MATAPOS iyong sabihin ay umiwas ng tingin si Zia saka bumulong, “Meron ako ngayon pero kung gusto mo talaga ay—"
Sa isang iglap ay kinulong ni Louie ang magkabilang pisngi ng asawa gamit ang dalawa niyang kamay. Kapag nasa bahay lang ay hindi nagmi-make up si Zia. Maganda man ito kapag nakaayos ay mas higit niyang gusto ang natural nitong ganda.Parang ayaw na nga niyang bitawan at talagang gandang-ganda siya.“If you’re having your period. I won’t force you to make love with me. Hindi ako gano’n ka hayuk.”Napakurap si Zia, halata ang pagkabigla. Hindi inaasahang sasabihin niya iyon.Dahil alam niyang nabahiran na ng masama ang pagkatao niya. Na ang tingin sa kanya ni Zia ay isang lalakeng walang pakialam sa mararamdaman ng iba basta lang maligayahan. Aminado naman siya sa puntong iyon pero may limitasyon pa rin lalo at may period ito.Binitawan niya ang malambot na pisngi ni Zia saka hinawakan sa braso at marahang hinila palapiNAMULA ang tenga ni Zia na tila may gustong itago. “W-Wala lang! Bumili ako ng bagong perfume,” pagsisinungaling pa niya. Mabuti at mayroon talaga sa drawer.“Really?” Saka hinanap ni Louie ang tinutukoy nitong pabango. “Subukan mo nga’t aamuyin ko kung bagay ba sa’yo.”Agad ini-spray ni Zia ang perfume sa sarili lalo na sa likod ng tenga.Yumuko si Louie para maamoy nang maigi ang pabango. “Hmm, smells good,” aniyang marahang kinagat ang tenga nito.“Louie!” saway ni Zia.“My bad… nakakagigil ka kasi. Muntik na ‘kong makalimot.” Matapos ay napansin ang diary.Naalalang muli ang nabasa kaya kinuha niya ito. Gusto pa ngang bawiin ni Zia ngunit hindi niya hinayaang maagaw.Nang hindi na ito nagtangka ay muli siyang yumuko at niyakap ito sa balikat.“Nahihiya kang basahin ko?” ani Louie. “Pero nagawa ko na kaya ‘wag ka ng mahiya pa.”Mula sa repleksyon ng salamin ay napansin niya ang pamumula ng pisngi ni
MULI pa sanang magsasalita si Louie nang lumabas sa operating room ang doctor na umasikaso kay Bea. Mayamaya pa ay lumapit ito at huminga nang malalim bago ipinaliwanag na matapos maisagawa ang ‘gastric lavage’— Isang paraan ng pag-pump sa stomach para malinis ang loob at maialis ang anumang content sa tiyan sa pamamagitan ng pagpasok ng maliit na tube sa bibig o hindi kaya sa ilong.“Ligtas na ang pasiyente sa ngayon. Asahan niyo ring makikipagtulungan ang ospital sa kinauukulan tungkol sa nangyaring insidente ngayon,” patuloy pa ng doctor.Tumango naman si Louie at saka inutusan si Alice na asikasuhin kaagad ang paglilipat ni Bea sa Rodriguez hospital. Nang paalis na siya ay agad humarang si Linda. “A-Alis ka na kaagad? Pa’no ang anak ko, hindi mo ba siya hihintaying magising?"“Tumigil kayo, hindi pa ba sapat sa inyong nagpunta siya rito sa kalagitnaan ng gabi?” saway ni Alice.Bahagyang hinawi ni Louie ang secretary para mag-iwan ng
PAGKAGISING ng umagang iyon ay wala na sa tabi ni Louie ang asawa. Kaya bumangon siya at nagtungo sa cloakroom sa pag-aakalang naroon lang si Zia.Ngunit wala, bagkus ay ang mga damit lang niyang susuotin ngayong araw ang naabutang nakasampay sa isang tabi.Matapos maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina sa pag-aakalang nagluluto ng agahan si Zia ngunit wala rin sa kusina maging sa dining area.Ang mga katulong lang ang nandoon na inaayos ang lamesa para sa kanya.“Si Zia?” tuluyan na niyang naitanong.“Si Ma’am Zia, Sir? Hindi po ba nagpaalam sa inyong aalis?” tugon ng katulong habang inilalagay sa lamesa ang almusal. “Ang sabi niya lang po sa’min ay uuwi siya sa kanila,” dugtong nito.Naupo si Louie saka nagsimulang kumain. Habang sumisimsim ng kape ay napangisi siya habang iniisip na baka iniiwasan talaga siya ni Zia na makaharap?Matapos ang mga nangyari kagabi… well, wala naman talagang nangyari mali
