Share

FANA: The Cunning Vampire
FANA: The Cunning Vampire
Author: Royai's Novele

PROLOGUE

"WHAT the hell! Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Bakas ang matinding gulat sa mukha n'ya nang makita akong nakapaibabaw sa kanya. Hindi ko s'ya masisisi sa naging reaksyon n'ya. Hating-gabi na nang pumuslit ako sa loob ng kwarto n'ya.

I'm his beautiful intruder. Aba! Dapat magpasalamat s'ya dahil ako na mismo ang lumapit sa kanya para harutin s'ya.

By the way, I'm Fana. I'm a pure-blood vampire who hates human blood but when I tasted his blood everything changed. Reiner Judd Peterson. Parang Domaine Romanee-conti na isa sa pinaka-masarap at expensive na wine sa buong mundo ang kanyang dugo, and the smell arrggh! I'm addicted.

Now, I'm here to taste his blood...and lips again. Gagawin ko ang lahat para malasahan lang ulit ang dugo n'ya. Kahit magmukha akong pinakamaganda at sexy na akyat-bahay ay gagawin ko.

Oww. Ginawa ko na pala ngayon. Hahaha! Silly me.

I licked my lower lips before claiming his delicate lips. Nakapaibabaw ako sa kanya ngayon habang abala sa paggalaw ang labi ko sa kissable lips n'ya. Damn! Ang sarap.

"Kiss me back," utos ko sa kanya.

"I don't know how to k-kiss a girl," pag-amin n'ya. Ilang sandali akong napatitig sa mukha n'ya bago humagalpak ng tawa.

This boy needs a lesson.

"Let me teach you boy." Mapang-akit ang boses ko na bulong sa kanya habang hinahaplos ang matipuno n'yang dibdib. Not bad for a 23 year old boy. "Sabayan mo lang ang paggalaw ng labi ko." dugtong ko before crashing our lips once again.

Napangiti ako sa gitna ng kissing session namin nang maramdaman ko ang paggalaw ng labi n'ya. Nagsimulang lumikot ang kamay ko sa loob ng t-shirt n'ya na halatang nagugustuhan ng katawan n'ya. He's reacting to my touches.

"Ahhh," d***g n'ya nang kagatin ko ang ibang labi n'ya dahilan para masugatan ko s'ya.

"Yum," usal ko nang malasan muli ang dugo n'ya. Sh*t! I need to get hold of myself. Baka mawalan ako ng control sa sarili ko at maubos ko ang dugo nang batang 'to.

"Your eyes," saad n'ya.

"I know." My eyes are changing their color. Ganito kaming mga bampira kapag nakakalasa ng dugo. "Are you scared of me?"

"No. Y-Your pretty."

Tinitigan kong mabuti ang mga mata n'ya. His brown orbs are fascinating. This boy is something. Alam kong malayo s'ya sa mga lalaking pinaglalaruan ko pero bakit nagagawa n'yang hatakin ang atensyon ko at palakasin pa lalo ang pagnanasa ko sa kanya?

Nagsimulang maging abnormal ang pagtibok ng puso ko at hindi magandang senyales iyon para sa akin. Naupo ako sa hita n'ya at napasapo sa dibdib ko. Parang ano mang oras ay sasabog ang dibdib ko. What the hell!

Hinampas ko ang dibdib ko nang paulit-ulit dahil hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa puso ko. This is new to me. Alam kong hindi ako nauuhaw at hindi rin ako gutom kaya bakit nagkakaganito ito ngayon.

"Ayos ka lang ba? H-Hoy miss! Bakit mas lalo kang namumutla?" taranta n'yang tanong.

Nang maupo s'ya ay kaagad kong ipinulupot sa bewang n'ya ang mga binti ko. Akmang kakagatin ko na sana ang leeg n'ya nang mapatigil ako dahil sa pagyakap n'ya sa bewang ko at paghaplos ng mga kamay n'ya sa likuran ko.

"Ang lamig mo," bulong n'ya.

What's happening to me? Kanina lang ay gusto kong sakmalin ang leeg n'ya at ubusin ang natitirang patak ng dugo sa katawan n'ya pero nagawa n'yang pakalmahin ang halimaw sa loob ko sa pamamagitan lang ng pagyakap n'ya sa akin.

His voice and his touch are soothing and his arms seem the best place for me.

Abnormal pa rin ang pagtibok ng puso ko pero mas masarap na ito ngayon sa pakiramdam, hindi katulad nang nauna na may halong takot at kaba dahil sa pagpapanic ko kanina.

Did he bewitch me?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status