Share

Chapter 53

NAG-ANGAT ng tingin si Zia. “Bakit gusto mo ‘kong tulungan?” aniya dahil talagang naguguluhan siya. “Si Louie ang kliyente mo at kumuha mismo sa’yo para magtrabaho.”

Pasimpleng umiwas ng tingin si Mia. Sa totoo lang, maging siya ay naguguluhan din sa sarili. Sa trabahong ginagalawan ay dapat hindi siya magpadala sa sariling emosyon. Ngunit sadyang hindi lang talaga niya maiwasan lalo pa at naaalala niya ang yumaong Ina nang makita sa ospital ang sugat sa palapulsuhan ni Zia.

Ang kaibahan nga lang nito kumpara sa kanyang Ina… nakikita niyang gusto nitong mabuhay. Na kailangan nito ng tutulong para maibsan ang lahat ng pinagdadaanang hirap.

Nakakalungkot man pero naaawa siya para kay Zia.

“Gusto ko lang tumulong,” tugon niya sa tanong nito.

Tumagal ang tingin ni Zia ngunit hindi na nagtanong at ilang sandali pa ay nagpaalam ng aalis. Habang papalayo sa opisina ni Torres ay mahigpit niyang hawak sa kamay ang business card na bigay nito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status