NAGKIKINANGANG mga bituin ang makikita sa kalangitan habang paauwi si Zia ng araw na iyon.Pagbukas ng pinto ay maririnig kaagad ang boses ni Louie, “When I was studying aboard ay ako po mismo ang nag-aayos ng sirang water pipe sa tinutuluyan ko.” Kaya bahagyang natigilan si Zia dahil hindi niya inaasahang nasa apartment ang asawa.“Gano’n ba? Pero nakakahiya pa rin sa’yo at nadumihan na ang damit mo,” boses naman ni Maricar.Ilang hakbang lang ay tuluyan niyang nakita ang dalawa. Si Louie na nagpupunas ng kamay habang si Maricar na may hawak na tools.Pagkakita sa kanya ng Ina ay dali-dali itong lumapit at bumulong, “Biglang nasira ang tubo ng lababo. Nagkataong dumating si Louie at nagpresentang siya na lamang ang mag-aayos. Sinusundo ka na ba niya?”“Hindi, ‘Ma, magsi-stay ako rito,” tugon ni Zia.“Gano’n ba? O, sige at magluluto muna ako—” saka muling bumulong, “Mukhang hindi maganda ang mood ni Arturo sa pagdating
BIGLANG naupo si Louie sabay bukas ng lampshade. “What do you think?” aniya. “I never really loved anyone. But this is the first time I cared for someone, it’s you Zia. Kaya kahit nakakadiri ay nag-volunteer akong ayusin ang water pipe.”Tuluyang lumingon si Zia. Pinakatitigan ang gwapo nitong mukha sa dilim.Mayamaya pa ay lumapit ito para haplusin ang kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa ngiti nitong sadyang makasalanan."Gusto kong magkaroon ng pamilya, Zia. Bumuo tayo, hindi na mahalaga kung anong gender. Ang gusto ko lang ay maging masaya tayo… mahalin mo ‘ko gaya ng dati.”Sa sinabing iyon ay parang pinapahiwatig na rin nitong magsimula silang muli. Pinakatitigan niya ang mata nito, naghahanap ng mali.Ngunit napagtanto niyang totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang binitawan nitong salita.Na siyang tunay dahil ng mga oras na iyon ay nais talaga ni Louie na mahalin ang asawa. Kaya siya naglalambing at nagiging m
NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
MAKAHULUGAN at may ngiti sa labing tiningnan ni Louie ang asawa sa pag-aakalang nagtatampo ito. Kaya bumulong siya ng mga salitang magugustuhan at paniguradong mag-aalis ng tampo nito.Kahit ang totoo ay palihim na nandidiri si Zia sa kasinungalingang sinasabi ng asawa.Mabuti na lamang at may dumating na katulong para ipaalam na handa na ang hapunan.Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang nagtungo sa dining area. Sa halip na magkaharap ay tumabi siya para malagyan ng pagkain ang pinggan ni Zia. “Kumain ka lang nang kumain at sigurado akong pagod ka,” aniya.Habang kumakain ay nakangiti si Zia para ipakitang masaya siya sa ginagawang pag-aasikaso ni Louie. Para hindi naman nakakahiyang nage-effort ito kahit nasusuka na siya sa sa ginagawa nitong pagkukunwari.At nang nasa kwarto na silang dalawa ay humirit si Louie na pinagbigyan naman niya. Dahil kapag tumanggi siya ay baka makahalata itong alam na niya ang lahat. Ngunit kahit