Share

CHAPTER 2

“Good morning, miss kanina ko pa po kayo napapansin na nakatayo riyan sa tapat ng pinto at pasilip-silip,”puna dito ng gwardiya.

“Ah e, mamang ano k-kasi po..,”naputol ang kanyang sasabihin ng biglang tumalikod at tumakbo ang kanyang kausap ng marinig nito ang pamilyar na bosena ng kotse.

“Bastos ‘yon ah, may sasabihin pa ako at bigla na lang akong iniwan dito,”maktol na sabi ni Loisa sa sarili.

 “Maayos naman ang itsura ko ah,”dagdag pa nitong wika ng mapagmasdan ang sarili sa wall glass ng building.

Biglang tumunog ang cellphone ni Loisa, ng makita ang pangalan ng kanyang kaibigan ay agad nitong pinindot ang receive call.

“Good morning, beshy nasa loob ka na ba ng building? Tinawagan kasi ako ng dati kung kaklase, tinatanong kung nasaan ka na raw?”Sabi nito sa kaibigan.

“Beshy, nandirito pa ako sa labas e, nilapitan nga ako nong guwardiya kaya lang nang sasabihin ko na sana ang pakay ko e, bigla akong tinalikuran at tumakbo ng walang pasabi.”Sumbong nito kay Ysabelle.

“Bakit anong nangyari? Teka, sinunod mo ba ang sinabi ko, mag suot ka ng business attire girl at mag-ayos ka kasi manang ka pa naman tingnan.”Prangka nitong sabi.

“Sama mo naman,”naka-ungos ang labi ni Loisa

Kahit hindi nakikita ni Ysabelle ang itsura ng kausap ay alam niyang naka-ungos na naman ang labi ng kanyang matalik na kaibigan. Naiinis kasi siya sa pagkamanang nito kaya kung minsan harsh siya kung magsalita patungkol sa physical appearance nito.  Simpleng babae lang naman si Loisa ang kaso nga lang mula ng iniluwal nito si Loyd ay wala na itong panahong mag-ayos-ayos sa sarili.    

“O, siya sorry na, ikaw kasi magpaganda ka naman. Halos magkasing edad lang tayo pero kung mag-sama tayo para ka kasing ate ko na.”Hinging paumanhin nito kay Loisa.

“Oo na, susundin ko na ang mga payo mo. Pero Ysa naka-ayos talaga ako ngayon,”pagtatanggol nito sa sarili.

“O, sige mabuti kung ganon pumasok ka na sa building at sabihin mo sa guard na meron kang interview today sa HR department nila.”Utos nito sa kaibigan.

Tumalima naman agad si Loisa, nang masabi niya sa guwardiyang nakausap niya kanina ang kanyang pakay ay pinapasok na rin siya nito.

“Miss Loisa Sanchez?”Tanong ng magandang babaeng nasa kanyang harapan.

“Marahil ito ‘yong sinasabi ni Ysa na dati niyang kakaklase sa kolehiyo,”bulong niya sa sarili.

“Yes po ma’am, good morning po.”Bati niya sa kausap.

“My name is Abegail Monteclaro, I’m the head of HR department and I’m the one conducting the initial interview. Since the vacant position is secretary, Mr. Steve Monteclaro, the CEO will be doing the final interview.” Deretsahang sabi ni Abegail.

“Shall we begin?”Dagdag pa nitong tanong sa babae.

Nang marinig ni Loisa ang tatlong letrang CEO, biglang nanlamig ang buo niyang katawan. Aaminin niya natatakot siyang makatrabaho ang isa sa may pinakamalaking posisyon sa anumang kumpanya. Kaya nga sa department store na pinagtatrabahuhan nya noon ay kuntento na siya bilang isang accounting staff. Ayaw niya ng na i-istress, hindi siya gaanong magaling sa English, ang utak niya ay sanay sa mga numero lamang. Ngunit kung totoo ang sinabi ng kanyang kaibigan na singkwenta mil ang kada buwan, naku pag-aaralan niya uli ang wikang English.

