Share

CHAPTER 1

Isle Esme

Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa mga gamit na nakalagay sa box. I took a deep sighed before I looked at my room's ceiling.

This is the last time I'm gonna see my room in Maynila. This is also my last summer here in Maynila.

Pupunta na kami sa Lola ko sa Isle Esme ngayon. Sa ayaw ko man sumama ay sasama pa rin ako dahil ako na lang ang maiiwan dito sa Maynila.

Uuwi-uwi na lang dito sila Mom at Dad dahil sa business namin. Habang kami ni Ate Emerald ay maiiwan sa Isle Esme, dahil si Ate ang magha-handle ng bubuksan na bagong hotel ng family namin sa Isla.

Dalawa na ang hotel namin sa Isla Esme. Isa sa bayan kung nasaan maraming tao ang nagpupunta lalo na pagturista. Ang isa naman ay sa Baryo Maligaya, kung nasaan ang sikat beach ng Isla.

My family owned the Aragon Grandé Hotel. We owned the Aragon Grandé Hotel, which is one of the most luxurious and famous hotel in the Philippines.

"Ava! Get your things now and come down here! We are leaving!" rinig ko na sigaw ni Mommy.Bumuntong hininga ako tsaka bumangon sa kama.

Pumasok si Mang Jose na driver namin sa kwarto ko. "Ako na ang bahalang magbaba ng mga gamit mo, Ava."

Ngumiti ako. "Pakuha na lang po ng mga boxes, Mang Jose. Salamat po!" sambit ko bago kinuha ang kaya kong dalhin. Bumaba ako at nakita ko si ate Emerald.

"Halika, Ava." sabi niya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

Mas matanda ng six years sa'kin si Ate Emerald. She started managing our business after she graduated from college. Habang ako ay mag ga-grade 11 this school year. Sa Isle Esme na ako mag-aaral ng grade 11 hanggang college na 'yon.

"Ate, maganda ba roon? Baka naman panget at walang internet doon! Mabo-boring ako." ngumuso ako bago kinagatan ang hawak na Brazo De Mercedes na dala-dala.

"Maganda sa Isla, Ava. Lagi naman tayo roon dati at lagi akong naroon last year pa para tingnan ang location ng hotel natin. Don't worry, you'll enjoy the Island."

Nakapunta naman na talaga ako roon sa Isla kaso noong bata pa ako. Hindi ko na maalala ang mga memories ko rito dahil nga bata pa ako noon. At sobrang tagal na no'n.

Wala na akong sinabi. Naubos ko ang Brazo De Mercedes na kinakain, kaya kumuha ulit ako.

"Ava, kanina ka pa kain ng kain!" saway sa'kin ni Mommy.

"Masarap eh!"

"Hayaan mo na ang anak natin, Nathalie." si Daddy iyon na kakapasok lang ng kotse. "mabuti nga at pagkain lang kasiyahan ng anak natin. Hindi nagbo-boyfriend."

I rolled my eyes. "Dad, bigyan niyo na lang ako pagkain kesa sa boyfriend mas matutuwa pa ako. Stress ang relationship!"

"Bawal pa muna mag-boyfriend. You're still seventeen."

"Wala naman talaga akong balak mag-boyfriend, eh!"

"Good! Si kuya Ian mo naghintay mag-eighteen ang Ate Emerald bago niligawan. Dapat gano'n ka rin." dagdag pa ni Dad.

"Psh! Kakain na lang ako kesa magka-boyfriend!"

Tumingin ako sa labas ng kotse. Mami-miss ko ang bahay namin na 'to. Dito ako lumaki at dito ako nakahanap ng mga kaibigan ko. Ngayon, iiwan ko na sila.

Nakarating kami ng airport. Nang tawagin ang flight namin ay agad kaming nag-boarding. Ang sabi mahigit isang oras kalahati para makapunta ka sa Isle Esme. Katabi ko si Ate Emerald na ka-video call si kuya Ian.

"Hi, kua Ian!" bati ko sa kanya.

"Kumakain ka na naman, Ava! Ang taba-taba na ng pisngi mo." pang-aasar nito sa'kin.

Tiningnan ko siya ng masama. "Masarap ang kumain, Kuya Ian!"

Tumawa lang siya bago sila nag-usap ulit ni Ate Emerald. Six years na sila Kuya Ian at Ate Emerald. Nasa America si Kuya Ian ngayon para sa pag-aaral niya about sa business nila. Next year pa ang dating niya.

Bilib nga ako sa dalawa na 'yan, eh! Mag ta-tatlong taon na silang LDR, pero going strong pa rin ang relasyon nila. Kung talagang may tiwala kayo sa isa't-isa ng ka-partner mo, kahit anong gawin ng mga taong gustong sirain ang relasyon niyo hindi 'yon magiging hadlang sa inyo.

Of course, I am happy for my sister. She deserved to be loved by Kuya Ian! Ang dami ring sakripisyo ng dalawang 'yan para sa relasyon nila. They deserved to be happy.

Nakarating kami sa Isle Esme. Sumakay kami ng kotse ni Lola na naghihintay sa amin. Napangiti ako ng makita ang Isla. Tama si, Ate Emerald. Maganda ang Isla. I can't believe this kind of Island exist!

Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang lugar. Habang nakasakay sa kotse ay nakatingin ako sa labas ng bintana habang papunta sa bahay ni Lola. Tanaw ko ang malawak na farm at plantation ng Isla.

Ang sabi ni Mommy, sa bayan mo makikita ang mga ilang building kagaya ng mall, restaurant at ang hotel namin. Dito Lumaki si Daddy kaya si Lola ay hindi maiwan ang Isla. Nang makarating kami ng bahay ni Lola ay sinalubong niya kami.

"Ang laki na ng mga apo ko!" bungad niya sa'min.

"'La, nagkita pa lang po tayo noong nakaraang buwan." natatawa na sambit ni ate Emerald.

"Itong si Ava, ang laki na!"

"'Ma, hindi nga lumaki ang batang 'yan kahit five centimeters lang." biro ni Daddy na kinasimangot ko.

"Mommy, si Daddy oh! Inaaway na naman ako!"

Hindi naman talaga ako maliit. Sadyang matatangkad lang sila Mommy at Daddy tapos si Ate Emerald. I'm 5'4 naman and I think okay 'tong height para sa isang seventeen years old na kagaya ko.

Hindi ko kasalanan na mas matangkad ang pamilya at relatives namin kesa sa height ko! Tumawa lang sila. Sumama tuloy timpla ng mukha ko.

"Pandak man ako atleast maganda at cute ako!" inirapan ko silang lahat. "Lola, saan po ang kwarto ko?" pag-iiba ko ng topic.

"Just what you liked, sa attic ang kwarto mo. Napalinis ko 'yon sa mga kasambahay last week pa."

"Kulay pink?"

Tumango siya. "Yes! Everything that you liked is in your room already. Nandoon na rin ang mga gamit mo para sa pasukan."

I clapped my hands out of enjoyment. "Thank you, Lola!" masayang sambit ko tsaka umakyat ng kwarto ko.

Napangiti ako ng makita ang kwarto ko. The walls are painted with pink color, the height of the ceiling slope, they were able to place a massive accent hanging lamp, setting a very feminine ambiance to the space. It also has a bed for me and a study table beside the window of the attic.

Mahaba ang attic at may pinto sa pinaka-dulo at doon ko na kita ang closet ko at banyo sa loob. Pumunta ako ng kama ko tsaka humiga roon.

This place is nice!

Kinuha ko ang cellphone ko tsaka nag-F******k. I took some picture of me pagkatapos ay sumilip ako sa bintana para kunan ng picture ang hardin namin sa labas.

I posted my pictures on my F******k with a caption of 'new home, new life.' Nag-comment ang mga kaibigan ko at kinamusta kung maganda daw dito.

Ni-reply-an ko lahat ng comment nila bago bumaba para lumabas ng bahay. Busy sila sa pag-aayos ng mga gamit kaya lumabas ako ng bahay. Napunta ako sa playground malapit sa bahay namin. Wala masyadong bata roon, pero umupo ako sa swing.

Kuha lang ako ng kuha ng litrato nang may tumabi sa'kin. I looked at the guy who's wearing a black t-shirt and cargo shorts. Magulo ang buhok niya dahil sa hangin pero kitang-kita ko ang pagkunot ng makapal niyang kilay at may ngiti sa mga mapula niyang labi.

"Bago ka dito sa subdivision?" nakangiting tanong niya.

Tumango ako. "Yeah. Kakalipat lang namin sa bahay ng Lola ko."

"Coo! Apo ka ni Lola Almita?" tanong niya ulit.

Naiilang na tumango ako ulit. "Kilala mo ang Lola ko?"

"Oo, nakatira ako sa tapat ng bahay niyo. I just saw you and your family when I was in the garden. Mabait ang Lola mo at close sila ni Mommy ko."

Tumango-tango ako. "Ganoon naman talaga 'yon si Lola," sagot ko sa kanya. "She's just friendly to everyone."

Tumawa siya. "Yeah, but she's a good person. Dito na kayo for good?"

"Yes. Dito na rin ako mag-aaral this school year."

"St. Willford National High School lang naman ang school dito tapos University nila sa bayan. Home Economics ang strand ko, under food and nutrition."

"You cooked?" tanong ko.

"I just like cooking," nakangiti na sagot niya. "anong strand mo?"

"ABM."

"Magkatabi lang ang building ng ABM at Home Economics."

"Really? Pwede bang samahan mo ako sa orientation next week? Malaki raw kasi ang St. Willford, baka maligaw ako."

"Oo naman! It's my pleasure," sagot niya tsaka nilahad ang kamay sa'kin. "I'm Lucas. John Lucas Morales."

Tinanggap ko ang kamay niya. "Savannah Leigh Aragon. You can call me Ava, masyadong mahaba ang Savannah."

"Ava." tumango-tango siya bago ngumiti. "Nice name!"

"Nambola ka pa!"

Maya-maya ay tinawag ako ni ate Emerald. Tumingin ako kay Lucas.

"I gotta go now," I said before I stood up. "Bye. Lucas! It's nice to meet you!" He waved his hand at me while I walked away.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Blakey Fuentes
sa prologue masasaktan ka sa chapter 1 matatawa ka kay Ava real quick!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status