Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang maglaho sa harap ko ang kapatid ko. Alam kong nasaktan ko s'ya sa mga sinabi ko pero 'yon lang ang nakikita kong paraan para umalis s'ya at sana lang ay 'wag na s'yang matangkang bumalik pa. Napalingon ako kay Reiner nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa balikat ko. Bakas ang pagaalala sa mukha n'ya habang nakatitig sa duguan kong braso dahil sa pagkagat sa akin ni Flavia. "You're bleeding." "I know. I can see that," saad ko. Aalis na sana ako nang maramdaman ko ang biglang pag-angat ng katawan ko. Mabilis akong napakapit sa balikat ni Reiner nang buhatin n'ya ako paakyat sa cabin ko. Pinilit kong itago ang kilig na nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti na pilit na kumakawala sa labi ko. Hindi naman binti ko ang may tama at sigurado akong kaya ko ang sarili ko pero dahil gusto ko ang kiliting 'to sa sikmura ko ay hinayaan ko na lang s'ya. This is what humans called, 'Butterfly in my stomach.' Huh! This fee
REINER "Earth to Reiner!" I lazily gazed at Ryder. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala ang asungot na 'to. I was busy contemplating. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang girlfriend ko na si Fana. Masaya ba ako? No. Hindi! I'm overwhelmed and I'm f*cking worry for my life. Paano kung paraan n'ya lang 'to para mainom ang dugo? T*ngina lang! Bampira ang girlfriend ko at hindi normal na tao. Pakiramdam ko ay hindi magtatagal ang buhay ko sa mundong 'to. She's dangerous. Her kind is dangerous at noong nakaraang gabi lang ay nakilala ko ang kapatid n'yang muntik na akong lapain. Ayoko nang may makilala pa sa mga angkan n'ya. It's been 3 days since I last saw her. Nakalimutan kong hingin ang cellphone number n'ya kaya wala kaming komunikasyon na dalawa. Minsan nakakalimutan kong may girlfriend ako sa lumipas na tatlong araw. "What's with you?" tanong ko kay Ryder na lutang din kagaya ko. "Naka-leave pala si Thana. Kaya pala m
Halos malaglag ang puso ko sa gulat nang tumambad sa harap ko si Fana ng buksan ko ang ilaw sa bahay. Matamis s'yang nakangiti sa akin na para bang wala s'yang ginawang illegal. This is tresspassing. Paano s'ya nakapasok dito? "I miss you boyfriend." Lumapit s'ya sa akin at mahigpit na yumakap sa bewang ko. "I cooked you dinner," "Nagawa mong makapagluto nang nakasara ang ilaw sa buong bahay?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Yup. Nakakalimutan mo atang isang bampira ang girlfriend mo. May night vision kami na wala kayong mga mortal," pagmamalaki n'ya. "At marunong ka ring magluto ng pagkain ng tao?" sunod kong tanong sa kanya. "Nagpaturo ako sa kaibigan ko dahil gusto kitang ipagluto." She giggled. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa effort n'ya o magagalit dahil sa ginawa n'yang pagpuslit sa bahay ko nang walang paalam. Mabuti na lang nasa State na ngayon si mama at hindi n'ya alam ang patungkol sa pagkakaroon ko ng girlfriend dahil kung hindi si
"I wasn't expecting this. Aside sa pagiging bampira ay dati ka rin palang propesor. Ano pa ang hindi mo sinasabi sa akin?" tanong ko "Ahm. Ano pa ba? Well, bukod sa pagiging professor ko sa history ay nakapagtapos din ako ng law, engineering, business at accountancy. Mas nawili lang talaga sa pagtatayo ng negosyo kaya doon ako nagtagal," pahayag n'ya. I feel do bad. Masyado ko s'yang minaliit. Akala ko kasi noon ay ganda lang ang meron s'ya pero nagkamali ako. She has the beauty and the brain. Napakasama ko para husgahan s'ya nang basta-basta nang hindi man lang inaalaam ang background n'ya bukod sa pagiging bampira n'ya. "Wow," wala sa sariling usal ko. "Bakit hindi mo sa akin sinabi kagabi na magiging professor kita?" "Lagi mo kaya akong itinataboy kagabi. Umalis na lang ako para mabigyan ka ng space. Kinulang ka ata sa tatlong araw na ibinigay ko sa'yo," nakasimangot n'yang sagot. "Alam ko namang napipilitan ka lang sa relasyon nating 'to pero gusto kong mag-wo
