Share

Chapter 6 : Grieving Vampire

FANA

“What happened? Bakit nakabusangot ka?” tanong sa akin ni Toby habang abala s'ya sa paggawa ng mojito na request ko sa kanya.

“Wala,” saad ko kahit ang totoo ay badtrip na badtrip ako dahil sa nangyari kanina.

Ang lakas ng loob ng mortal na ‘yon na tanggihan ang offer ko tapos sa pangit lang pala ako ipagpapalit! Arrghh! Humanda s’ya sa akin mamaya. Pupuslit ako sa kwarto n’ya at sasakalin s’ya sa pagtulog n’ya hanggang sa malagutan s’ya ng hininga.

Hmp. Akala n’ya siguro magiging mabait ako porket may utang na loob ako sa kanya.

Never!

“S’ya nga pala, nakita ko ang lalaking niligtas mo noong nakaraang araw kay Mateo?” pahayag ni Toby.

“Oh tapos?” labas sa ilong na tanong ko.

“Wala lang,” natatawang saad n’ya kaya naman sinamaan ko s’ya ng tingin. Alam na alam ko kapag nakabungisngis ang bampirang ‘to.

Yup! Toby is a pure blood vampire like me. S’ya lang ang nag-iisang bampira na pinagkakatiwalaan ko, because like me, he hates killing humans to fullfill his hunger. Yes, he drinks humans blood but he acquire his food without killing anyone― the blood bank. Sana alam din ‘yon ng mga kaangkan namin para hindi na sila pumapatay pa.

Sigurado akong may ideya na si Toby na hindi lang basta-basta para sa akin ang mortal na iyon. Sa tuwing nagkakaroon kasi ng gulo dito sa bar ay hindi ako nakikialam. I always enjoy the uproar. Mga bouncer ko ang nagreresulba sa away kaya nang makita ako ni Toby at ng iba pa na nakialam sa nangyaring gulo noong nakaraang araw ay maraming nagulat at namangha.

Thinking it now, ano bang pumasok sa kukute ko para pagurin ang sarili kong iligtas ang taong ‘yon?

Conscience? Nahh! Impossible.

“Here’s your mojito.

Kinuha ko ang mojito ko at inikot ang stool na kinauupuan ko para makita ang mga customer ko na nagsasayawan sa dance floor. Iinumin na sana ako sa basong hawak ko nang dumulas ito mula sa kamay ko. Naramdaman ko ang hinagpis at sakit na bigla na lang bumalot sa puso ko. Somethong is wrong. Para bang sinasakal nang matinding kalungkutan ang puso ko.

Si Rosalie.

“Fana, ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Toby. Tango lang ang naging sagot ko sa kanya.

Kailangan kong ma-check ang lagay ng kaibigan kong si Rosalie. Kakalma lang ako kapag sigurado akong maaayos ang lagay n’ya.  

“Miss Fana,” tawag sa akin ni Melissa kaya napalingon ako sa kanya. “Nasa kabilang linya po si Thana. Sa akin s’ya tumawag dahil hindi ka raw n’ya ma-contact.”

Kinuha ko mula sa kamay ni Melissa ang phone n’ya. Iniwan ko muna sila at pumasok sa storage room para doon kausapin si Thana. Hindi kami magkakarinigan kung mananatili akong nakaupo ‘ron.

“Thana, napatawag ka?” tanong ko pero isang hagulgol ang pinakawalan ni Thana na mas lalong nagpalakas nang masama kong hinala.

“F-Fana,”

“Bakit ka umiiyak Thana?”

“M-Mom’s dead.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa masamang balitang natanggap ko. Namalayan ko na lang na basag na ang phone na hawak ko dahil sa higpit ng pagkakakuyom ng mga kamao ko.

Malalaki ang hakbang ko na lumabas sa kwarto. Sinalubong ako ni Toby at Melissa pero hindi ko sila binigyang pansin. Iniwan ko ang sirang phone sa ibabaw ng counter bago dire-diretsong lumabas ng bar.

Nang makapasok sa cabin ay doon ko na pinakawalan ang isang malakas na palahaw. I cried my heart out. Ito ang araw na kinakatakutan kong dumating, ang mawala ang taong sobrang pinahahalagahan ko.

I can’t feel her presence anymore. Napayakap ako sa sarili ko habang nakaluhod sa sahig at humahaguogol. Wala na ang nag-iisang tao na nagbigay halaga sa akin sa kabila ng pagiging iba ko…sa kabila ng pagiging halimaw ko. Wala na si Rosalie.

“Fana,”

“I-Iwan mo muna ako Toby,” pakiusap ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

“P-Per―”

“Get out!” asik ko. Hindi ko napigilan ang biglang paglabas ng pangil ko at sigurado akong pula na rin ang mga mata ko nang malasahan ang sarili kong dugo dahil sa pag-angil ko. I f*cking bit my own tongue.

“It’s okay to grieve, Fana pero huwag mong hahayaang kainin ka ng kalungkutang nararamdaman mo. It’s not healthy for you. Alam mo ang maaaring mangyari kapag hinayaan kong kainin ka ng emosyon mo.” pahayag ni Toby bago tuluyang lumabas sa cabin.

Nanghihinang ibinangon ko ang sarili ko sa pagkakasalampak sa sahig habang pilit na pinapakalma ang sarili ko pero kahit anong gawin ko ay pinapangunahan pa rin ako ng sakit na nararamdaman ko. Itinikod ko ang kamay ko sa mesa saka ko nilagok ang nakita kong dugo na nasa baso.

