Asper Reign Dahlia’s PovI don’t really know how to face Jyn after I just remember what I probably did last night.I am not sure why I did that but things were not really clear to me by that night. As far as I remember, when I saw Jyn’s face that night near me, I had this urge to kiss him.And I did.“You are here.” Napaigtad ako nang marinig ang sinabi ni Jyn mula sa likuran ko. “I told you I will be cooking tonight, right?”Dahan-dahan akong bumaling sa kanya at napakamot ng ulo. “Sorry. I forgot that you mentioned that earlier. I was just kinda busy and my thoughts were all over the place.”Kumunot ang noo niya. “Why? Is something bothering you?”Bumuntong hininga ako at tumango. “Actually, I had a glimpse of memory of what happened last night and…” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinakpan ang aking mukha gamit ang mga kamay ko. “I don’t really know how to face you after what I just did.”Wala akong narinig na kahit anong sagot kaya dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko pa
Caspian Jyn’s PovShit! Hindi ko akalain na ganito pala ka-slow si Asper pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Akala ko ay magiging malinaw na sa kanya ang nararamdaman ko pagkatapos ng nangyari sa kusina pero mukhang iba pa din ang nasa isip niya.Napasapo na lang ako ng noo habang nakatingin sa kanyang likuran.Matapos niya kasing sabihin iyon ay muli na siyang bumalik sa loob ng mansion para ituloy ang pagluluto na ginagawa niya.At naiwan ako dito sa garden na natanga na lang dahil sa mga konklusyon niya na malayo sa katotohanan.“Boss!” Agad na lumapit sa akin si Rajiv na kasama ang magkapatid na Dash at Karyu. “Tapos na kayong mag-usap ni Asperin?”Tumango ako at bumuntong hininga.“Ayos!” masayang sabi ni Karyu. “Ibig bang sabihin niyan ay girlfriend mo na siya?” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya agad siyang napaatras. “B-bakit, Boss? May nasabi ba akong mali?”Bumuntong hininga ako at umiling na lang.Hindi ko naman mababago ang pag-iisip ni Asper kung ibubunton ko
Asper Reign Dahlia’s Pov“Asper?”Bumaling ako kay Miracle na siyang tumawag sa pangalan ko.Nakakunot ang kanyang noo at para bang nagulat pa na makita ako dito sa counter ng SweetHeart. “What the hell are you doing here?” Agad siyang lumapit sa akin pagkuwa’y inilapag ang dala niyang table napkin sa counter. “Hindi ka man lang nagpasabi na magpapakita ka dito.”Bumuntong hininga ako. “Nag-crave lang ako dito.” Ipinakita ko sa kanya ang ice coffee na inorder ko sa barista namin.Tinitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Hindi ka tatambay dito kung talagang iyan lang ang ipinunta mo dito.”Napaiwas ako ng tingin.Totoo ang sinabi niya. Hindi ko ugali na tumambay dito sa SweetHeart dahil alam kong nakakaabala ang presensiya ko sa mga empleyado.Alam kasi nila kung gaano ako ka-istrikta pagdating sa trabaho nila kaya naman nakakaramdam sila ng matinding pressure kapag nandito ako.Lalo na kapag maraming tao dito sa shop.Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit para bang hirap
Asper Reign Dahlia’s PovDahil nga binabawasan ko ang encounter namin ni Jyn sa bawat araw ay mas binibigyan ko ng oras ang SweetHeart kaysa sa pagtambay ko sa mansyon niya.Nagluluto pa din naman ako sa kanila pero tuwing umaga na lang para sa kanilang almusal at tuwing gabi para sa kanilang hapunan.Sinabihan ko na din kasi si Rajiv na gusto kong pagtuunan ng pansin ang shop ko dahil nahihiya na rin ako kay Miracle.Lalo ngayong mayroon na siyang sariling buhay na dapat asikasuhin.Ayaw ko namang maging hadlang pa para sa ikalawang pagkakataon ng relasyon nila ni Rajiv.Pero syempre ay binibigyan ko pa din kahit paano ng oras si Jyn para hindi naman siya makahalata na umiiwas ako. Kinukulit ko pa din siya tulad ng dati at malapit pa din ako sa kanya.Ipinaparamdam ko sa kanya na walang nagbago sa pagitan namin kahit na may halikan pang naganap.“Bakit ba hindi mo na lang aminin na in love ka na sa kanya?”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Miracle mula sa likod ko. Agad a
