LANCEI am trying my best to protect my marriage. Hindi ako papayag na tuluyang sirain ni Mommy ang mga binuo namin na pangarap ni Atashia. I even asked help from Daddy. I already told him about my Mom’s affair with other men. I had no choice kung hindi ang magsabi na ng totoo at para makita ni Dad kung ano talaga ang mga ginagawa ni Mommy. Paraan ko rin iyon para hindi na gamitin ni Mommy si Daddy sa mga masasamang balak niya. Maaga pa lang ay nasa bahay na ako nina Atashia. Ipinagtabuyan ako ng katulong nila dahil utos daw iyon ng asawa ko. Yet I never left the area. Umulan o uminit ay nakatayo ako roon. Hanggang sa lumabas si Jaspher at dumating naman si Nathan. “Lance, please don’t do this. You are just giving her more stress. Atashia is not yet ready to talk to you,” pakiusap sa akin ni Jaspher. “Can you at least tell her what I feel about our situation?” tanong ko kay Jaspher. Nathan and Atashia’s brother tapped my shoulders. “Lance, huwag mo si Atashia madaliin. Alam niya
ATASHIAHindi ko alam kung maaawa o magagalit pa rin ba ako kay Lance. Ang magaling kong asawa, ayaw makinig sa akin na tigilan niya na ako at ang anak namin. Nakakainis siya. Dati ipinagtutulakan niya kami ng anak niya pero ngayon, akala mo kung sino na habol nang habol. Hindi lang iyon ang problema ko. Natatakot akong baka mabuntis ako ulit. Simula nang may nangyari sa amin ni Lance ay hindi na ako mapakali. Sa sobrang pag-aalala ko ay nasabi ko kay Loida ang mga saloobin ko. “Tanga ka talaga. Bakit hindi mo pinigilan ang puso mo?” tanong sa akin ni Loida. Nasa restaurant kami at kasalukuyan na magkaharap sa opisina ko. “Eh, nilasing mo kasi ako,” sabi ko naman. “Hindi ko magagawa iyon kung nasa tamang pag-iisip ako.” “Gaga! Kasalanan ko pa ngayon na basta ka na lang bumukaka sa harapan ng dati mong asawa?” Alam mo naman ang sitwasyon ninyo, ‘di ba?” Tumango ako at kinuha ang tasa ng kape na nasa harapan ko. “Ano ang gagawin ko?” tanong ko sa aking kaibigan. “Magdasal ka ng n
ATASHIAKahit naka-wheelchair pa si Nanay ay nagsisimula na ulit gumana ang bibig niya. Muntik pa siyang mapatayo nang nalaman niyang inilabas namin ni Jaspher ang apo niya. Mabuti na lang talaga dahil simula nang nakilala niya si Charlene ay hindi na masyadong matalas ang mga salitang binibitawan niya. Hindi na rin siya nagmumura at kung minsan man na madulas siya, agad niyang pinipigilan ang sarili niya. “Bakit hindi kayo mapirmi sa loob ng bahay?” tanong ni Nanay sa amin ni Jaspher. “Mommy, namasyal lang kaming magkapatid,” katwiran ng kuya ko.Siniko ko siya. Mali kasi ang diskarte niya. Dapat hindi na siya nagdahilan para tapos na agad ang usapan. “Ngayon pa talaga ninyo naisip na mamasyal kung kailan marami kayong dapat iwasan. Isinama pa ninyo ang apo ko. Alam naman ninyong may mga banta sa buhay ninyo.”Hindi ako umimik. Mali kung sasagot pa ako. “Saglit lang naman po kami ni Atahsia at may mga kasama rin po kaming bodyguards,” depensa pa ng kapatid ko. Lintek talaga! Gus
ATASHIA“Jaspher! Kuya, gumising ka!” Halos maputol ang aking mga ugat sa leeg dahil sa lakas ng sigaw ko. Nasa hospita la kami at nakahiga ang kapatid ko sa stretcher. Puro dugo ang katawan niya at wala rin siyang malay. Sa tabi ko ay nakatayo si Nathan na puro dugo rin ang damit at mga palad. Hindi siya halos nagsasalita dahil sa sobrang pagkagulat niya sa naganap. “Miss, ano ang nangyari kay Sir? Sino po ang kamag-anak ng pasyente?” tanong ng nars. “Ako po,” mahina kong tugon. “Ano po ang nangyari?” ulit niya. “Binaril po kami ng hindi pa nakikilala na mga kalalakihan. Ako dapat po ang target nila pero niyakap ako ni Kuya kaya siya ang napuruhan,” kwento ko. Habang nasa emergency room si Jaspher ay may dumating na mga pulis. Si Dad na noon ay nasa Cebu para sa isang mahalagang business conference ay agad na nagsabi na luluwas siya anytime. Si Nanay ay hinimatay nang nalaman niya ang nangyari. Hindi rin siya pumayag na hindi makapunta ng hospital kaya pinakiusapan ko si Loida
