Share

Faded Memories (Isle Esme Series #1)
Faded Memories (Isle Esme Series #1)
Author: Marieleímon

PROLOGUE

NOTE: Hello! This is the first installment of Isle Esme Series! Hope you'll like and support this story of mine.

Simula

What will you do if the woman that you loved the most forget you? Forget how much you love each other? Will you endured it? Will you endured the pain?

Because if you're asking me, yes.

I'm willing to wait and endured all of that because I love her so much. Even though it hurts me.

Dahil hindi ko kayang isuko ang sampung taon na relasyon namin dahil lang nawalan siya ng ala-ala. Hindi ko kayang itapon ang lahat ng pinagsamahan namin. And lastly, she needs me even though she can't remember me.

Yes, I lose her by forgetting all of her memories, but she lose herself too. I can't bear seeing her crying because she can't remember everything. I can't bear seeing her hurting.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa pinakamamahal kong babae. She's peacefully sleeping on her hospital bed. She has a bandage on her head because of the accident. Hinawakan ko ang kamay niya bago dinampian ng magaan na halik doon.

Oo, masakit na makalimutan ka ng taong mahal mo sa buhay pero mas masakit kung isusuko mo ang lahat pinagsamahan niyo dahil lang doon. You have to fight. You have to endure all the pain because you love her!

Malungkot akong napangiti nang maalala ang lahat ng nangyari. Only if I knew this will happened to us, I shouldn't let her drive alone. Sinundo ko sana siya nang gabi na 'yon.

If I only knew.

I was busy cooking in the kitchen when someone hugged me from behind. Napangiti ako habang nagluluto ng bacon.

"Blakey, matagal pa ba 'yan? I'm starving now." mahinang sambit niya habang yakap ako.

Nilagay ko ang lutong bacon sa plato at humarap sa kanya. She's wearing my t-shirt kaya nagmukha siyang binalot sa malaking damit. Ang laki ng damit ko para sa katawan niyang maliit.

"Tapos na ako," sagot ko sa kanya. "Okay ka na ba? I saw you vomiting on our room." magulo pa ang buhok niya at malalim ang kanyang mga mata. She's pouting her lips.

How can she still looked this beautiful?

"Yeah. Pagod lang ako sa trabaho tapos umulan pa kagabi noong may meeting sa board kaya siguro ganoon."

I also noticed her behavior these passed few weeks. Laging nahihilo at kung minsan masakit ang ulo. Ilang beses ko nang sinasabi na pumunta ng hospital kaso ayaw niya. Pagod lang daw siya sa trabaho.

"Are you sure? We can go to Hospital before we go to work." I insists.

Mabilis siyang umiling. "I'm fine. Nawawala rin ito, Blake."

"Huwag na lang kaya tayo pumasok sa trabaho? You're family wanted you to rest. Just rest, Pandak."

Ngumuso siya bago umiling. "No need for that, Blake. I'm perfectly fine at isa pa ang daming gagawin sa Hotel. And besides this is my last day working because you all want me to rest."

Her family wanted her to take a break from work. She has been working hard these passed few weeks dahil sa planong magpapatayo ng hotel nila sa Ireland. She's the one who's handling that, maybe that's the reason she's not feeling well.

"Okay," pagsuko ko. "just tell me when you don't feeling well. I'll go to your company and fetch you there, okay? Tapos na kong mag-luto."

She giggled. "Okay, then! Ako ng mag pe-prepare ng table natin!" masayang sambit niya at humiwalay sa'kin.

Kumuha siya ng plato sa lalagyan at nilagay iyon sa lamesa. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya. Kinuha ko ang nilutong sunny side egg, hot dogs at bacon. Nilagay ko ang mga 'yon sa lamesa at umupo katapat niya.

After naming kumain ay nag-ayos na kami para pumasok sa trabaho.

"Ava, tara na!" sigaw ko sa kanya mula sa labas ng kwarto namin. Nasa kwarto pa siya namin. You know, girls staff. Nag-aayos pa ng sarili niya.

