Share

Chapter 7

HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.

Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.

Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.

Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.

Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.

***

SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.

Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.

Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya umuwi agad. Nang gumaan na ang pakiramdam ay saka siya umuwi sa bago nilang tirahan.

Isang maliit na apartment na dalawa lang ang kwarto. Napakaliit at masikip kumpara sa dati nilang bahay. Ngunit kailangan niyang masanay… kailangan nilang masanay sa bagong tirahan dahil ibang-iba na ang buhay nila ngayon kaysa dati.

Naabutan niyang nagluluto sa kusina si Maricar. “Kamusta si Chris?” anito.

“A-Ayos lang po.” Gusto niyang ikuwento ang nangyari sa pagitan nila ni Louie ngunit hindi niya magawa. “May gustong ipahanap si Kuya, Mia Torres daw.”

Lumingon si Maricar at napakunot noo. “Parang pamilyar ang pangalan. Ano bang kailangan ni Chris sa babaeng ‘yan?”

“Wala po ‘kong ideya. Pero sa tingin ko ay may kinalaman ito sa kaso ni Kuya.”

“Kung gano’n ay sa’n mo naman hahanapin ang Mia Torres na ‘yan? Alam mo ba kung saan nakatira at ano ang trabaho?”

Napailing si Zia. “Kaya tinawagan ko si Lindsay at baka matulungan niya ako sa paghahanap.”

“Si Lindsay, ‘yung model mong kaibigan?” bakas ang disgusto sa boses ni Maricar nang banggitin ang pangalan nito.

Si Lindsay kasi ay madalas madikit sa iba’t ibang kontrobersya kaya ayaw ni Maricar na mapalapit siya nang husto. Pero kahit magulo ang buhay nito ay walang balak si Zia na tapusin ang pagkakaibigan nila.

Nang matapos si Maricar sa pagluluto ay naghain ito ng pagkain. “Kumain ka muna, Zia. Ang trabaho mo nga pala, kamusta, nasabihan ka na kung kailan magsisimula?”

“Hindi po maganda. Binawi nila ang offer kaya maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.”

“Ba’t gano’n, anong nangyari?”

Nagkibit-balikat na lamang si Zia at hindi na sinabi ang totoong dahilan.

Hinaplos naman ni Maricar ang likod nito. “Kung nandito lang sana si Chris ay siguradong gagawa iyon ng paraan para hindi ka na mahirapan, Zia."

"'Wag kang mag-alala, ‘Ma. Kaya ko naman ‘to… kakayanin natin.”

Malungkot na napangiti si Maricar. “Hindi ka ba galit sa’kin dahil kinumbinsi kitang makipag-ayos kay Louie? Iniisip ko lang kasi si Arturo at si Chris. Pa’no na sila kapag tuluyan kayong naghiwalay?”

Napayakap naman si Zia habang umiiling-iling. Hindi siya galit bagkos ay nauunawaan niya kung saan nanggagaling si Maricar. Iniisip lang nito ang kapakanan ng buong pamilya.

“Naiintindihan ko naman, ‘Ma. Pero sana sa pagkakataong ito ay magtiwala kayo sa’kin. Hayaan niyong akuin ko ang responsibilidad. Kaya kong alagaan at protektahan ang pamilyang ‘to.”

***

ILANG ARAW naghanap ng trabaho si Zia ngunit walang tumatanggap sa kanya. Kahit maganda ang records at over-qualified sa mga ina-apply-an ay hirap pa rin siyang makuha.

Kaya napilitan siyang mag-apply sa kahit na anong posisyon magkaroon lang ng trabaho.

At pinalad naman sa isang performance company na eksakto pang nagdiriwang ng anibersaryo.

Sa unang araw ay agad siyang pinag-perform hanggang gabi. Nanginginig na ang kamay niya sa pagod ngunit hindi siya pwedeng tumigil sa takot na baka masisante agad.

Nang dahil sa trabaho ay bihira na lamang niya mabisita ang ama kaya isang hapon ay nagtungo siya sa ospital upang makita si Arturo. Galing siya sa labas matapos bumili ng maiinom nang mapagmasdan ang paglubog ng araw.

