Share

Chapter 5 : Frustration

"T*ngina! Saan ka kumuha ng gatas?" tanong sa akin ni Ryder habang masama ang tingin sa hawak kong boxed milk. "Sa akin na nga 'yan!" Kinuha n'ya ito sa akin kaya ang straw na lang ang naiwan sa bibig ko saka n'ya 'yon ibinato sa malayo. Narinig ko pang may d*****g na natamaan dahil sa ginawa ni Ryder. Mabuti na lang karton 'yon at hindi bote.

G*go rin kasi 'tong si Ryder.

"Nasa bar tayo, Reiner at wala sa ilalim ng daster ng nanay natin." Inilapag n'ya sa harap ko ang baso ng beer.

"Mag-aala dragon ang mama ko kapag nakita n'yang hindi ko ininom ang ipinuslit n'yang gatas sa bag ko," depensa ko.

"You can throw it, Reiner kung napipilitan kang uminom ng gatas."

"I know, pero hindi ako katulad mong walang konsensya," pambabara ko sa kanya na ikinatawa n'ya nang malakas.

Kinuha ko ang kaharap kong alak at nilagok iyon. Napangiwi pa ako nang humagod ang pait at lamig sa lalamunan ko. Umiinom din naman ako ng alak pero bihira lang. Hindi katulad ni Ryder na ginawa ng tubig ang beer.

"Isa pa nga pala," Kinuha ni Ryder ang suot kong eyeglasses kaya namura ko ng malutong ang lintik.

"P*kyu ka! Ibalik mo 'yan! Wala akong makitang h*yop ka!"

I have 20/500 vision kaya hindi pupweding hindi ko suot ang salamin ko dahil para akong lumpo kapag wala 'yon.

"Hahaha! Tita will punch your mouth if she heard you cursing," tawang-tawang pahayag ni Ryder. "Sa akin na muna 'tong salamin mo tsaka sigurado naman akong may back-up contact lense kang dala palagi sa bag mo."

"A**hole." I hissed.

"Look, girls are eyeing you."

"G*go! Paano ko makikita kung kinuha mo sa akin ang salamin ko."

Pinagti-tripan ata ako ng lintik na 'to. Minsan gusto kong basagan ng bote ang ulo n'ya. Baka sakaling maayos ko ang takbo ng utak n'ya. Bahala na kung sa hospital o mental s'ya bumagsak.

"Wear your contact lenses, my a**hole friend."

Kinapa ko sa loob ng bag ko ang case ng contact lenses ko. Nang makuha iyon ay tumayo ako para pumuntang banyo. Kinailangan ko pang makipagbuno sa mga taong nagkalat sa bar para lang makarating sa banyo pero hindi pa ako nakakapasok nang may humarang na babae sa harap ko.

"Hi, handsome," bati sa akin ng babae habang pinapaikot sa daliri n'ya ang ilang hibla nang mahaba n'yang buhok.

Her face is blurry, kaya hindi ko matukoy kong maganda o hipon ang babae.

Iiwasan ko na sana s'ya nang harangin n'ya na naman ang dadaanan ko.

"Ahm. Can I help you?" tanong ko sa kanya pero isang malanding tawa ang pinakawalan n'ya na nagpakunot ng noo ko.

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Miss, I really need to use the restroom."

"Okay. I'll come with you."

"W-What? Why? This is the men's restroom. Ba–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilahin n'ya ako papasok. Para bang wala n'yang pakialam sa dalawa pang lalaki na nasa loob bukod sa amin.

"Nice chikababes," pahayag ng isang lalaki na tumapik sa balikat ko bago lumabas sa banyo. Sa tono ng pananalita n'ya ay parang nag-aasar s'ya. Samantalang walang imik namang lumabas ang isa pang lalaki kaya naiwan kaming dalawa ng babaing kasama ko.

Pumunta ako sa sink at doon ko isinuot ang contact lenses ko. Sh*t! Hindi talaga ako komportable na suotin ko. Inamag na nga 'to sa bag ko sa tagal kong hindi nagagamit 'to.

