Share

Chapter 1 : The Vampire

FANA

24 HOURS EARLIER

Hindi naka-base sa dugo ng tao ang pagiging immortal naming mga vampira, it's in our veins and blood. Kahit uminom ako ng dugo ng hayop sa ilang libong taon kung pamumuhay sa mundong 'to ay wala 'yong magiging masamang epekto sa katawan ko. Basta busog ako ay solve na ako.

Simula nang mapalayas ako isang libong taon na ang nakakalipas sa teritoryo ng angkan ko ay nanirahan na ako kasama ng mga tao sa ciudad. Masyadong magulo ang buhay naming mga bampira lalo na kapag magkakasama kami sa iisang lugar kaya naman blessing in disguise ang ginawa nilang pagpapalayas sa akin.

"Oh sh*t! Those tits are amazing," Papuri sa akin ng isang lalaki nang dumaan ako sa harap ng mesa nilang magbabarkada.

Sa isang libong taon kong pamumuhay bilang isang mortal ay may naipundar na ako para sa sarili ko. I owned a bar in a city at walang gabi na hindi dinadagsa ang pinasok kong negosyo.

I love the noise, the crowd and the hotties who are eyeing me right now. Marami sila and I love the attention. Sa tingin ko ay isa na rin ako sa mga dahilan kung bakit sila pumupunta rito sa bar ko. They wanted to see me. Naghihintay sila ng opportunidad na makuha ang katawan ko at naikama ako.

Haist! Ang hirap maging sexy at maganda.

"Fana," tawag sa akin ni Dante.

He's an engineer. Gabi-gabi s'yang nandidito sa bar para magpapansin sa akin. He likes me. Hindi n'ya man 'yon sabihin sa akin ay halata naman 'yon sa mga ikinikilos n'ya. He's hot, handsome and always horny for me pero bagsak para sa akin ang attitude ng isang 'to kaya naman hindi ko s'ya pinapatulan.

"Beer?" tanong ko sa kanya.

"Can I talk to you? May gusto lang sana akong sabihin sa'yo."

"Sure," sagot ko. Weird. He seems down. Mukhang may problema ang lalaking 'to. Sinundan ko s'ya hanggang sa makalabas kami sa bar at makarating sa madilim na parte ng parking lot.

"Ano 'yon Dante?" tanong ko.

"Fana, I like you," pag-amin n'ya sa akin.

"I know," sagot ko.

Hindi na ako magugulat dahil matagal ko nang alam ang nararamdaman n'ya para sa akin. At isa pa, mukhang alam n'ya na rin na alam ko dahil walang bakas ng pagkagulat sa mukha n'ya.

"Nalaman ko lang kanina na may liver cancer ako and I'm scared to die Fana. I only have 6 months to live." Humagulgol s'ya sa harap ko kaya naman hindi ko mapigilang maawa sa kanya habang tinititigan s'ya.

Nagulat ako nang lumapit s'ya sa akin at yakapin ako nang mahigpit. Halatang laging naggi-gym si Dante dahil sa tigas ng pangangatawan n'ya.

"I'm sorry to hear about it," bulong ko habang tinatapik ang kanyang likuran.

"Fana, I have a favor to ask. We know each other for years at alam kong hindi na ako iba sa'yo."

"What is it?"

"Have s*x with me," pahayag n'ya.

"No!" Madiin kong pahayag.

Kaagad kong binuksan ang isip ko at ginamit ang pyschic ability ko para mabasa ang nasa isip n'ya. Itinaga ko sa bato na hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko. I suppressed and retained all of my ability for years to respect the human but this scumbag try to fool me.

Wala talaga s'yang liver cancer. Gusto n'ya lang idahilan 'yon para maangkin ang katawan ko. Nabasa ko ang sunod n'yang gagawin pero huli na ang ginawa kong paghakbang palayo sa kanya dahil mabilis n'yang naitusok ang syringe sa tagiliran ko.

Nagngitngit ang mga ngipin ko dahil sa matinding galit sa kanya. Ramdam ko ang dahan-dahan pamamanhid ng buo kong katawan. Kung ano man ang laman ng syringe na 'yon ay nagagawa nitong pamanhidin ang buo mong katawan idagdag pa ang kakaibang init na ibinigay nito sa akin.

"Y-You s-son of a b-b-b*tch." I hissed at him. I wanted to grab his neck and crash them with one hand but I don't have the energy to kill this f*cker.

I can remove the poison inside my body, pero hindi sapat ang lakas na meron ako para gawin pa iyon. Lumapit sa akin si Dante at sinalo ang katawan ko. Kapag nakawala ako sa kanya ay sisiguraduhin kong sa lamay n'ya ang sunod naming pagkikitang dalawa.

"Don't worry, masasaksihan mo ang gagawin ko sa'yo. Hindi ka mawawalan ng malay. Para ka lang lantang gulay sa kama ko habang tinitira kita. You can moaned because you'll feel my buddy f*cking you."

Naramdaman ko ang pagpisil n'ya sa dibdib ko kaya mas lalo akong nakaramdam nang matinding galit sa kanya. Diniinan ko ang pagkakakagat sa ibaba kong labi hanggang sa malasahan ko ang dugo sa nagawa kong sugat. Nanggigigil ang kalamnan ko sa bastardong 'to!

I'm a vampire and his just a mere mortal!

