Share

Chapter 6

ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.

Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.

Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.

Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.

Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.

Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.

Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niya.

“Napadalaw ka,” saad ni Chris mula sa telepono.

Kinausap ito ni Zia nang matagal at hindi na inalala ang limitadong oras.

Nang kanailangan nang umalis ni Chris ay may ni-request pa ito, “Hanapin mo si Mia Torres, pwede ka niyang matulungan sa kaso ko.”

Tumango si Zia at hindi na nagtanong kung sino ang tinutukoy ng kapatid. “Oo, Kuya. Hahanapin ko siya para sa’yo.”

Kahit nasa hamba na ng pinto ay tila gustong bumalik ni Chris para samahan ang kapatid. Gusto niya itong damayan sa lungkot na nararamdaman lalo pa at nabasa niya sa diyaryo ang tungkol kay Louie at Bea. Nalulungkot si Chris na ang dating prinsesa ng pamilya ay pasan-pasan na ang responsibilidad na siya dapat ang gumagawa.

“Mag-iingat ka palagi,” ito na lamang ang nasabi ni Chris.

Biglang nanghina si Zia at mabigat ang loob na umalis sa booth habang iniisip ang inutos ng kapatid. Kailangan niyang mahanap si Mia Torres.

Sa paglabas ng kulungan ay isang malungkot na balita ang natanggap niya mula sa kompanyang pagtatrabahuhan.

Hindi na matutuloy ang offer sa kanya at mag-apply na lamang daw sa iba.

Biglaan at talagang nakakapanghinayang.

Hindi niya lubos maisip kung sa paanong paraan nagbago ang desisiyon ng kompanya hanggang sa bigla niyang maisip si Louie. Marahil ay ito ang may kagagawan. Upang hindi siya tuluyang makawala sa kamay nito.

Gusto niyang sumigaw sa inis. “Bakit ayaw mo ‘kong tigilan, Louie?!”

Hindi talaga maintindihan ni Zia kung bakit ayaw siyang tantanan ni Louie, gayong wala naman itong nararamdaman sa kanya.

Hanggang sa muling makatanggap ng tawag mula sa unknown caller. Sinagot ni Zia para lang magsisi bandang-huli.

“Nasa’n ka, kailangan nating mag-usap,” ani Louie.

Ayaw itong harapin ni Zia ngunit alam niyang hindi siya titigilan hangga’t hindi nasusunod ang gusto nito. Kaya nagtungo siya sa kompanya.

Inabangan pa nga siya ni Alice para maihatid sa opisina. May mangilan-ngilan ding empleyado ang nagbigay-galang na nginingitian ni Zia.

Nang makarating sa opisina at naabutan niyang abala sa binabasang dokumento si Louie.

“Nandito na po si Ma’am Zia, Sir,” pagbibigay alam pa ni Alice bago umalis.

Nag-angat naman ng tingin si Louie. Matagal niyang hindi nakita si Zia ngunit ganoon pa rin ito, maganda kahit simple lang ang suot.

Tumayo si Louie at lumapit. “Akala ko’y ‘di ka na magpapakita… Ba’t hindi ka muna maupo at marami tayong pag-uusapan.”

“Hindi ako naparito para makipagkuwentuhan, Louie. Anong ginawa mo?”

“Anong ibig mong sabihin, Zia? Wala naman akong ginagawa maliban na lang sa gusto kong bumalik ka,” maang-maangan pa ni Louie. Matapos ay naglabas ng sigarilyo at inipit sa labi.

Nainis si Zia at inagaw ang sigarilyo sabay bali. “Maninigarilyo ka na naman sa harap ko?”

Hindi naman naapektuhan si Louie sa ginawa nito at kinuha pa ang dokumentong pinagkakaabalahan kanina. “Tingnan mo nga ito. I already calculated the expenses sa ospital, sa case ni Chris at pati sa wedding ring na isinangla mo. Upon checking ay hindi bababa sa four-hundred thousand ang kakailanganin mo buwan-buwan.”

