Share

Chapter 106

MULA sa labas ng coffee shop ay may nakaparadang sasakyan. Ang sakay ay nakatanaw sa masayang mukha ni Zia… na walang iba kundi si Louie.

Kahit hiwalay na ay pinasusundan pa rin ito ni Louie para alamin kung anong pinagkakaabalahan ni Zia.

Muntik pa nga siyang sumugod sa loob ng shop nang makitang may tumakbong lalake na sinundan ng isang babae. Buong akala niya ay may nangyayari ng hindi maganda kay Zia.

Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang makitang kasama nito si Lindsay. Ilang sandali pa ay tuluyang lumabas ang dalawang magkaibigan saka pumara ng taxi. Kahit nakaalis na ay tulala pa rin si Louie kaya ang kasamang driver ay napatingin na mula sa rearview mirror. “Babalik na po ba tayo sa subdivision, Sir?”

Napakurap si Louie mula sa malalim na pag-iisip. Sasagot na sana siya ng tumunog ang cellphone, tumatawag si Lucia.

Hindi pa man niya sinasagot ang tawag ay tila pagod na siya. Malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pindutin ang green button. “What it is, ‘M
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status