"Ahhhhhhh!" Palahaw ko. I may looked stupid and desperate vampire right now pero ito na lang ang naiisip kong paraan para mailigtas ang sarili ko laban sa taong 'to.

Someone. Please, help me!

"What are you going to do with her?" narinig kong tanong ng isang lalaki. Nakatayo s'ya sa dilim kaya naman hindi ko gaanong maaninag ang mukha n'ya.

"Mind your own business bro!" Binuhat ako ni Dante at naglakad palayo sa lalaki.

"H-Help," namamaos kong usal. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa matinding uhaw. I need blood. F*ck! I need blood.

Nakita kong may dinampot na kahoy ang lalaki sa tabi n'ya saka malalaki ang hakbang na lumapit sa likuran ni Dante. Hinampas n'ya ang likod ng ulo nito gamit ang kahoy na hawak n'ya dahilan para mabilis na mawalan ng malay ang siraulo.

"D-Did I kill him?"

"Sh*t!" I cursed when my body fall to the ground.

Para akong tuod na uod dahil hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko.

"Hala, sorry miss." Lumapit sa akin ang lalaki at inayos ang pagkakahiga ko.

What the hell?! Tititigan n'ya lang ba ako?

"C-Carry me," utos ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay n'ya nang hawakan ang katawan ko bago n'ya ako tuluyang buhatin.

Ilang taon na kaya ang lalaking 'to? He looks so young. Gustuhin ko man na basahin ang iniisip n'ya ngayon ay wala akong lakas para gawin 'yon sa kanya.

"Saan kita dadalhin miss?"

"M-May staircase sa gilid ng building ng bar na 'to. A-Akyatin mo lang hanggang makarating ka sa rooftop. I'll tell you the passcode of my lock later." Tumango lang ang lalaki at sinunod ang sinabi ko.

From the looks of his face and body built, sa tingin ko ay nasa early 20's palang ang batang 'to. Mukha rin naman akong nasa early 20's pero hindi ang edad ko na nasa thousand years na.

"789009"

Ibinaba n'ya ako sa sofa pagkapasok sa kwarto ko. Tinitigan n'ya ako sandali bago mabilis na umiwas nang tingin sa akin. Why is he blushing? His face is turning red. Cute.

"Is there something else I can do for you before I leave? " tanong n'ya. Ibinaba n'ya ang hood ng suot n'yang hoody jacket kaya naman nakita ko nang maayos ang itsura n'ya. He has a wavy soft hair, brown orb and thick black eyebrows. He has a deep dimples and thin pinkish lips. In short, gwapito ang batang 'to.

Kahit gaano pa ka-gwapo ang batang kaharap ko ay out of the league s'ya para sa akin. Ang target age ko sa mga lalaki ay 30 to 40 plus above.

"I'm thirsty. Pwede bang pakikuha ako ng bottled red drink sa ref? Thank you."

Kahit hindi ko nakita ang ekspresyon ng lalaki nang buksan n'ya ang refrigerator ko ay sigurado na akong puno nang gulat ang mukha n'ya ng makita ang loob nito. Puro kasi red blood ang laman ng ref ko. Walang iba kundi 'yon lang.

"Anong unumin 'to?" tanong n'ya.

"I need straw. Sa pangalawang cabinet sa left side."

Lumapit s'ya ulit sa akin at itinapat sa bibig ko ang straw. Refreshing. Blood is like a fuel for vampires like us. Pinapalakas nito hindi lang katawan at utak namin kundi pati na rin ang kapangyarihang taglay namin. Ipinikit ko ang mga mata ko at tinalo ang lason na nananalaytay sa katawan ko. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko ang gulat sa mukha ng lalaki.

"Y-Your eyes," nanginginig ang labing sambit n'ya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inunat ang katawan ko. Alam ko na kung bakit pulang-pula ang mukha ng batang 'to.

I'm wearing a red plunge croptop. Kitang-kita ang malulusog at perpekto kong dibdib dahil sa suot kung ito.

"What's your name?"

"R-Reiner. Reiner Judd Peterson po. W-What happened to your eyes? Bakit naging pula ang kulay ng mga mata mo?" Nagsumiksik si Reiner sa kinauupuan n'yang sofa habang yakap ang paborito kong throw pillow.

"How old are you?"

"23."

Young. Still young.

Lumapit ako kay Reiner at hinawakan ang baba n'ya. Iniangat ko ang mukha n'ya hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa pero naamoy ko ang matamis na amoy na dugo na nagmumula sa kanya dahil sa madiin n'yang pagkakakagat sa labi n'ya.

His blood smells delicious.

Wala sa sariling hinuli ko ang labi n'ya at hinalikan s'ya. Hindi lang amoy ng dugo n'ya ang masarap kundi pati na rin ang lasa nito. Idagdag pa ang nakaka-adik at malambot n'yang labi. Kahit hindi n'ya tinutugunan ang halik ko ay sarap na sarap pa rin akong kainin ang labi n'ya.

I want more of him.

Nage-enjoy na ako ng bigla n'yang hawakan ang magkabila kong balikat at ilayo ako sa kanya. Mabilis 'yang tumayo saka kumaripas ng takbo palabas ng unit ko. Hindi n'ya ba nagustuhan ang ginagawa ko?

I'm going to find you and ravish you! Hindi ko hahayaang hindi magkaroon ng part 2, 3, 4 and so on ang nangyari ngayong gabing 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status