Nang makapag-adjust ang mga mata ko ay tiningnan ko mula sa salamin ang babaing kasama ko na nakasandal sa isang cubicle. Nakakagat labi s'ya habang naka-cross ang mga braso sa dibdib n'ya dahilan para mas lalong lumuwa ang ipit na ipit n'yang dibdib.

Oh sh*t! Kaya pala mapang-asar ang tono ng pananalita ng kaninang lalaki dahil parang inararo ng 10-wheeler truck ang mukha ng babaing 'to.

Okay. I'm exaggerating.

She has the s*xy body na talagang paglalawayan ng mga kalalakihan pero kapag nag-angat ka ng tingin sa mukha n'ya ay doon ka na matuturn-off. I'd rather exag my word than say the p-word.

Everyone's beautiful. Tama. Hindi man s'ya pinagkalooban sa panlabas na kaanyuan, sa tingin ko naman ay may natatago s'yang kagandahan... sa panloob?

"Wait," pagpigil n'ya sa akin. "Don't leave me here."

"I have to go, miss. Nag-aantay sa akin ang kaibigan ko." Hinawakan ko ang pulso n'ya at inalis ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko pero nagulat ako nang itulak n'ya ako dahilan para tumama ang likuran ko sa pinto ng cubicle.

"I'll let you go after you are done pleasuring me."

Bago pa man lumapat ang labi n'ya sa labi ko ay bigla na lang lumipad ang pinto ng banyo sa tabi namin. Nawasak iyon sa lakas nang pagtalsik nito at pagtama sa pader. Narinig ko ang tunog ng takong na papasok sa loob, mayamaya pa ay tumayo sa harap namin si Fana na masama ang tingin sa aming dalawa ng babae.

"This restroom is not a motel! Kung gusto n'yong magbalyahan na dalawa ay huwag dito sa banyo at bar ko!" asik ni Fana.

"N-Nagkakamali k–"

"Sorry, Ms. Fana. We'll leave. Tara na, baby. Let's continue in my condo." pagputol sa akin ng babaing hindi na nga kagandahan, ang kapal pa ng mukha.

"N-No. I'm not coming with you." Binawi ko ang kamay ko sa kanya saka humarap kay Fana na hindi pa rin maipinta ang mukha.

"You rejected me dahil sa pangit mo lang pala ako ipapalit?!"

Here goes the p-word.

"Are you referring to me? How dare you?!" asik ng babae kay Fana. Mas lalong sumama ang mukha n'ya. "I have been your customer for years tapos gagan'tuhin mo lang ako?!"

"You are free not to comeback here, miss. Paki ko. Hindi ka kawalan sa bar ko."

"You b*tch!" Akmang susugurin na sana ng babae si Fana nang mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa. Sinalo ko ang pulso ng babae saka s'ya hinila palabas sa banyo.

Delikado ang buhay n'ya kay Fana. Baka mabali ng bampirang 'yon ang leeg n'ya kapag hindi s'ya tumigil.

"Go home. Lasing ka lang kaya gan'yan ka ka-aggressive," saad ko nang makalabas kami sa bar.

"No. I want to spend night with you. Come on. Malapit lang dito ang condo ko." Yumapos s'ya sa bewang ko na nagbigay kilabot sa akin. Humaplos din ang kamay n'ya sa dibdib ko kaya naman mas lalo akong kinilabutan lalo na nang tingalain n'ya ako.

Mukhang sinusubukan n'yang magpa-cute sa akin pero walang cute sa mukha n'ya.

Mabilis ko s'yang inilayo sa akin. Pumara ako ng taxi saka s'ya pinagtulakan sa loob hanggang sa mawala s'ya sa paningin ko.

Si kuyang taxi driver na lang ang landiin n'ya.

"WHERE have you been?" usisa ni Ryder nang balikan ko s'ya sa mesa namin. May kayakap s'yang dalawang babae sa magkabilang gilid n'ya habang hinahalikan s'ya nito sa leeg.

