Share

Chapter 71 : Without Her

'You're stronger than you think, Reiner. Kahit wala ako sa tabi mo ay alam kong magagawa mong tumayo sa sarili mong mga paa. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal na mahal kita.' – Gustuhin ko man na sumunod sa kanya ay iyon naman ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko sa tuwing sinusubukan kong kitilin ang sarili kong buhay.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko ngayong wala na s'ya sa tabi ko.

"Naayos mo na ba ang mga gamit na dadalhin mo, anak?" tanong sa akin ni mama pagpasok n'ya sa kwarto ko.

"Opo," tipid kong sagot–walang kabuhay-buhay ang boses ko at walang emosyon ang mukha ko.

"Kung ganun ay ibaba mo na ang mga maleta mo. Mayamaya lang ay nandito na 'yon si Ryder para ihatid tayo sa airport." Tumango lang ako kay mama bilang sagot.

Limang buwan na ang lumipas nang mamatay si Fana pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status