“Ahhh!” sigaw ko saka ko ibinalibag ang mesa sa pader. “You can’t leave me like this Rosalie.” Hagulgol ko.

“FANA,” Tumakbo papalapit sa akin si Thana kaya naman sinalubong ko s’ya nang mahigpit na yakap. I know we needed this. Kailangan namin nang suporta ng isa’t isa lalo pa’t pareho kaming nawalan ng ina, kaibigan at mahal sa buhay.

Thana’s body is trembling. Umiiyak na s’ya ngayon sa balikat ko kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

“N-Nakangiti s-s’ya, Fana. My mom was peacefully sleeping, smiling. H-Hindi s’ya nahirapan sa mga huling sandali n’ya.”

“We can overcome this, Thana. After all, Fana and Thana are stronger and braver…”

“…when they’re together,” nakangiting dugtong ni Thana.

Iyon ang statement na palaging sinasabi ni Rosalie. Habang lumalaki nun si Thana at ini-imagine na n’yang magmumukha kaming kambal na dalawa kaya pati pangalan ng anak n’ya ay isinunod n’ya sa akin.

Rosali and I made sure that Thana would grow up closer to me. Maybe Rosalie knew that this day would come. Alam n’yang kaming dalawa ni Thana ang magdadamayan kapag dumating ang araw na mamaalam s’ya.

“Where is she? I want to see her.”

“Mamaya pa ihahatid ng morgue si mom dito.”

Tumango lang ako.

“Thana, alam kung wala ka pang tulog. You looked pale. Matulog ka muna at mag-ipon ng lakas ngayon dahil mas lalo kang mawawalan ng pahinga kapag nagsimula na ng burol ni Rosalie,” pahayag ko.

Malungkot na ngumiti sa akin si Thana. “I can’t sleep. Alam kong pagod ang katawan ko pero hindi ko magawang makatulog.”

“I can sing you a lullaby.”

“Hahaha. I’m not a baby anymore, Fana. Tingnan mo nga, parang magkaedad na tayo sa tangkad at itsura nating dalawa.”

Sa mundong kinagagalawan ko, tanging si Rosalie at Thana lang ang mga mortal na s’yang nakakaalam na bampira ako.

Wait, may isa pa pala. Si Reiner. I can’t believe I tell him my gravest secret without hesitation.

“I know, but you’re still our baby…damulag.”

Thana chuckled and hug me again. “I’m lucky that I still have you, Fana.”

“Me too.”

***

NANGINGINIG ang kamay ko nang hawakan ko ang salamin ng casket na kinalalagyan ni Rosalie.

“You look beautiful,” bulong ko habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. “Sigurado akong kasama mo na ngayon si June. I want to be happy for you, Rosalie pero hindi ko kayang ngumiti sa harap ng kabaong mo, knowing na hindi na kita makikita at makakausap ulit. We’ve been together for decades. Ikaw ang mortal na matagal kong nakasama at itinuring kong pamilya kaya sobrang…sakit.”

Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. Nagbabasakaling mapigilan nito ang emosyong naghahalo-halo ngayon sa dibdib ko. Pain, grief and heartache. Hindi ko alam kung saan ilulugar ngayon ang sarili ko.

This pain in my heart seems familiar. Para bang hindi ito ang unang beses na nasaktan ako ng sobra-sobra. Maybe because I live for so long and time made me forget everything especially those bad memories.

Minsan, hinihiling kong maging isang mortal na lang. Kahit hindi madali ang araw-araw nilang buhay at maikli lang ang oras nila sa mundong ‘to ay nandoon ang happiness at satisfaction.

I’ve witness lots of deaths and suffering in my years of living pero ni minsan ay hindi ko nagawang maging masaya at kontento katulad ng mga mortal. Even my own powers and advantages as a vampire can’t make me happy.

“Fana,” tawag sa akin ni Thana kaya mabilis kong pinunasan ang basa kong pisngi.

“Kamusta ang tulog mo?” tanong ko sa kanya.

“Good. Thank you,” saad n’ya. “Alam kong ayaw na ayaw mong ginagamit ang kapangyarihan mo sa aming mga mortal pero ginawa mo pa rin.”

“You needed to rest,” sagot ko na lang.

Bukod sa kaya kong marinig ang iniisip nila at kaya ko rin ‘yong gamitin para kontrolin ang consciousness nila. I can control human like a puppet but I don’t plan in doing that. Mas pinili kong I-block sila sa isipan ko para irespeto sila.

May kanya-kanyang unique na kapangyarihan ang mga pure blood vampire at iyon ang sa akin.

“Thank you.”

“Thana, gusto mo bang tumira kasama ko?”

“I would love to. A-Are you sure na gusto mong may maka-housemate?”

“Oo naman. You’re like a daughter and a sister to me and I’m sure na ‘yon din ang gustong mangyari ni Rosalie,” pahayag ko.

“If it’s okay for you, okay din sa akin,” nakangiting pahayag ni Thana pero hindi sumabay ang mga mata n’ya sa ngiting ‘yon. She’s grieving. Matagal-tagal pa ang aabutin bago s’ya tuluyang masanay sa pagkawala ni Rosalie.

Handa akong maging sandalan ni Thana. I’ll wear my happy mask just to make her happy and so she won’t worry about me pero sino naman ang sasalo sa akin sa kalungkutang ‘to?

I just wish I have someone to lean on.

You live independently for thousands of years, Fana. Continue doing that without relying on someone. - sigaw ng isip ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status