“Excuse me, miss Sanchez, shall we start?”Pukaw sa kanya ng interviewer.

“Ah y-yes ma’am, I’m  sorry po.”hingi niyang paumanhin dito.

“It’s okay, I understand.  Would you like to drink some water first before we proceed?”Tanong nito sa babae nang mapansin niyang kinakabahan ang dalaga.

 “No ma’am, I’m okay po,”sagot niya dito.

“Well, if that the case then we will continue now, by the way just give me nothing more but your honest opinion Ms. Sanchez. You can deliver it in what language do you prefer as long as you are comfortable with, do you understand?”Nakangiting tanong nito sa kausap.

  “Yes po ma’am.”Medyo nahihiya pa niyang sagot.

Makalipas ang halos kalahating oras niya sa loob ng HR department ay inihatid na rin siya ni Abegail sa opisina ni Steve Monteclaro kung saan ay nasa 10th floor ng building.

“Magandang umaga po ma’am Abegail,”bati ng kasalukuyang sekretarya ni Steve na si Ciara.

“Magandang umaga rin sa iyo, Ciara ang boss mo?”Tanong nito sa sekratarya.

“Nasa loob po ma’am,”sagot naman ng babae.

“Mainit na naman ba ang ulo?”Taas-kilay na tanong ni Abegail.

Nalalaman ni Abegail kung nasa bad or good mood ang pinsan kapag nakikita nito si Ciara. Sa tuwing balisa ang pobreng babae malamang sinermunan na naman ito, ngunit kung sa pagbungad dito ang masayang mukha ng babae ang makikita ibig sabahin lang noon ay hindi siya nagawang pagalitan. Ngunit sa loob ng halos tatlong taon ay hindi pa rin nito nakasayanan ang ugali ng amo. Kaya nga bago pa mabaliw ang batang sekretarya ay naghanap na si Abegail ng ipapalit dito.

“Dalhan mo kami ng kape sa loob,” utos na lamang niya dito ng makitang yumuko ang babae.

“What the…!”Udlot na sigaw ni Steve ng makita ang pinsan at ang kasama nito.

“Easy caz, it’s me,”kalma nitong sabi sa lalaki.

“Bakit hindi tumawag sa akin si Ciara to let me know that you are here?”Takang tanong nito sa pinsan.

“Ay sorry, my fault inutusan ko kasi na ipag-timpla tayo ng kape. Then bigla na akong pumasok..kami pala,”sabay turo nito sa babaeng kanina pa nakatayo sa gilid.

“And who’s the hell she is?”Takang tanong nito sa pinsan.

“Watch your mouth my dearest cousin, mawawalan tayo ng empleyado sa talas ng dila mong ‘yan”saway nito sa pinsan.

“Okay fine, so what is this?”Takang tanong niya sa babae.

“Oh yeah she is Miss Loisa Sanchez, your new secretary.”Deretsahang sabi nito sa lalaki sabay lapag ng folder ng babae sa lamesa nito.

 Gaya ni Steve gulat rin si Loisa sa tinuran ng head ng HR deparment.

“W-what! My new secretary, are you kidding me Abegail?”Galit na sabi nito sa pinsan.

“Ah e, m-ma’am e-excuse me po, akala ko po ba final interview pa po muna bakit parang tanggap na po ako base sa pakakasabi po ninyo?”Pa-utal-utal na tanong ni Loisa kay Abegail.

“You shut up did I permit you to speak!?”Baling dito sa kanya ni Steve na nanlilisik ang mga mata sa galit.

Nanginginig na sa takot si Loisa, first time niyang nasigawan ng taong hindi niya kilala. Mabuti na lang at nilapitan siya agad ni Abegail, sakto namang pumasok dito si Ciara na dala-dala ang dalawang tasa ng kape at inutusan niya itong dalhin muna sa labas ang babae upang makainom ng tubig at mapakalma.

“Ano ka ba Steve, sumusobra ka na ah,” galit na saway niya dito.

