Share

Chapter 18 Surprise

Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo. Alas-sais pa lang ng umaga ay nakabihis na ako. Napatitig ako sa pintuan ng kuwarto niya nang makalabas ako sa silid na tinutuluyan ko. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi para magpaalam. Ngunit sa huli ay napagpasiyahan kong kumatok.

Nakakailang katok na ako ay wala namang sumasagot. Tulog pa? Inulit ko pa ng ilang beses ngunit wala pa rin. Kahit hindi ako sigurado ay sinubukan kong pihitin ang doorknob. Laking gulat ko nang bumukas iyon. Siguro ay hindi talaga siya nagla-lock ng pinto. Eh, siyempre bahay nga naman niya ito. Naisip ko.

Dahan-dahan akong pumasok. Tinawag ko pa ang pangalan niya ngunit hindi ito sumasagot. Medyo nalukot ang ilong ko nang malanghap ang amoy ng alak sa kabuuan ng silid. At nang ganap na akong makapasok ay nakita ko si Lance sa sofa. Padapang nakahiga ito habang nasa lamesa ang mga basyo ng bote ng alak. Tatlong malalaking bote ang narooroon at ilang chips. Uminom mag-isa? Nilapitan ko siya at tiningnan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Raquel Arcega
baka ung papa ni farah ang kabit ng nanay ni lance
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status