Share

Chapter 8

NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.

Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.

Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.

Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.

At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.

Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”

“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status