Share

Chapter 2 : The Boy

PRESENT

He's so warm. Gusto ko ang init nang katawan n'ya at ang init na ibinibigay n'ya sa akin. I want him. I want to touch him now.

"T-Teka lang miss." Hinuli n'ya ang kamay ko bago pa man ito pumasok ko sa loob ng boxer n'ya.

"Ayaw mo ba?" kunot-noong tanong ko kay Reiner. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple n'ya kaya naman lihim akong napangisi dahil alam kong may epekto ako sa kanya.

"I-I don't even know you. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok rito sa kwarto ko. Kapag nalaman ni mama na may babae rito ay siguradong gugulpihin n'ya ako. Sorry, but you have to leave miss. Okay ka naman na diba?"

"I'm Fana and I'm a vampire." Walang pag-aalinlangan kong pakilala sa kanya. "Ayan, magkakilala na tayo." Pinunit ko ang suot n'yang t-shirt na ikinagulat n'ya. Bago ko pa man s'ya muling mahalikan ay naitulak n'ya ako nang malakas bago takpan ng kumot ang buo n'yang katawan.

I'm 100% sure that his still a virgin. Interesting.

"Nababaliw ka na ba?!" asik n'ya. "Pwede bang umalis ka na. Tresspassing 'tong ginagawa mo."

Ouch!

Maraming lalaki ang nakapila para maikama ako tapos papalayasin n'ya lang ako? Ang lakas ng loob ng mortal na 'to! Kahit kailan ay walang lalaki ang umayaw sa tukso na dala ko but for the first time in my life, s'ya lang itong tumanggi at nagtaboy sa akin.

"Huh? Bampira raw," narinig kong bulong n'ya habang hawak ang kanyang ulo at nakayuko.

"I'm telling the truth."

Ginamit ko ang lakas ko para muli s'yang ibagsak sa kama at pumaibabaw sa kanya. "Hindi pa ba sapat na patunay ang mga mata ko?" tanong ko sa kanya.

"G-Get o-off me! Hindi ako makahinga."

Opps. Nasobrahan ata ako sa pagdiin sa dibdib n'ya.

"What do you want from me? Bakit ka ba talaga pumunta rito?" Masama ang tinging n'ya sa akin. Mukhang napupuno na s'ya sa pagiging persistent and stubborn ko.

"I want you," sagot ko na mas lalong nagpasalubong nang makakapal n'yang kilay. "I want you to be my toy," dagdag ko pa.

"T-Toy? Laruan lang ba ang tingin mo sa aming mga lalaki?"

"You can say that."

"Tsk. Dapat pala ay hinayaan na lang kita sa kamay ng lalaking 'yon. Sigurado naman akong magi-enjoy ka na magpagamit sa kanya." pahayag ni Reiner na nagbigay kirot sa dibdib ko.

Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya at naupo sa gilid ng kama habang nakatanaw sa kalahating buwan.

"I'll wait for you tomorrow at my bar. Kapag hindi ka pumunta ay uubusin ko ang dugo mo hanggang sa huling patak nito. Mark my word, Reiner," seryosong saad ko.

Tumayo ako at binuksan ang bintana ng kwarto n'ya saka ako tumalon. I can't fly but I have a strong legs to survive the impact when I fall to the ground. Nasa pangatlong palapag ang kwarto ni Reiner kaya sisiw lang ito para sa akin.

***

"NAPADALAW ka Fana?" tanong sa akin ni Rosalie. She's my mortal bestfriend. 70 years na kaming magkaibigan na dalawa at sa mga nagdaan na taon ay nasaksihan ko lahat ng mga napagdaan ni Rosalie sa buhay. She's the stongest woman I know. Malulungkot talaga ako ng sobra kapag nawala s'ya.

"I just miss you," nakangiti kong sagot saka ko itinulak ang wheelchair na kinauupuan n'ya. Hindi na s'ya makapaglakad dahil sa katandaan n'ya. Kung hindi ang anak n'yang si Thana ang nakabantay sa kanya ay meron din naman s'yang sariling caregiver na nag-aalaga sa kanya.

"Miss me? Sus! Alam ko namang may gumugulo na naman d'yan sa isip mo at nandito ka para maglabas ng hinanaing sa akin. You can't fool me my friend."

"Kilalang-kilala mo talaga ako. Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag nawala ka?" tanong ko kay Rosalie habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Rosalie is 80 years old. Ramdam ko ang unti-unting panghihina ng tibok ng puso n'ya at alam kong hindi na magtatagal ang buhay n'ya. My heart is breaking for her.

"Fana, 'wag mong ituring na parang laro ang buhay at laruan ang mga lalaking nakikilala mo."

Here we go again. Ang payo ni lola Rosalie. Well, isa 'to sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang babaing 'to. She wanted the best for me. Ako lang talaga itong matigas ang ulo.

"Sa tingin ko ay oras na para maghanap ka ng taong magiging katuwang mo. You have witness my life. Nakita mo ang pagmamahalan namin ni William. We were so happy. Kahit pa may mga problema na sumubok sa aming dalawa ay magkahawak kamay pa rin kami na hinarap ang lahat ng 'yon."

"I'm a vampire Rosalie. Ayokong ibigay ang puso ko sa taong mamatay din sa huli."

"Mamamatay na ako pero kahit isang beses ay hindi pa kita nakitang nag-seryoso sa isang lalaki."