Maya-maya ay lumabas siyang suot ang black skirt and blazer office uniform. Ngumiti siya sa'kin bago lumapit. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng bahay. Sumakay kami ng kotse at pinaandar ko 'yon papuntang Aragon Grandé Hotel sa bayan.

She's working on her family business while I have my own restaurant near their hotel. Noong una magkasama kami sa trabaho, pero nang maka-ipon na ako para makapagtayo ng sariling restaurant ay napagdesisyonan ko na magtayo ng sariling restaurant since this is all I wanted ever since I was young.

I want to build my own name, business and legacy. Ayokong umasa sa pamilya ko dahil farm ang business nila Papa at si Kuya ang magmamana no'n habang gusto dapat akong tulungan ni Lolo sa company nila sa Manila, pero wala naman akong alam sa marketing.

I wanted to cook and become a chef. That's my dream ever since I was young and now I'm starting to build my own name in this industry now and I'm happy with that.

Habang nasa biyahe kami, hawak-hawak ko lang ang kamay niya kung nasaan ang engagement ring naming dalawa. A smile plastered on my lips while I kept playing on her finger ring.

Within six months ay ikakasal na kaming dalawa. I can't wait to see her walking in the aisle. Sa'kin na talaga siya at wala ng makakasira ng relasyon namin. Secured ko na siya!

"Huwag mo na akong hintayin mamaya, kasi may pupunta ako. Sa bahay mo na ako hintayin." aniya nang nasa hotel na kami.

"Papasukat ka ng gown, hindi ba?" 'yon ang alam ko dahil pagdating sa gown niya'y siya na raw ang bahala.

Ngumiti siya sa'kin. "Yep! And after that may pupunta pa ako, kaya sa bahay mo na ako hintayin."

Kumunot ang noo ko dahil doon. "Where are you going?"

She devilishly smile at me. "Secret! I want to surprise you later in our house," sagot niya. "may kokumpirmahin lang ako. I can't say it to you right now because I want to surprise you with an evidence but I'm certain for now."

Now, I got curious because of what she say. May tinatago siya sa akin and I'm sure of that.

"Sunduin kita?" alok ko habang pasakay kami ng elevator.

Umiling siya. "Ayaw ko! Malapit lang naman at dadalhin ko ang kotse ko, kaya huwag ka ng mag-alala. I'll be fine, Blakey!"

"Basta sabihin mo lang kung kailangan mo ako." ani ko at huminto ang elevator sa 17th floor. Nandito na kami sa office niya.

"See you later, Blakey!" paalam niya bago ako hinalikan sa labi at lumabas ng elevator.

She waved her hand to me before she went inside her office. Nang masiguro ko na nakapasok na siya sa opisina niya ay tsaka ko lang pinindot ang elevator.

Mabilis akong pumunta sa restaurant ko. My restaurant is now opened and some of my crew are doing their job now.

"Good morning, chef!" magalang na bati sa'kin ng mga tao sa kusina.

Ngumiti lang ako sa kanila before I went to my office. I change my clothes. I put my uniform on and went outside. Buong maghapon ay busy ako dahil maraming tao sa restaurant at kailangan ko talagang kumilos.

L'unico S.B Restaurant, my restaurant has a fifteen floor. It has a lot of cuisine every floor. May Filipino, Japanese, Americans and European cuisine and everything that you need. Marami kasing foreign and tourist na kumakain dito sa Isle Esme.

6PM natapos ang trabaho ko. Inayos ko ang gamit ko at nagpalit ng damit. Nang matapos ako ay bumaba ako sa parking lot.

Umuwi ako sa buhay at maghahanda ng dinner namin ni Ava. I grabbed my cellphone and dialed her number.

"Anong gusto mong pagkain para sa dinner?" tanong ko nang masagot niya ang tawag.

"Hmm! I want to eat Menudo. Pwede ba?"

"Of course! 'Yon lang?"

"Fried Fish Curry pa! This night will be a very special for us!" maligalig na sabi niya sa kabilang linya.

I chuckled because of that. May pinaplano siya para sa amin. "Okay, then. Anong oras uwi mo?"

