Share

Chapter 4 : Insane

"Toy?" pagak akong napatawa.

"Yes. You heard me right, baby." mapang-akit na saad ni Fana na nagpataas ng mga balahibo ko.

Baby? What hell?

"Wait, saan ka pupunta?"

"Uuwi na," sagot ko. "And I don't want to be your toy. Hindi porket mas mahina kaming mga mortal sa inyong mga bampira ay magagawa n'yo na ang gusto n'yong gawin sa amin. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang dinidiktahan ang galaw at mga desisyon ko," pahayag ko.

Lalabas na sana ako nang may malakas na kamay ang humatak sa braso ko. Napaubo at napadaing sa sakit ng tumama ang likuran ko sa malamig na pader.

"At ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang tinatanggihan ako." Tiim-bagang na pahayag ni Fana habang nanlilisik ang mga mata n'yang nakatitig sa akin pero unti-unti ring lumambot ang ekspresyon n'ya nang mapansin siguro nito ang pagngiwi ko dahil sa sakit.

"Ang tigas kasi ng ulo mo." Halos pabulong na saad n'ya. Kasalanan ko pa ngayon?

Wala sa sariling napalunok ako ng laway ng idiin n'ya ang katawan n'ya sa akin saka n'ya pinagdikit ang mga labi naming dalawa. Akala ko ay magiging mapusok na naman ang mga halik n'ya pero mabagal lang iyon at marahan na para bang ayaw n'yang mas lumala pa ang sugat sa gilid ng labi ko.

"I don't take no for an answer."

Mas lalong nag-init ang katawan ko nang maramdaman ko ang mayayaman n'yang dibdib na dumidiin sa katawan ko.

F*ck! F*ck! F*ck!

"I'll give you time to think, pero katulad ng sinabi ko ay hindi ako pumapayag na tanggihan mo ako. Pag-isipan mo kung babalik ka sa akin dahil kung hindi, ako ang pupunta sa'yo."

Ang hilig n'ya talagang manakot! Now, I hate vampires.

***

"BOOKS again." Napaangat ako nang tingin ng marinig ang boses ni Ryder. My manwhore bestfriend. Hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan kaming dalawa sa kabila ng pagiging magkaiba namin sa lahat ng bagay. He's a party guy who loves flirting and f*cking while I'm an introvert who enjoyed my books. In short, I'm a nerd.

"You should also review a**hole. Pre-final exam natin ngayon kay Ms. Thana. Did you forget?" pahayag ko habang nakapako pa rin sa libro ang tingin ko.

"Oww," usal nito na nagpasalubong ng mga kilay ko. Iniangat ko ang tingin sa kanya at napangiwi ako ng makitang nakangisi s'ya na parang timang.

"Anong 'oww'?"

Minsan iniisip ko kung naka-drugs ba 'tong kaibigan ko but I'm sure he's not. He may be a scumbag but he's clean. I know that for sure.

"Naalala ko lang ang magandang mukha ni Thana."

"Thana? Ms. Thana. She's our professor and she's 7 years older than you," paalala ko sa kanya in case na nakakalimutan n'ya.

Simula ng maging professor namin si Ms. Thana nung junior year sa college ay patay na patay na si Ryder sa kanya. For Ryder, Ms. Thana is pretty, sexy, and hot behind her thick eyeglasses and baggy clothes.

"Stop obsessing over her."

"Well, I'm trying. I get myself laid to forget her but... it's useless."

"Ang sabihin mo ay na cha-challenge ka sa kanya. Alam ko kung gaano kadali para sa'yo na makuha ang babaing gusto mo pero naiiba si Ms. Thana. She keeps rejecting and knocking your ego down," pahayag ko.

"Damn! I hate you bro." Ryder frown.

"So, tama ako?"

"Yes. She's a challenge pero para sa akin ay wala s'yang pinagkaiba sa mga babae ko. She's not that special. I just want her virginity and her body underneath me."

"A**hole. She's our goddamn professor at paano mo naman n-nasabing...ahm...v—."

"Virgin s'ya? I know when I see one."

"Spare her."

"Not gonna happen. Nga pala, kelan mo balak mag-girlfriend?"

"Study first," sagot ko na mahinang ikinamura ni Ryder. Sa tuwing itinatanong n'ya 'yon sa akin ay parehas lang lagi ang nagiging sagot ko at mura n'ya naman ang natatanggap ko.

"Kung hindi lang kita kilala ay baka inisip ko ng bakla ka." Napapailing na lang na pahayag ni Ryder.

"I'm not gay," walang gana kong depensa sa kanya.

"I know but you should get laid sometimes."

Bad influence si Ryder pero hindi ako mabilis ma-impluwensyahan kaya ayos lang kahit araw-araw n'yang sabihin ang bagay na 'yon sa akin.

"Let's go to the Vamp's Club after the exam. Matagal ko ka ring hindi nasisilayan ang sexy na owner ng club na 'yon."

"F-Fana?"

"Yes. That's right. How'd you know her?" tanong ni Ryder.

"Narinig ko lang d'yan sa tabi-tabi ang pangalan n'ya," pagsisinungaling ko. "Naikama mo na rin ba ang babaing 'yon?" tanong ko kay Ryder. Suki ng mga night club at babae si Ryder kaya may posibilidad na nagawa n'ya na rin 'yon kay Fana.

