Share

Chapter 4

PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin.

Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” anito.

Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya.

“Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia.

Napatiim-bagang si Louie at tumagal ang titig sa kanya.

At kahit naiirita sa asawa ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niyang kinahumalingan ito. Sa puntong nao-obsess siya ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon ay tila hindi na ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito.

Sa narinig ay dumilim pang lalo ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto.

Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay.

Naiwan sa sasakyan si Louie na nakuha pang manigarilyo bago sumunod sa loob ng bahay.

Nang gabing iyon ay sa guestroom natulog si Zia. Hindi naman siya ginulo ni Louie na pinili na lamang magpahinga.

Pagkahiga sa kama ay kinapa-kapa pa nito ang puwesto ni Zia na nakaugalian ng gawin tuwing matutulog.

Noon kahit gaano pa kalamig ang pakikitungo nito ay tumatabi pa rin si Zia sa pagtulog ngunit hindi ngayong gabi.

Kinaumagahan ay nagising si Louie sa sikat ng araw na tumatama sa mukha. Bumangon ito sa kama at matapos magbihis ay nagtungo sa dining area.

Naghahanda na ng almusal ang mga katulong ngunit wala si Zia na siyang madalas magluto para kay Louie.

“Nasa’n si Zia?”

“U-Umalis po, Sir. May dalang maleta at nagpatawag pa ng taxi,” tugon ng katulong.

“Pambihira!” muntik pang mapamura si Louie ngunit hindi na nag-abala at naupo na lamang para kumain. Walang panahon para maghanap ng asawang naglayas.

Hanggang sa mapansin ang news paper sa table at nakitang nasa headline ang sarili maging si Bea.

“Nabasa ba ito ni Zia?” ani Louie.

“O-Opo, Sir. Nagmamadali nga pong umalis, e,” sagot ng katulong.

“Akin na nga ‘yung cellphone ko sa kwarto,” utos ni Louie.

At ilang sandali pa ay kausap na sa kabilang linya ang secretary, “Alice, ayusin mo nga ‘tong balita sa news paper! Hanapin mo na rin kung saan isinangla ni Zia ang wedding ring niya. Gusto kong maibalik sa’kin ngayong hapon.”

Nabigla naman si Alice. “Sir, parang hindi naman po ata magagawa ‘yan ni Ma’am Zia. Mahal na mahal niya po kayo,” komento pa nito.

Ngunit sa halip na sumagot ay binabaan lang ito ng tawag ni Louie. Nawalan na ng ganang kumain kaya nagpasiya nang tumayo at umalis.

***

SAMANTALANG si Zia ay bumalik naman sa Cruz mansion. Nang mga sandaling iyon ay nagluluto ng sopas si Maricar para dalhin sa ospital nang mapansin ang lungkot sa mukha niya.

Napabuntong-hininga ito at tinuro ang dalang maleta ni Zia. “Hindi lang kayo ang dumadanas ng matinding away, lahat ng mag-asawa ay dumadaan sa ganitong sitwasyon. Saka, hindi na bago sa panahon ngayon ang mga lalakeng tumitikim paminsan-minsan ng ibang putahe. ‘Yang babaeng kinahuhumalingan ni Louie? Hindi naman kagandahan at may kapansanan pa kaya hindi ka dapat mangamba. Kahit na anong mangyari ay ikaw pa rin ang asawa.”

“Kung asawa nga bang maituturing,” saad ni Zia. “Sasama ako sa inyo mamaya sa ospital, ‘Ma para makita si Papa,” pag-iiba niya ng usapan.

“Paniguradong magagalit si Arturo ‘pag nalaman niyang makikipaghiwalay ka! Zia, mag-isip ka nga. Ano na lang ang mangyayari sa iyo pagkatapos? Sa sitwasyon natin ngayon, kaya mo bang akuin lahat ng responsibilidad ng walang tulong ni Louie?”

“Gagawa naman ako ng paraan, ‘Ma. Saka, ‘yung wedding ring na sinangla ko ay sapat na para sa kalahating taong expenses ni Papa sa ospital. Kung tungkol naman sa kaso ni kuya Chris… plano kong ibenta ‘tong mansion pambayad sa lawyer. Magtatrabaho rin ako para may pangsuporta sa pang araw-araw natin,” aniyang hindi maiwasang maluha.

