Share

Chapter 104

MABUTI na lamang at may bukas pang Vet clinic at nadala kaagad ang tuta. Pagkatapos masuri ng doctor ay napag-alaman nilang may urinary problem ang kawawang alaga.

“Kailangan niya munang manatili rito para matutukan ang kondisyon niya,” pahayag ng doctor.

Wala naman problema sa kanila basta lang gumaling si Hara. Matapos makapagbayad ni Louie ay nagpaalam na sila sa tuta na matamlay pa rin.

“Babalik din kami kaagad,” malungkot na wika ni Zia habang hinahaplos-haplos ang balahibo ng alaga.

Nakaakbay si Louie ng mga sandali iyon. “Tara na, Zia. Sila na ang bahala sa kanya—” Saka binalingan ang doctor. “Ito nga pala ang calling card ko, Dok. In case na may mangyari ay pakitawagan na lamang ako.”

Tumango naman ang doctor. Matapos ay saka sila tuluyang umalis sa lugar.

“Hindi ko man lang napansin na may dinaramdam na pala siya. Akala ko’y gusto lang maglambing ‘yun pala’y…” hindi na naituloy ni Zia ang sasabihin dahil naluluha siya.

“’Wag ka ng masiyadong mag-alala at sigurado namang gagal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status