Share

CHAPTER 96 - LOST

ISANG linggo na ang nakararaan mula nang maihatid sa huling hantungan si Bernadette pero hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin ni Bernila ang pagkawala nito. Hindi niya lubos akalain na isang trahedya muli ang susubok sa tatag ng kanyang pagkatao pati na rin sa samahan nila ni Kaden.

Nagising si Bernila isang umaga sa matinding hilab ng kanyang tiyan. Sobrang sakit na hindi niya maipaliwanag. Nagising si Kaden sa tabi niya ay gayun na lang ang panlalaki ng mata nito nang makitang dinudugo siya.

“Oh, my God!” Agad siyang kinarga nito at ipinasok sa sasakyan.

“Manong Jorge, let’s go to the hospital!” Tarantang utos ni Kaden sa kanilang driver.

“Bern, hold on.” Hawak-hawak ni Kaden ang asawa.

Magsisigaw si Bernila sa sobrang sakit. Halos hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nagmumula. Panay rin ang pagpatak ng luha niya habang iniisip kung bakit ito nangyayari sa kanya.

Niyakap ni Kaden ang asawa nang mahigpit. Namumutla ito at namumuo ang pawis. Saka lang bahagyang kumalma si Kad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status