Ang mansion na ito ay mahalaga sa kanya dahil narito ang alaala ng yumaong Ina. Kaya kahit nahihirapan ay hindi niya minsan naisip na ibenta. Pero sagad na si Zia at kailangan na niyang bitawan ang mansion kasama ang masayang alaala kasama ang Ina.

Sa narinig ay nabigla naman si Maricar ngunit hindi na nakuhang kumontra.

***

PAGDATING NG HAPON ay nagtungo ang dalawa sa ospital. Matapos ang treatment ni Arturo ay pinaalam sa kanila na unti-unti nang bumubuti ang kondisyon nito sa kabila ng stress na nararamdaman para sa anak na nasa kulungan.

Kaya hindi muna sinabi ni Zia ang balak na pakikipaghiwalay kay Louie upang hindi dumagdag sa iisipin ng ama.

Lumipas ang ilang oras ay dumating ang attending doctor para tingnan si Arturo.

Si Patrick Sanchez, isang mabait na doctor sa brain surgery department.

Nang matapos suriin si Arturo ay tumingin ito sa kanya. “Pwede ka bang makausap?”

Natigilan naman si Zia at agad sumunod sa doctor matapos magpaalam. Bahagya silang lumayo sa kwarto para makapag-usap.

Napangiti si Patrick nang makita ang kaba sa kanyang mukha.

“Gusto ko lang sabihin na nakausap ko na ang ilang director para madala si Mr. Arturo Cruz sa isang special customized rehabilitation treatment kapag kaya na ng katawan niya. Mas maaga mas mainam para tuluyang siyang manumbalik sa dati… ‘yun nga lang ay kakailanganin niyo ng malaking halaga. Kaya niyo ba ang two-hundred thousand a month?”

Napasinghap si Zia sa laki ng perang binanggit nito. Hindi niya alam kung saan kukuha ng ganoon kalaking halaga. Ngunit pursigido siyang gumaling ang ama. “W-Wala po kayong dapat alalahanin, Dok. Ibigay niyo po ang best treatment para kay Papa.”

Napatango si Patrick saka siya mataman tinitigan.

Ang totoo ay matagal ng magkakilala ang dalawa. Dating magkapit-bahay ngunit hindi na maalala ni Zia sa tagal ng panahon.

Ang natatandaan ni Patrick noon na madalas tumambay sa balcony si Zia at tinatanaw ang mga bituin sa langit. Walang ibang bukang-bibig kundi ang totoong Ina.

Iyon ang huling alaala ni Patrick kasama si Zia ngunit hindi akalaing muling magkukrus ang kanilang landas. Napag-alaman din na kasal na si Zia na pinanghinayangan nito.

Magkaganoon man ay gusto nitong maging masaya para sa kanya ngunit hindi iyon ang nakikita ni Patrick. Puno ng lungkot ang mga mata ni Zia.

“Alam mo bang—”

“Zia!”

Hindi na natapos ni Patrick ang sasabihin nang dumating si Louie.

Sa suot pa lang ay halatang kagagaling lang nito sa trabaho. Nang tuluyang makalapit ay nilahad nito ang kamay kay Patrick. “Kamusta ka?” saad ni Louie.

Ngumiti ito at nakipag-shake-hands. “Mabuti naman. Huling kita natin ay no’ng alumni sa university, ‘di ba?” ani Patrick.

Habang nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Zia sa dalawa. Hindi niya akalaing magkakilala pala ang mga ito.

“Dok Patrick, salamat ulit pero kailangan ko ng bumalik,” paalam ni Zia.

Ngunit agad siyang sinundan ni Louie at hinawakan ang braso sabay sandal sa pader. “Anong pinag-usapan niyo?”

Naiinis si Louie dahil sa paraan ng pagtitig ni Patrick sa asawa. Nagpumiglas naman si Zia ngunit hindi magawang makawala.

Hanggang sa mas lalong inilapit ni Louie ang sarili sa puntong ramdam na niya ang init ng katawan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status