BELLE Atashia's eyes are blazing with fire. Her strong personality intimidated me. Although wala siyang sinabi na kahit ano, alam kong she knows my secret. "What are you doing here?" Lance asked me. Honestly, I was not expecting to see him sa ospital na iyon dahil ang alam ko ay hindi na sila in good terms ni Atashia. Katatawag lang kasi ni Tita Oliva at iyon ang sinabi niya sa akin. “I would like to ask the same question,” I said. Nang nakita kong tumaas ang kilay ni Atashia, I felt numb. Gosh, I was afraid of her. She might say something that may destroy me at ayaw kong mangyari iyon. Now na alam ko nang isa siyang Regalado, kayang-kaya niyang sirain ang modeling career ko using his name. Kahit ang parents ko ay halos sambahin ang father nina Jaspher at Atashia dahil sa napakalaking utang ng pamilya namin sa kanila. Actually, it was my parents who decided first na huwag ko nang ituloy ang kasal namin ni Lance dahil nalaman nilang karelasyon ko si Jaspher. At dahil isa rin na
ATASHIAHabang nakaupo sa harapan ko si Belle ay parang hindi ko siya matantiya. Alam kong ginagawa niya ang sa tingin n'ya ngayon ay tama pero hindi ko magawang makipag-ngitian sa kaniya lalo at hindi pa stable ang lagay ng kapatid ko. "I am willing to testify against Tita Olivia. I will tell everything I know," sabi ni Belle. Tumingin ako sa buong paligid. Nasa restaurant kami malapit sa hospital. Ang bawat galaw ko ay de numero dahil tulad ng dati, ayaw kong mapahiya. Ayaw ko rin na mapagalitan ni Daddy. "Sigurado ka ba, Belle? Baka naman kapag nasa bakbakan na, iwan mo kami," dakdak ni Loida. "No. I am willing to help you, guys," sabi naman ni Belle. Nakinig lang ako sa diskusyon ng dalawa. Hindi ako nakisali kasi feeling ko ay mawawalan ako ng control sa emosyon ko. Iniiwasan ko iyon lalo pa at nasa isang lugar kami na maraming tao. “Wala akong tiwala sa iyo,” prangka na sabi ni Loida kay Belle. “Ang mga tulad mo iyong bait-baitan kunwari tapos ayun, hayop naman pala talag
ATASHIADaig pa namin ni Lance ang nananaginip nang pumasok siya sa loob ng bahay namin. Halos hindi niya bitawan ang kamay ko. "Dito ka matutulog sa guest room," sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ang malaking silid. Wari bang sinukat niya ang laki ng kama. Maging ang maayos na arrangement ay para bang sinisiyasat niya. Subalit muli niyang isinara ang pintuan at lumakad palayo sa silid. "Hon, can I sleep in Charlene's room? I know na hindi ka papayag na sa room mo ako matulog kaya kung pwede, sa room na lang ng anak natin ako matutulog," he said. Ano daw? Ang kapal ng mukha ng bisita ko. Abusado! Nagmagandang loob na nga ako, demanding pa. Wow. Just wow! Nagkamali yata ako na pinapasok ko siya. "No! Umalis ka na lang kung ayaw mong matulog sa guest room ng bahay na ito." Hindi ko napigilan ang mamaywang at tumaas ang kilay. "Okay. I'll sleep kahit saan mo ako patulugin," mahinang turan ni Lance. "Huwag ka nang magalit.""Daddy!" Napapikit na lang ako nang narinig ko ang boses
ATASHIADahil hindi ako makatulog sa takot na may parang multo na laging nakatingin sa akin, isang umaga ay kinausap ko na si Daddy. Medyo nagtaka pa siya nang sinabi ko na palagi kong nakikita ang dati niyang asawa o live-in partner dahil legally, si Nanay pa rin ang asawa niya. "Are you sure, hija. Salvie is not living here. How come you see her?" Biglang naibaba ni Daddy ang maliit na knife na gamit niya sa paglagay ng palaman. "Sigurado po ako. Hindi ko alam kung imagination ko lang ang lahat. Nag-iingat lmyg po ako kaya sinabi ko na rin sa inyo. Baka sakali lang po na mawala ang mga nakikita ko kapag nalaman ninyo," paliwanag ko. "What is it, Mommy?" Bulong sa akin ni Charlene na nasa tabi ko lang."Never mind about it, my princess. It's not for kids. At dapat hindi nakikisali ang bata sa usapan ng mga matatanda," saway ko sa aking anak. "Okay po," sabi naman niya. Si Daddy ay nilaro-laro ang baba niya. Hindi ako masyadong komportable lalo at alam ko na malalim ang iniisip n