THANA "Dinuguan? Magluluto ka ng dinuguan?" puno ng pagtataka kong tanong kay Fana nang maabutan ko s'ya sa kusina at abala. Kaharap n'ya ang mga sangkap na kakailanganin n'ya at isa-isa 'yong chini-check sa hawak n'yang recipe book. "Akala ko ba ayaw mong niluluto ang dugo na iniinom mo. Bakit biglang nag-iba ang panlasa mo?" "I'm practicing," nakangiti n'yang sagot. "Bakit?" usisa ko. Ngayon ko lang kasi s'ya nakita na gan'to kapursigido sa pagluluto at take note, pagkain ng tao ang ginagawa n'ya which is weird para sa isang bampira na katulad n'ya. Sa ilang taon kong pagkakakilala kay Fana ay never ko pa s'yang nakitang kumain ng pagkain naming mga mortal. "For my boyfriend." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. "T-Talaga?" Tumango s'ya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Abala kasi s'ya sa hawak n'yang recipe book. Halatang seryoso s'yang matutunan ang tamang pagluluto ng dinuguan. "Gusto mo bang turuan kita?" Mabilis s'yang napalingon sa akin at
1 YEAR AGO Lake Park "Saan mo nga pala ako balak dalhin?" tanong ko kay Ryder na abala ngayon sa pagmamaneho. Matapos namin dumaan sa tatlong drive thru ay naging mahaba-haba na rin ang byahe namin. Siguro ay kalahating oras na rin kaming nasa kalsada. "Magpi-picnic tayo." Nakangiti n'yang sagot dahilan para muli na namang lumabas ang malalim n'yang dimples na ang sarap sigurong sundutin. Jusme! Itong isip ko talaga, ang wild! "Nang hating-gabi?" manghang tanong ko sa kanya. "Oo," "Okay. That's a weird plan but I like it," saad ko, "You will love it." Ngumiti na lang ako bago muling ibalik ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga nangyari kanina. Siguradong-sigurado ako na ang babaing 'yon ang laman ng mga panaginip ko. She killed me in many ways. Kung hindi sa paulit-ulit n'yang pag-ubos sa dugo ko, pagbali ng leeg ko o pagbutas ng puso ko gamit ang matatalim n'yang kuko, ang mas ikinakatatakot ko ay ang pagpatay n'ya sa akin sa harap ng kaibi
"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko kay Ryder ng dalhin n'ya ako sa bahay n'ya. Inilibot ko ang tingin ko sa loob. It felt empty and lonely. Para bang matagal na panahon itong hindi tinitirhan dahil sa malungkot at malamig na ambiance nito. "Abroad," sagot n'ya saka s'ya ngumisi sa akin na para bang may naiisip s'yang pilyong ideya. "Ryder, hindi ako sumama sa'yo para makipagbahay-bahayan o sabayan ang kalandian mo," pagtataray ko pero wala talaga 'yong epekto sa kanya dahil mas lalo lang lumawak ang ngisi n'ya. "Then why did you come with me?" tanong n'ya sa akin. "Ayoko lang na makita ka ng kaibigan ko. Ayokong may isipin s'ya patungkol sa ating dalawa kaya sumama ako," paliwanag ko. Tama. Iyon lang ang dahilan kaya sumama ako sa kanya. Nakakairita rin ang kakulitan n'ya kanina kaya napilitan akong magpatangay sa lalaking 'to. "Really?" May pagdududang tanong n'ya na nagpasalubong ng mga kilay ko. "Don't get your hopes up, Ryder. Walang ibang ibigsabihin ang pagsama ko
RYDERYEARS AGO"Ryder!" tawag sa akin ni Sister Mallen pero hindi ko s'ya nilingon. Nakapako lang ang tingin ko kay Casper na wala nang buhay sa harapan ko. Inuuod at naagnas na ang katawan n'ya kaya amoy na amoy ko ang umaalingasaw na masamang amoy mula sa katawan n'ya.Si Casper ay ang alaga kong itim na pusa. S'ya ang naging matalik kong kaibigan dito sa bahay ampunan sa loob ng sampung taon. Dapat ay umiiyak ako sa pagkamatay n'ya dahil matagal ko s'yang nakasama pero mukhang nasanay na ako sa pang-iiwan nila sa akin. "Jusko!" usal ni Sister Mallen. Nakatakip ang isa n'yang kamay sa ilong at diring-diri sa nakikita. "Anong nangyari kay Casper?" tanong n'ya sa akin pero nagkibit-balikat lang ako. Tatlong araw s'yang biglang nawala at heto nga't bangkay na s'ya ng makita ko sa playground."Sister, ililibing ko lang po muna si Casper. Papasok po kaagad ako pagkatapos ko," paalam ko kay Sister. Tumango lang s'ya at kaagad na umalis. Hindi n'ya siguro kinaya ang mabahong amoy