Share

CHAPTER 71 – STARTLED

SA CONDO unit umuwi sina Nikole at Julian pagkagaling sa opisina. Gusto kasi niyang makapagpahinga kaagad. Hindi naman siya kinulit ni Julian at nirespeto nito ang pananahimik niya.

Nag-grocery na lang si Julian at nagluto ng pagkain. He cooked pork sinigang. Madali lang kasi iyon lutuin at baka magustuhan ni Nikole ang maghigop ng mainit na sabaw.

Pero nagkulong lang ito sa kuwarto. Kaya lalong nadagdagan ang pag-aalala niya. Iba ang sitwasyon ngayon at alam niyang hindi niya ito madadaan sa simpleng pag-entertain sa dalaga gamit ang pambihirang dancing skills niya.

Maging siya ay namumrublema rin. Dahil kung totoong galing kay Vicente ang utos na ligawan ni Cross si Nikole, dehado siya roon. Anong laban ng isang hamak na gaya niya sa lalaking pinili ng isang Vincente Castellaneta?

Habang nagpapakulo siya ng karne. Hindi na siya nag dalawang isip na tawagan si Clive. Agad naman itong sumagot.

“Yes, Jules? Napatawag ka. May problema ba?”

“Pare, busy ka ba? Pasensya na. Pero nandi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status