Share

Chapter 3 : Her Condition

REINER

I met a real life vampire. Sinampal ko ang sarili ko para ibalik sa tamang katinuan ang sarili ko. Bampira ba talaga s'ya? Well, she jump out of my window at walang normal na babae ang makaka-survive 'don depende na lang kung pinagkalooban ka ng kakaibang kapangyarihan.

She's a vampire. Her eyes and her ability says it all. But wait, hindi ko pa nakikita ang pangil n'ya. Maniniwala lang ako kung makikita ko ang pangil n'ya.

"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni mama nang ipatong n'ya sa harap ko ang gatas na tinimpla n'ya para sa akin.

"Mom, I'm not a kid anymore. Bakit gatas?"

"Anak, mas masustansya 'yan kesa sa kape."

Napabuntonghininga na lang ako. Kung makikipagtalo pa ako kay mama ay baka mapunta na naman ang sermon n'ya simula nang iluwal n'ya ako hanggang sa kasalukuyang hinanaing n'ya sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang inumin ang gatas na nasa harapan ko. Yum–uckkk!

"Son, are you sure you don't want to come with me?" tanong ni mama sa akin. She will be flyigng next week to state. Doon n'ya napiling gugulin ang retirement n'ya.

"I have studies ma. Bibisitahin na lang kita 'ron kapag bakasyon ko na."

"Pwede ka naman mag-transfer na lang 'don anak. Maraming magagandang university sa state."

"Ma, we talked about this. Dito ko gustong tapusin ang pag-aaral ko. Isang taon na lang naman."

"I know, I know. Basta kapag naka-graduate ka na rito ay lilipat kang state kasama ko."

"And that's my promise to you."

"Yes, and promise always disappoint me at the end."

"Ibahin mo ako ma. I'm your son and I will surely make that happen."

"Thank you son." Lumapit sa akin si mama at yinakap ako.

Hinalikan ko ang ulo n'ya at ginantihan s'ya nang mahigpit na yakap. Simula nang mamatay si papa at kuya Rein 5 years ago ay kami ni mama ang naging magkatuwang sa lahat. Ito ang unang beses na magkakahiwalay kami kaya naman hindi ko rin mapigilang malungkot habang papalapit nang papalapit ang araw ng pag-alis n'ya.

Night came so fast. Kabado ako at hindi makapag-isip nang maayos. Magkahalong kaba at takot ang sumasakop ngayon sa dibdib ko. Kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na hindi bampira ang babaing 'yon at hindi n'ya ako magagawang saktan ay nagtatalo pa rin ang isip ko.

Should I go?

Paano kung bigla na lang s'yang pumuslit ulit sa kwarto ko at gawin ang plano n'yang pag-ubos sa dugo ko?

Nagsisisi na tuloy akong tinulungan ko pa s'ya.

Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at dinial ang phone number ng kaibigan kong si Ryder.

"Aaahhhhh!" Napangiwi ako nang marinig ang mahabang ungol ng isang babae sa kabilang linya.

"B-Bro."

"T*ngina! May ikinakama ka na naman."

"Hahaha. So, bakit ka napatawag?"

"Nevermind. Mukhang busy ka."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ryder at pinatayan na s'ya ng tawag. Gusto ko sana s'yang yayain sa bar ni Fana para may witness ako kung sakali mang mamatay ako ngayong gabing 'to. Sh*t 'wag naman sana.

In the end, I decided to go to the bar. My guts telling me that I should go kaya sinunod ko na lang ito.

Narinig ko kaagad ang malakas na tugtugan na nagmumula sa loob ng bar pagkababa ko sa taxi. Now I'm having a second thoughts. Parang gustong mag-backout ng mga paa ko pero sayang naman ang effort ko kung aatras pa ako ngayon.

Pagpasok ko sa bar ay langhap na langhaap ko ang magkahalong amoy ng yosi at alak. Makikita ang sa mukha ng ilan ang kalasingan at kasiyahan habang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan o estranghero na ngayon lang nila nakilala. Some are flirting pero may ilan din na mapaghahalataang mag-jowa talaga.

"S-S-Sorry," saad ng babae nang mabungo n'ya ako. Kaagad ko s'yang hinawakan sa magkabila n'yang braso nang muntik na s'yang matumba. Lasing na lasing na s'ya. Wala ba s'yang kasama rito? Ayoko namang iwanan n'ya kung saan at baka may mangyari pang masama sa kanya.

"Miss, nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ko sa babae. Itinuro n'ya ang isang direskyon kaya naman inalalayan ko s'ya papunta sa kung nasaan man ang mga kaibigan n'ya pero nakakailang hakbang palang kaming dalawa nang may humablot sa balikat ko. Nang lingunin ko s'ya ay isang malakas na suntok ang ibinigaay n'ya sa kaliwa kong mata.

"P*tangina ka! Saan mo dadalhin ang girlfriend ko!" asik nang lalaking nanuntok sa akin. Hinablot n'ya ang kwelyo ko at muli akong binigyan ng suntok sa mukha. Bumagsak ako sa sahig dahil sa ginawa n'yang 'yon.

"Woahhh yes! Break his limbs bro!" sulsol ng isang lalaki.