Imbis na sagutin s'ya ay ininom ko na lang ang beer ko.

Iniisip ko kung pupunahan ko sa rooftop si Fana. Baka sakaling nandoon s'ya. Nang balikan ko kasi s'ya kanina sa banyo ay wala na s'ya 'ron. Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero kinakastigo ko ang sarili ko kung bakit ko gagawin 'yon, 'e wala naman kami para paliwanagan ko s'ya sa mga nakita n'ya kanina.

"Reiner, sino sa dalawang 'to ang gusto mong magpapainit sa'yo sa gabing 'to? Pili ka na ng isa," pahayag ni Ryder na para bang pipili lang ako ng putahe sa menu.

"You can have them both," walang gana kong sagot sa kanya.

"What's the problem? Bumalik ka lang galing banyo, gan'yan na kalukot ang mukha," puna ni Ryder.

Nang maubos ko ang beer sa baso ko ay doon na ako tuluyang nakapag-desisyon. I want to see her and explain everything from her. Baka bigla na naman s'yang pumuslit sa kwarto ko at gilitan ako.

Ayokong mangyari 'yon.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tanong ni Ryder pero hindi ko s'ya pinansin at dire-diretso na lang na lumabas ng bar.

Tinungo ko ang hagdan papuntang rooftop pero bago pa man ako tuluyang makaakyat ay may lalaki nang humarang sa harap ko.

"Si Fana ba ang pakay mo?" tanong sa akin ng lalaki.

Napaubo ako ng bigla n'yang ibuga sa mukha ko ang usok ng sigarilyo n'ya.

"Sorry bro, pero hindi kita pweding paakyatin. She's not in a mood," dagdag n'ya na tuluyang nagpasalubong ng mga kilay ko.

Spokeperson ba s'ya ni Fana?

"I really need to talk to her. Kung iniisip mong may gagawin akong masama sa kanya ay doon ka nagkakamali."

"Nope. Kabaliktaran nun ang iniisip ko. I'm afraid that she might kill you. Katulad ng sinabi ko, wala s'ya sa mo–"

Isang malakas na pagkasira ng kung anong bagay ang pumutol sa sinasabi ng lalaking kaharap ko mula sa rooftop cabin ni Fana. Mayamaya pa ay isang sigaw at iyak ang pinakawalan ni Fana.

Dahil ba 'to sa nangyari kanina?

"I told you."

"S-She won't hurt me."

"Hahaha. At paano ka naman nakakasigurado?" tanong ng lalaki sa akin. "Look, kung kailangan mo talaga s'yang makausap nang masinsinan ay mas makakabuting bumalik na lang next week or...hmm, next month. Baka next month malinaw na ang kaisipan n'ya."

"Next month?"

"Yeah. She will not be okay for days, months...or years. She's grieving right now."

"Grieving?"

Mukhang mali ako nang hinala. Hindi patungkol sa akin ang dahilan kung bakit galit at umiiyak ito ngayon. Isang sigaw na naman ang narinig namin mula sa cabin.

"It's impossible for you to talk to her today, mortal. Kung gusto mo ay ia-update na lang kita kapag naging okay na s'ya."

"Who are you?"

"I'm Tobias Guerero but you can call me Toby." Nakangiti n'yang inilahad sa harap ko ang kamay ko kaya naman tinaggap ko iyon. "Interesting," usal n'ya. Mas lalong lumawak ang ngisi n'ya na ipinagtaka ko.

Kaagad kong binawi sa kanya ang kamay ko dahil sa paghigpit ng hawak n'ya sa akin.

"I'll come back tomorrow."

"Magsasayang ka lang ng oras mo, mortal. She will be not here tomorrow."

"Kaano-ano mo si Fana at para bang kilang-kilala mo s'ya?" tanong ko kay Toby.

"We're bestfriend," sagot n'ya. "Are you jealous?"

"I'll comeback tomorrow," pag-uulit ko bago s'ya talikuran.

Bestfriend?

I doubt it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status