Miracle Raydale Azaria’s PovIsang taon na din pala ang lumipas mula nang huli kong makatungtong ng palasyo kung nasaan ang mga magulang ko. Hindi ko akalain na ganoon na katagal.Pakiramdam ko kasi ay parang kahapon lang nang piliin kong lisanin ang lugar na ito para maging anino ng pamilya namin at magtrabaho para sa sarili ko nang hindi na umaasa sa kanila.At tulad ng dati ay hindi ko talaga gusto ang pakiramdam sa lugar na ito.Kahit naman kasi pamilya ko mismo ang nakatira dito ay halos hindi din pamilya ang turingan namin. Lalo na kapag may ibang taong nakaharap.Nararamdaman lang namin na pamilya namin sila noong mga bata pa kami at walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid namin.Pero oras na tumuntong kami sa edad na labing-anim, doon nagsisimula ang pagiging malamig ng lahat hanggang halos wala na silang ibinibigay apeksyon sa amin.At doon nagsisimula ang pagiging mahigpit nila sa amin hanggang sa tuluyan na nila subukang kontrolin ang mga buhay namin.“I didn’t
Rajiv Fleisko’s Pov“Hey!” Nakangiti kong kinawayan si Miracle nang tuluyan siyang makalabas sa gate ng palasyo ng Hexoria.Hindi ko na siya napigilan pang pumasok sa loob kaya naman naghintay na lamang ako dito sa labas at nag-aabang kung ano ang kahihinatnan ng mga bagay na gagawin niya sa loob.Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ako kaya agad siyang lumapit sa akin. “A-anong ginagawa mo dito?”“Pinasundan ka ni Asper.” Hinila niya ako palayo sa gate. “Nag-aalala kasi siya na baka kung ano ang gawin mo kaya nang makita niya ako ay agad kong sinabi na susundan kita.”“Alam mong hindi ka dapat naririto.”Tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit? Hindi nila ako kayang tanggapin? Malaki na ang pinagbago ng buhay ko sa loob ng tatlong taon.”“Alam mo ang ugali ng mga magulang ko, Raj,” sambit niya. “Hindi sila papayag na makarelasyon ko ang isang lalaki na hindi sila ang pumipili.”Nginisian ko siya. “Kung noon ay hindi ko kinaya ang panggigipit ng mga magulang mo kaya pinili kong luma
Asper Reign Dahlia’s PovParang lalo akong kinabahan nang makita ko si Miracle na nakangiting bumaba ng kanyang sasakyan.Hindi ko alam kung ano ang ginawa nya ngunit para bang may malaking kapalit kung anuman ang ginawa niya nang umalis siya.Agad ko na siyang sinalubong at hinawakan ang kanyang mga balikat. “A-anong nangyari? Saan ka ba nagpunta?”“Ano ka ba?” Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat at ginulo ang aking buhok. “Sorry for making you worry but I handle things very carefully. Kaya pwede ka nang kumalma diyan.”“Pero…” Aangal pa ako pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Agad niya akong hinila papasok ng bahay at dumeretso kami sa kusina.“Lutuan mo na lang muna ako, Asper,” sabi niya. “Mahaba-haba din ang naging byahe ko at talagang nagugutom na ako.”Tinitigan ko siya.Oo nga’t may bakas talaga ng saya ang kanyang mga mata ngunit nakikita ko din na mayroong pag-aalala doon.Bumuntong hininga siya. “Ipapaliwanag ko sayo ang lahat, okay?” sabi pa niya. “
Asper Reign Dahlia’s PovIlang araw na din ang nakalipas ng ipaalam sa akin ni Miracle ang tunay niyang pagkatao. At mula noon ay hindi pa kami nag-uusap.Si Pruska ang pinapapunta niya dito sa bahay para kunin ang mga product namin na kailangang i-deliver.Hindi din ito pumapasok sa shop at wala din sa kanyang tinutuluyan. Ni hindi tumatawag sa akin kaya nagsisimula na akong mag-alala.At alam kong isang tao lang naman ang maaari kong kausapin para malaman kung nasaan ang babaeng iyon ngayon.“Asper?” Bakas ang gulat sa mata ni Jyn nang makita ako sa tapat ng front door ng mansyon niya. “Gabing-gabi na ah. May nakalimutan ka?”Umiling ako. “Gusto ko sanang makausap si Rajiv.”“Wala si Rajiv dito,” aniya. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at tuluyan akong pinapasok sa loob na agad ko namang ginawa. “Ilang araw na din siyang hindi umuuwi.”“Magkasama ba sila ni Mira?”Bumuntong hininga siya. “To be honest, I don’t really know,” sagot niya. “Nagpaalam lang ang tarantadong iyon na