Pumunta ako ng kusina namin para ihanda ang mga ingredients na kailangan ko.

"Mamaya pa," sagot niya. "I bet mga eight nandiyan na ako sa buhay."

Binuksan ko ang gas stove. "Okay. Ingat sa pag-uwi. I love you."

Ramdam ko ang pag-ngiti niya sa kabilang linya. "Opo! I love you too, Blakey!"

Pinatay ko ang tawag at nilagay sa kitchen counter ang cellphone ko. I put my apron on before I started cooking.

Natapos akong magluto na wala pa rin si Ava. Quarter to eight na. Nilagay ko sa lamesa ang nilutong Menudo at Fried Fish Curry. I even made a salad for her.

Kinuha ko ulit ang cellphone para tawagan siya pero out of coverage na ang cellphone niya. It's already 8:30 PM, pero wala pa siya.

Tinext ko siya pero wala akong reply na nasagot. Nagsimula na akong kabahan, kaya kinuha ko ang susi ng kotse para puntahan siya nang mag-ring ang cellphone ko. Si Tita Nathalie ang tumatawag. Mommy ni Ava. Sinagot ko agad ang tawag.

"Tita—"

"Blake, come here to hospital right now! Naaksidente si Ava!"

I dropped my phone. Para akong nawalan ng malay sa narinig ko. Nang mahimasmasan ako ay dali-dali akong sumakay ng kotse at pinaharurot iyon papuntang Hospital.

Patakbo akong pumasok sa loob ng hospital. Nakita ko sila Tito at Tita sa harapan ng operating room.

"A-ano pong nangyari? Bakit siya na-aksidente?" sunod-sunod na tanong ko nang makalapit sa kanila.

"May isang truck daw kasi na nawalan ng preno, isa si Ava sa mga nabangga ng truck." umiiyak na paliwanag sa'kin ni Tita.

Napa-upo ako sa narinig ko. I can't believe this is happening right now! Nanghihina ang mga tuhod ko. Kanina lang masaya pa kaming magkasama.

"Blake!" napatingin kami kanila Mama at Papa na papunta sa amin.

Niyakap ako ni Mama. "H'wag kang mag-alala. Ava will be fine!" alo niya sa'kin.

Halos isang oras kaming naghintay sa tapat ng operating room. Nang lumabas ang doctor ay lumapit kami sa kanya agad.

"The patient is in critical condition right now. Nang dahil sa aksidente, may namuong dugo sa ulo niya. She badly needs surgery right now." saad ng doctor.

"Then do the surgery as soon as possible, Doc! Gawin niyo ang lahat para maging maayos ang anak ko!" umiiyak pa rin si Tita.

Tumango ang Doctor. "We will do what we can do, Ma'am. We're trying to save her, but we're sorry to inform you that we lose the baby. I'm sorry."

Natigilan ako dahil sa sinabi ng doctor. "B-baby?"

Tumingin siya sa'kin bago malungkot na tumango. "The patient is four weeks pregnant and because of the accident she lose the baby. Hindi niya kinaya at ng baby." paliwanag ng Doctor. "I'm sorry to inform you. Please, excuse me." aniya bago bumalik ulit sa loob ng operating room.

Napa-upo ako sa lapag. Naramdaman ko ang yakap nila Mama sa'kin. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng doctor.

"B-buntis siya, Blake?"

Wala sa sariling napailing ako. "S-she didn't... she didn't tell me that she was pregnant." bulong ko. A lone tears slid from the corner of my eyes when I remembered what she said to me this morning. Now I know, why she keep vomiting every morning. Her mood wings and everything.

"Kung alam ko lang, 'Ma." napahagulhol ako habang yakap si Mama. "If I only knew that she was pregnant, hindi ko na siya hinayaan umalis! If only I know, I didn't let her!"

That's why she wants to surprise me. Kaya pala ayaw niyang sumama ako sa kanya! Kaya pala ayaw niyang sunduin ko siya!

Kaya pala.

Kung alam ko lang.

Yumuko ako bago nagsimula ng munting dasal. Patuloy ang tulo ng mga luha ko. Masakit ang dibdib habang nakaupo sa labas ng operating room.