"Marami akong lalaki," pagmamalaki ko.

"Oo pero nagkaroon ka ba ng pagtingin sa kanila?"

"Magaling sila sa kama."

"Jusko mahabagin."

"What?"

"Bago ako mamaalam sa mundong ibabaw ay gusto kong makita kang masaya Fana. Iyon ang gabi-gabi kong ipinagdarasal sa Diyos at sana'y masaksihan ko 'yon."

"D-Don't say that. Hindi ka pa mamamatay."

"Hahaha. Don't worry. Hindi pa ako aalis pero magiging masaya ako kung magagawa mo ang last wish ko. I want you to fall in love. Hindi 'yong hanggang kama lang kayo kundi 'yong may kahulugang pagmamahalan."

"It's not that easy Rosalie. 'Ni hindi ko nga alam kung ano ang pakiramdam ng ma-in love at kung paano masasabing in love ako sa specific na lalaking 'yon."

"Ayokong mag-explain. Mag-research ka na lang sa g****e Fana." natatawang pahayag ni Rosalie.

"Ewan ko sa'yo."

"Kapag may naramdaman kang kakaiba sa dibdib mo na bago para sa'yo ay 'yon na iyon Fana."

Mabilis akong napatigil sa paglalakad nang maalala ang nangyari sa amin ni Reiner. I just remember the first time I feel those tingling sensation in my chest. How my heartbeat throbbed so fast. Akala ko nga ay magma-malfunction ng mga oras na 'yon ang puso ko.

"May problema ba Fana?" tanong ni Rosalie nang iangat n'ya ang tingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at umiling bilang sagot.

"SINO ba ang hinihintay mo? Humahaba na ang leeg mo sa ginagawa mo," natatawang pahayag ni Toby, isa sa mga bartender ko. Just like me, he's also a pure blood vampire.

"Magtrabaho ka na nga lang 'd'yan," inis na saad ko. "Don't mind me," dugtong ko pa habang nililibot ang tingin sa buong paligid pero mas naka-focus ang atensyon ko sa entrance ng bar.

Tatlong oras na ang nakalipas nang magbukas ang bar ko at kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Reiner.

Did he ghost me?

Malilintikan talaga s'ya sa akin mamaya kapag hindi s'ya nagpakita ngayon.

"Woahhh yes! Break his limbs bro!" sigaw ng isang lalaki na umagaw sa atensyon ko.

"What's happening?" tanong ko kay Melissa na isa sa mga lady bouncer ko.

"May binubugbog na naman ang grupo nina Mateo," sagot n'ya. Malalaki ang hakbang n'yang tinungo ang nangyayaring gulo kaya sumunod ako sa kanya.

"Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko. Sisiguraduhin kong basag ang mukha mo paglabas mo sa bar na 'to."

"At sisiguraduhin kong bali ang spinal cord mo at lumpo ka paglabas sa bar ko," pahayag ko dahilan para mapatingin sa akin lahat ng mga taong nakapalibot sa amin.

Naglakad ako papalapit kay Reiner at tinulungan s'yang makatayo. Nakapikit na ang isa n'yang mata dahil sa bugbog samantalang may mga galos at pasa naman s'ya sa ibang bahagi ng mukha n'ya.

"Does it hurt?" tanong ko kay Reiner habang maingat na hinahaplos ang pisngi n'ya.

"F-Fana," tawag sa akin ni Mateo. Isa s'ya sa mga loyal customer ko rito sa bar pero nitong mga nakaraang buwan ay parating gulo na ang dala n'ya rito at hindi na ako nakakatuwa.

"Do you know this loser?" tanong n'ya na nagpakuyom ng mga kamao ko.

"You're the loser here scumbag. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? At sa bar ko pa talaga."

"Baby, he started it. Nilalandi n'ya ang girlfriend ko," giit n'ya na nagpataas ng kilay ko. Lumapit ako kay Mateo at kinuwelyuhan s'ya. Napatingkayad s'ya at napakapit sa braso ko dahil sa higpit nang pagkakahawak ko sa kanya.

"Don't call me baby. Gusto mo bang suntukin 'yang adams apple mo?"

"E-Easy baby. Bakit ba ang init ng ulo mo?"

"I said don't call me baby." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kwelyo n'ya dahilan para mas lalo pa s'yang masakal.

"I-I can't breath." reklamo n'ya.

"That's my plan."

"Fana, stop," sita sa akin ni Reiner kaya naman kaagad kong binitawan si Mateo pero bago ko talikuran ang tukmol ay sinikmuraan ko muna s'ya at tinuhod sa precious junior n'ya.

"Let's go." Hinawakan ko ang kamay ni Reiner at hinila s'ya palabas ng bar. Dinala ko s'ya sa place ko at sinimulang gamutin ang mga sugat n'ya.

"Did you really flirt with his girlfriend?" tanong ko habang nilalagyan ng band aid ang mga sugat n'ya.

"N-No. Why would I do that. 'Ni hindi nga ako marunong humalik," depensa n'ya.

Muli na naman akong napatitig sa mukha n'ya. Thinking about it now, bakit nga ba ako nakinig sa mortal na 'to kanina? Walang sino man ang nakakapag-utos sa akin sa ilang daan kong pamumuhay sa mundo ng mga tao...for the first time, s'ya lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status