“Ano namang kinalaman mo sa problema ng pamilya ko?”

“Zia… asawa mo pa rin ako. Problema mo’y kailangan ko ring problemahin.”

“Puwes ay tinatanggalan na kita ng karapatan kung gano’n,” ani Zia.

Pagak na natawa si Louie. “Sa maikling panahong hindi tayo nagkita ay ganito ka na katapang na parang hindi tayo nag-s*x no’ng nakaraan, a?”

“Ano pa bang kailangan mo, Louie? Kusa na nga akong umalis para maging malaya na kayo ni Bea… Siya ang mahal mo kaya ba’t ginagawa mo pang kumplikado ang lahat?”

“Umamin ka nga, Zia. Ba’t atat na atat kang makipaghiwalay sa'kin, may iba na ba?”

“’Wag mong baliktarin ang sitwasyon, Louie. Kung ayaw mo pa ring makipag-divorce ay mapipilitan akong gawin ang mga bagay na hindi mo magugustuha—!”

Sa isang iglap ay kinabig ito ni Louie sa batok. “At anong gagawin mong hindi ko magugustuhan, Zia? Kakapit ka sa patalim? Wala namang mapapakinabangan sa'yo bukod sa ganda at katawan mo.”

Nakipagtapatan ito ng tingin na mas lalo ikinainis ni Louie. “May papatol ba sa’yo lalo pa’t alam ng lahat na asawa kita? Saka, ako na mismo ang magsasabi sa’yo ng katotohanan. Hindi mo kayang magpaligaya ng lalake… wala kang skills.”

Nabastos si Zia. Alam niyang ni minsan ay hindi siya nirespeto ni Louie pero masakit palang marinig ang totoo.

Tulad ng unang gabi bilang mag-asawa. Masiyadong marahas sa kama si Louie na halos hindi niya kayanin ang sakit. Naging bingi ito sa mga d***g niya masiyahan lang sa ginagawa.

“Kaya kung ako sa’yo ay bumalik ka na, Zia. Pagkatapos ay kakalimutan ko ‘tong kahibangan mo.”

Hindi tanga si Zia para maniwala kaya nagpumiglas siya. “Hindi mo ‘ko mauuto, Louie. Gusto mo lang akong bumalik dahil wala ka ng mapaglalaruan sa kama sa oras na tuluyan akong makawala sa’yo.”

Nang magawang makawala ay agad siyang tumakbo patungo sa pinto nang yakapin ni Louie mula sa likod. Kinabahan si Zia lalo pa nang maramdaman niya ang hininga nito sa kanyang leeg.

Nangilabot siya nang marahas na ipinasok ni Louie ang kamay sa suot niyang damit. Hindi pa ito nakuntento at minasahe ang isa niyang dibdib.

“Gusto mong makawala sa’kin, Zia? Pero bakit iba naman ata ang sinasabi ng katawan mo?”

Biglang natauhan si Zia at nagpumiglas dahilan kung bakit natanggal ang ilang butones sa damit. Matapos ay isang malutong na sampal ang pinadapo sa mukha nito.

Tuluyang nagdilim ang paningin ni Louie at marahas na hinawakan sa braso si Zia. “Akala mo ba’y basta ko na lang palalampasin ang ginawa mo?! Tandaan mong ikaw ang may kagustuhang makasal sa’kin tapos ngayon ay bigla ka na lang aayaw at makikipaghiwalay? Kung hindi dahil sa pamilya mo’t sa aksidente ay hinding-hindi kita papakasalan, Zia… Ikaw ang nagdala ng sarili mong kamalasan.”

Hindi makapaniwala si Zia sa narinig. May lihim pala talagang galit si Louie sa kanya at sa pamilya niya.

“M-Minahal kita ng buong puso pero hindi ko alam na ganito ka pala kasama, Louie.”

Sa nagbabadyang pagpatak ng luha ay nagawa pa ni Zia na ayusin ang sariling damit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status