Please Lord, huwag naman po si Ava. Hindi ko kayang mawala siya.

"Don't lose hope, anak." niyakap ako ni Papa. "matapang si Ava. I know she can surpass this. Just believe in her."

Five hours kami na naghintay sa operation. Lahat kami ay tahimik, nagdadasal at umiiyak habang hinihintay ang operasyon. Muling lumabas ang doctor kaya lahat kami'y lumapit sa kanya.

Ngumiti ito sa'min. "The patient is now stable but she's in comatose right now."

"Kailan po siya magigising?"

"We still don't know. Comatose often lasts for a few days or weeks. Rarely, it can last for several years. But, we will observe her and for now all we can do is wait until she wakes up." paliwanag ng Doctor.

•••••

"Baby, I miss you... please, gumising ka na." I whispered to her as I kissed her hand.

"Blake, magpahinga ka muna." rinig kong sambit ni Mama.

Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Ava habang hawak ang kamay niya. It's been six months. Six months since she got into an accident. Anim buwan, pero hindi pa rin siya gising. She is still in comatose and we still don't know when she will wake up.

"Anak, wala ka pang matinong tulog. Hindi magugustuhan ni Ava na pinapabayaan mo sa sarili mo."

"'Ma, ikakasal pa kami. Kailangang magising na siya," I said, desperately.

"Tuloy pa rin naman ang kasal niyo," sagot ni Mama. "kaya kailangan mong alagaan ang sarili para pagnagising si Ava, maging okay na ang lahat."

Malungkot akong tumingin kay Mama bago siya niyakap. Umiyak ako habang yakap siya. Hindi ko na kaya. Araw-araw akong naghihintay na gigising siya. Magiging okay ulit ang lahat, pero hindi nangyayari 'yon.

Six months and everything is ready for our wedding. Siya na lang ang kulang. I don't know what to do anymore. Hindi na ako nakakapag-focus sa trabaho ko dahil kailangan ko siyang bantayan.

I want to be with her when wake up. Gusto ko ako ang una niyang makita pag nagising siya. Ayoko man, sinunod ko sila Mama. Umuwi ako sa buhay namin ni Ava para maligo at magpahinga na rin.

I lay on our bed. Nakatingin lang ako sa kawalan katulad nitong mga nakaraang buwan. I'm still mourning our baby's death.

Namuo ang luha sa mata ko nang maalala ang baby namin. That was supposed to be our first baby and now our baby's gone. Hindi ko man lang nakita ang anak namin.

Ang nakita ko lang ay isang maliit na dugo at 'yong ultrasound picture na nakuha sa kotse ni Ava. She's still lucky because her car was in bad shape. Yupi ang dulo ng kotse niya nang makita namin.

Sa kakaiyak, nakatulog ako. Sa pagod na rin siguro, dahil wala akong marunong tulog simula ng ma-aksidente siya. Past three o'clock ng mag-ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag.

"Anak, gising na si Ava!"

Mabilis akong tumayo para pumunta ng hospital. Dumating ako sa kwarto ni Ava. Lahat sila ay napatingin sa'kin nang makita akong pumasok.

Nandito rin sila Kathlyn, April at Lucas na mga kaibigan niya. Dumapo ang tingin ko kay Ava na nakatingin din sa'kin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Thank god! You're finally awake!" masayang sambit ko habang yakap siya.

Napatingin ako sa kanya nang humiwalay siya sa'kin. She's looking at me with no emotion on her face.

"S-sino ka?"

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa dalawang salita na binitawan niya. Hindi agad ako nakagalaw.

Hinawakan ko ang kamay. "Ava..." bulong ko.

Binawi niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya tsaka tumingin kanila Tito at Tita.

She looked confused. "Mom, Dad, sino sila? Why are they here in my room? Do you know them?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
nikaark217
umpisa palang masakit na pano! hustisya ms. A bat ka ganto
goodnovel comment avatar
Blakey Fuentes
prologue palang mapanaket na! nawalan na baby tapos nawalan ng alaala?! isang biglaan ang sakit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status