At hindi na napansin ang paglapit ni Patrick.

Nabigla pa nga si Zia nang malingunan ito. “D-Dok Patrick!”

Ngumiti naman ito. “Kamusta ka?”

“M-Mabuti naman po.”

“Hindi mo kailangang maging pormal sa’kin… lalo pa’t matagal na tayong magkakilala.”

Nagtaka si Zia sa sinabi nito.

“Hindi mo ba talaga ako natatandaan? No’ng maliit ka pa lang ay gustong-gusto mong natutulog sa tent. Binibigyan ka rin palagi ni Mama ng ice cream kasi naku-cute-an siya sa’yo.”

Unti-unting nanlaki ang mata ni Zia sa realisasyon. “Pat-pat?!”

Natawa naman si Patrick saka tumango. “Ako nga, wala ng iba.”

Tila gustong maiyak ni Zia. Ang kababatang lagi niyang sumbungan kapag malungkot ay isa ng magaling na doctor. “Pat-pat…” ang dami niyang gustong sabihin ngunit pinili na lamang niyang manahimik.

Hanggang sa maglabas ng bank book si Patrick. “May laman ‘yang two million, Zia. Para sa ospital bills ni tito Arturo.”

Tila napapasong binalik ni Zia ang bank book. “H-Hindi ko matatanggap ‘yan, Pat-pat— I mean, Dok Patrick.”

Nabitawan naman ni Patrick ang bank book nang hawakan ang kamay ni Zia. “Anong nangyari sa kamay mo?”

“W-Wala lang ‘to, nagtatrabaho kasi ako bilang musician,” ani Zia sabay bawi sa kamay na may galos at ilang band-aid.

Napabuntong-hininga si Patrick at dumukot sa bulsa ng lab-gown. Pagkatapos ay muling hinawakan ang kamay ni Zia. “Hindi mo dapat hinahayaang magkasugat ka. Pa’no kung lumala, edi, mahihirapan kang tumugtog?” Matapos ay pinahiran ang kamay ng medicine cream.

“Kailangan kong kumilos dahil ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Mahirap man ay pero kailangan kong magtiis para sa kanila,” sinabi niya iyon habang nakatitig sa mukha ni Patrick.

Gusto niyang ipaalam na hindi na siya gaya dati na isang mahinang bata na laging umaasa sa iba.

***

PATUNGO si Zia sa isang restaurant para sa kanyang part-time job. Nang malapit na ay napatingala siya sa TV screen ng isang building. Nasa balita na naman si Louie.

Ayon sa caption ay nasa isang festival ito kasama si… Bea.

Naroon din si Alice na tulak-tulak ang dalaga sa kinauupuan nitong wheelchair.

Makikitaan ng iritasyon sa mukha si Louie dahil sa reporter na kinukulit silang makuhanan ng panayam. Kaya si Bea na lamang ang tinanong kung ano ang masasabi nito.

Ngumiti naman ang dalaga sa camera. “Sobrang saya ko po ngayon lalo na nang makapag-performance sa harap ng maraming tao.” Matapos ay tumingin kay Louie. “Inaalay ko po ang performance kong iyon sa isang special na tao.”

“Pwede ba naming malaman kung sino at kung paano kayo nagkakilala ng tinutukoy mo, Miss Bea?” tanong muli ng reporter.

Awkward na napangiti si Bea. Ayaw malaman ng iba ang totoong nangyari sa nakaraan…

Kung saan ay inakala ni Louie na siya ang dahilan kung bakit ito nagising mula sa coma. Kahit na ang totoo ay si Zia naman talaga ang dahilan at nagpanggap lang siya.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
marian Feguroa
Kahit lagyan nyo nalang ng ads para lang mabasa ng mga reader ang buong kwento at makatulong din sa author.. Its a Win-win situation!
goodnovel comment avatar
Cristina Galias
sana ituloy an kasi ang gandang estorya.
goodnovel comment avatar
Joy Batoon
sana po wala ng bayad ganda ng kwento.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status