"N-Nagkakamali ka. Tinutulu–" Bago ko pa man matapos ang sanang sasabihin ko ay isang malakas na sipa na ang tumaama sa tiyan ko dahilan para mas lalo akong mamilipit sa sakit.

Ang dami ng tao sa loob ng bar na 'to pero wala man lang isa na umawat sa kanya. This place is hell.

"Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko. Sisiguraduhin kong basag ang mukha mo paglabas mo sa bar na 'to," asik ng lalaki.

"At sisiguraduhin kong bali ang spinal cord mo at lumpo ka paglabas sa bar ko," sagot sa kanya ng isang babae. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin dahil sa pamilyar na boses na iyon.

Si Fana.

Nakita ko kung paano n'ya dahan-dahang iangat ang katawan ng lalaking sa ere gamit lang ang isa n'yang kamay. May ilan nang kumukuha ng litrato sa kanya kaya naman pinigilan ko kaagad si Fana bago pa s'ya tuluyang mag-viral sa social media.

***

"DON'T get me wrong. Hindi ibigsabihin na pumunta ako rito ay pumapayag na akong maging laruan mo," depensa ko habang abala pa rin si Fana sa paggamot sa mga sugat ko. "Ano ba." sita ko kay Fana nang iangat n'ya ang suot kong hoody jacket.

"Lalagyan ko ng oitment ang tiyan mo. Take off your jacket," utos n'ya sa akin. "Please," dugtong n'ya na nagpakunot ng noo ko. Akalain mo 'yon, marunong din palang makiusap ang bampirang 'to.

"Ako na ang ang maglalakay ang oitment. I can do it myself." Pagmamatigas ko pero mukhang hindi magpapatalo ang babaing 'to. I'm sure na may masama s'yang balak sa akin.

Kahit anong ekspresyon pa ang ipakita ng mukha n'ya ay hindi nun maaalis ang pagnanasa sa mga mata n'ya. She's a walking sin. The lust in her eyes is evident.

"Yup. Lust is my sin," pahayag n'ya.

Did she just read my mind?

"I did'nt read them, I heard you. Naririnig ko ang mga sinasabi ng utak mo." saad n'ya na nagpabilog ng mga mata ko.

P-Paaanong...

"I told you I'm a vampire."

"Kung ganun ay nasaan ang mga pangil mo?"

"Ayoko silang ilabas. Baka matakot ka at layuan mo pa lalo ako."

"Maniniwala lang ako kung ilalabas mo ang mga pangil mo."

"Hindi pa ba sapat na ebidensya ang pagtalon ko sa bintana mo at pakikinig sa sinasabi ng utak mo? Ahh. Idagdag pa pala ang mga mata kong nakita mo na kahapon."

"I want to see your fangs," pagmamatigas ko pero imbis na pansinin ang sinabi ko ay muli n'ya na namang iniangat ang suot ko.

"Pervert."

"I know. Now, take off your hoody dahil kung hindi ay pangalawa na 'yan sa pupunitin kong damit mo," pagbabanta n'ya. Isa ang hoody na 'to sa paborito kong suotin kaya hindi ako makakapayag na sirain n'ya 'to.

I glared at her before removing my cloth. Nakakainis! Subukan n'ya lang na manyakan ako at sisiguraduhin kong ipagkakalat ko ang sekreto n'ya...well, kung hindi pa ako patay.

May kinuha s'ya sa first aid n'ya na oitment at inilagay 'yon sa kamay n'ya. Pinagkiskis n'ya ang dalawa n'yang palad bago n'ya iyon idampi sa tiyan ko. Sobrang lamig nang kamay n'ya pero bakit nagagawa n'yang painitin ang katawan ko.

Sh*t! She's making me horny.

Binatukan ko ang sarili ko para pigilan ang utak ko na mag-isip ng mga kung ano-ano. Baka mabasa n'ya na naman ang iniisip ko.

"Too late, I heard you." Nakangising pahayag ni Fana habang kagat-kagat ang kanyang ibabang labi. Umusog s'ya papalapit sa akin kaya naman umatras ang pwet ko palayo sa kanya. Naramdaman ko na lang na nasa dulo na ako ng sofa at wala nang iaatras pa.

Napalunok ako nang haw*kan ni Fana ang pisngi ko. Isang maling galaw ko lang ay siguradong lalapat ang mga labi naming dal'w*.

"I love the smell of your blood." Inamoy n'ya ang mukha ko or should I say ang dugo sa mga sugat ko. "I'm not a big fan of human blood, pero dahil sa'yo ay unti-unting nagbago ang panlasa at pang-amoy ko sa dugo ng tao."

Tumindig ang mga balahibo ko nang lumapat ang dila n'ya sa panga ko at  dilaan ako. Mula sa panga ko ay labi na n'ya naman ang naglakbay papunta sa leeg ko.

"May bahid ng dugo, nilinis ko lang," saad n'ya.

"M-manyak."

"Pero ginusto mo rin naman."

"No. I don't," giit ko.

"Yes you do. Hindi man galing sa labi at utak mo ay sigurado akong nagustuhan ng katawan mo ang ginawa ko," giit n'ya habang inaaayos ang mga nagkalat na bulak at basura sa center table n'ya. "Nga pala, you'll be my toy starting today."

This girl is giving me a headache.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status