Kung kayang i-offer ni Fana ang katawan n'ya sa akin ay siguradong ginawa n'ya rin 'yon sa iba. Fana is very beautiful and seductive. Walang lalaki ang tatanggi sa kanya, well, except for me. Hindi malulugi si Fana kung hindi lang ako ang in-offer-an n'yang maging laruan n'ya sa kama. I'm sure marami pang lalaki ang kakagat sa gusto n'ya.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang ginawa n'yang paghalik sa akin. It's been 2 days since I last saw her.

Nakahanap na kaya s'ya ng ipapalit n'ya sa akin?

"No. She's alluring but she's out of my league. For her, business is business. Kahit marami sa mga customer n'ya ang gusto s'yang ikama ay hindi n'ya ito pinapatulan," sagot ni Ryder.

Hindi ko alam kung bakit nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ryder. Siguro ay dahil ayoko lang na ma-involve kami sa isang babae.

"Sigurado ka bang aloof ang babaing 'yon sa mga lalaki?"

She a pervert, an intruder and Adam's snake. In short, she's a walking sin.

"She may looked like an elegant slut but don't judge the book by it's cover," saad ni Ryder. "Wala lang, gusto ko lang gamitin 'yon qoute na 'yon. Baka lang magmukha akong brainy magsalita." dagdag n'ya na nagpaikot ng mga mata ko. "Ow sh*t! My angel!"

Sinundan ko nang tingin si Ryder nang bigla na lang s'yang tumakbo. Nilapitan ni si Ms. Thana. Sigurado akong kukulitin n'ya na naman ang inosenting propesor namin. Demonyo talaga ang kaibigan kong 'yon.

Inayos ko ang suot kong eyeglasses at muling ibibalik ang atensyon ko sa pagre-review. Last class at exam ko na ngayong araw na 'to ang subject ni Ms. Thana kaya makakapagpahinga na ako sa mga susunod na araw.

***

"SHE rejected me again." Bagsak ang mga balikat na sabi ni Ryder. Hindi ko s'ya pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad. Parang alam ko na ang susunod na sasabihin ng lalaking 'to sa akin. "Hey, wait for me."

Inalis ko ang pagkakaakbay n'ya sa akin.

"Bro, samahan mo ako sa Vamp's Club. Kailangan ko ang support mo habang nagpapakalasing ako."

"I can't."

"Come on. Magtatampo na ako, lagi mo na lang akong tinatanggihan kapag niyaya kita. Dapat nga ay mas lagi tayong nagba-bonding dahil aalis ka na pagkatapos ng graduation. I will miss you bro. I will miss you."

Yumakap sa akin si Ryder kaya naman pinilit kong ilayo s'ya sa akin. "Ano ba! Lumayo ka nga sa akin. Pinagtitinginan na tayo."

"Pumayag ka muna. Ahmp." Bumusangot s'ya na parang bata na nagbigay kilabot sa akin. Nakakadiri s'ya.

"I knew it! You two are gay!"

Nabaling ang tingin namin ni Ryder sa lalaking nagsalita. No other than Greg. S'ya ang bully ko simula elementary at rival ni Ryder sa pagiging heartthrob at famous sa school.

"Well. Well. Well. Nakabalik ka na pala. So how's your knee? Gusto mo bang ang isang tuhod mo naman ang baliin ko ngayon?" mayabang na tanong ni Ryder kay Greg.

Last month nang mag-away ang dalawa sa parking lot ng isang casino dahil sa isang babae. Na-fracture ang tuhod ni Greg sa pakikipag-wrestling kay Ryder kaya halos isang buwan din s'yang wala sa school. Ngayong nagbalik ang lalaking 'to ay siguradong hindi na naman matatahimik ang natitirang buwan ng college life ko.

"Ang sarap mong bangasan."

"Come on. Try me a**hole," hamon ni Ryder sa lalaki. Akmang iaangat na sana ninGreg ang kamao n'ya nang biglang magsalita si Ms. Thana.

"What's going on here?" malumanay na tanong ni Ms. Thana. S'ya ang literal na anghel na nagpawala sa tensyon sa pagitan ng dalawa. No wonder Ryder is head over heel on her.

"Hi Thana," magiliw na bati ni Ryder sa babae. Malandi talaga kahit kelan. Napailing na lang ako sa isip ko.

"Mr. Detera, come to the faculty office now. Kailangan mong mag-take ng exam para makahabol ko sa subject ko," baling ni Ms. Thana kay Greg.

Mukhang na double kill ang puso ni Ryder ng hindi s'ya pansin ng propesor namin. Bago sumunod si Greg kay Ms. Thana ay sinamaan n'ya muna kami ng tingin ni Ryder.

"Gago! Sosolohin n'ya ang Thana ko!"

"Sa faculty room sila pupunta kaya imposible ang sinasabi mo. Tara na. Pumunta na lang tayo ng bar."

"Payag ka na?"

"Oo. Bakit parang hindi ka masaya?"

"My angel just ignored me a while ago. Hindi mo ba napansin?"

Talaga bang na cha-challenge lang s'ya kay Ms.Thana o may iba pang dahilan kung bakit obssess na obssess s'ya rito?

Alas-sais pa lang pero punuan na kaagad ang bar na pagmamay-ari ni Fana. Hindi ko mapigilang ilibot ang tingin ko sa loob para hanapin s'ya. Gusto kong pektusan ang sarili ko sa ginagawa ko pero may bumubulong sa aking hanapin ang bampira na iyon.

She's a vampire goddamn it! Imbis na iwasan s'ya ay nandito ako ngayon sa bar n'ya at hinahanap s'ya.

I'm insane.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status