“Alam mo naman sa lahat ng ayoko ‘yong basta na lang pumapasok sa usapan ng may usapan. Isa pa, Abegail bakit ka ba nag-hire ng secretary ng hindi ko alam?”Tanong nito sa pinsan.

“Let me remind you caz, you gave me the authority to hire someone to fill in any of the vacant position. Ang posisyon ng sekretarya mo ay mababakante na sana noong nakaraang buwan pa. Kung hindi ko pa pinakiusapan si Ciara to stay longer until I found a replacement for her, wala ka na sanang sekretarya ngayon!”Galit na sabi ni Abegail sa lalaki.

Sa lahat ng pinsan nila na nakatrabaho ni Steve, ito lamang si Abegail ang madalas na nakikipagtalo sa kanya. Siguro dahil kilala na nilang masyado ang isa’t-isa, halos sabay silang lumaki. Masyado ring spoiled brat noon si Abegail at ang tanging nakakasabay sa kanyang mga tantrums ay si Steve lamang. Ngunit mula ng mamatay ang asawa ng lalaki ay tuluyan ng nag-bago ito hindi na ito ang dating malambing niyang pinsan.  Laging mainitin ang ulo mapasabahay man o sa opisina nito. Gayunpaman naniniwala pa rin si Abegail na balang-araw ay babalik rin ang dating Steve na mabait at malambing niyang pinsan.

“At bakit naman siya mag-reresign, hindi ba sapat ang pasahod ko?”Galit pa ring sabi ni Steve.

“The salary is so much enough, but the problem is the way you treat Ciara. Lagi mo siyang pinagagalitan ano ba ang kasalanan nong bata na halos araw-araw mo siyang binubulyawan?”Tanong sa kanya ni Abegail.

“Tatanga-tanga siya e, anong gusto mong gawin ko matuwa ako sa katangahan niya?”Balik nitong tanong sa pinsan.

“C’mon Steve hindi ka dating ganyan, kahit ilang beses nagkakamali ang mga tauhan mo never kitang nakitang sinisigawan sila. You’ve changed a lot since Lina passed away.”Mahina na nitong wika sa pinsan.

“Maybe you need some help,”dagdag pa nitong sabi.

“Coud you stop mentioning my wife’s name. “Tinitigan nitong maigi si Abegail.

“Are you thinking that I have psychological problem ha, Abegail?”Dagdag pa nito.

“What do you think huh?”Taray na namang sagot ni Abegail dito.

Naudlot ang bangayan ng dalawa ng marinig nilang tumunog ang intercom sa opisina ni Steve.

“Yes, what is it?”Si Abegail na ang sumagot sa tawag dahil alam niya na mainit pa rin ang ulo ng pinsan.

“Ma’am Abegail ipinapasabi po ni Miss Sanchez na babalik na lang raw po siya sa ibang araw kung inyo pong mamarapatin.”Tanong ni Ciara sa among babae.

“No let her stay for a while, tatapusin ko lang ang meeting ko with the CEO.”Utos nito sa batang sekretarya.

“Noted po ma’am,”sagot naman ni Ciara sabay baba ng telepono.

“Ano raw ang sabi?”Sabik na tanong ni Loisa kay Ciara.

“Maghintay raw po muna kayo saglit Ms. Sanchez sabi ni Ma’am Abegail.”Turan nito kay Loisa.

“Ganon ba, bakit naman kaya ako paghihintayin pa e, panay ang away nilang dalawa kanina ah.”Sumbong nito sa kausap.  

“Naku Ms. Sanchez, huwag po ninyong mabanggit-banggit sa ibang naririto kung ano po ang nasaksihan ninyo sa loob, magagalit po si sir Steve kapag makakarating sa kanya ang balitang pinag-tsitsismisan siya.”Paalala nito kay Loisa.

“Ganon ba, pasensiya ka na ha nanibago kasi ako nang makita ko ‘yon kanina e.”Hinging paumanhin nito kay Ciara.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status