi ko pa rin ramdam ang kaniyang presensya. Minsan naisip ko, na ayos ba talaga siya? Sa isang beses na tinanong ko siy
Maximaze Park Humakbang muli ako upang makita ang aking ama. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ang isang bangkay—isang kalansay. Malamig ko itong tiningnan. Ito na naman, panibagong bangkay sa aking harapan, nagsasawa na akong makakita ng bangkay sapagkat pare-parehas lamang ito. “Maaari bang . . . “ Ako'y bumuntonghininga at nanahimik saglit. Muli ko itong pinagmasdan at nagsalitang muli, “iwan niyo muna ako rito?” “Masusunod.” Rinig ko ang kanilang mga pagyapak nang iwan nila ako dito nang mag-isa. Lumuhod ako at hinawakan ang kamay nito. Ito'y malamig, madumi, at mabaho. Hindi ko inaasahang ganito ang aming magiging pagkikita. Hindi ko man lang masilayan ang kaniyang wangis, ang kaniyang ngiti, at hindi ko man lang maramdaman ang kaniyang pagmamahal. Mukhang wala na akong hihintayin pa sa aming tahanan. S-siya'y aking niyakap at ngayong siya'y nasa aking harapan na, umiyak ako hindi dahil sa saya, hindi rin dahil sa