Share

Falling To The Arrogant CEO
Falling To The Arrogant CEO
Author: The Silent Mode

CHAPTER 1

“‘Yan ang hirap sa’yo Roy kapag humihingi ako ng pera ang dami mong reklamo at rason, hindi ba pwedeng sabihin mo man lang na gawan mo ng paraan?” Galit na sabi ni Loisa.

Ganito ang kanilang drama noong magkasama pa sila sa iisang bubong maging hanggang ngayon. Tuwing humihingi siya dito ng pera ay nauuwi sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Buong akala niya ay nag bago na ang lalaki makalipas ang halos limang taon. Kaya nga sinubukan n’yang tawagan ito at nagbabakasakaling meron itong iaabot kahit papano, katwiran niya nga sa sarili ay anak pa rin naman ni Roy si Loyd. Ngunit mali siya ng inakala.

“Talaga naman ah, wala akong pera anong gusto mong gawin ko magnakaw?!” Pabalik na tanong ni Roy.

“Ewan ko sa’yo kung gusto mong makulong bahala ka, may utak ka naman gamitin mo nga!” Hindi niya rin napigilan na hindi sigawan ang nasa kabilang-linya.

“Matagal na tayong hiwalay bakit ka ba nanghihingi pa sa akin? Akala ko ba kaya mong buhaying mag-isa ang bata, baka nakakalimutan mo ipinamukha mo sa akin ‘yan noon?” Mahabang lintanya ni Roy kay Loisa.

“Naisip ko lang na apelyido mo pa rin na naman ang nakabuntot sa pangalan ng anak ko, baka kako gusto mong tumulong! Hayaan mo ito na ang huling tawag ko sa’yo, huwag kang mag-alala hinding-hindi na ako hihingi ng tulong sa ‘yo.” Nanggagaliiting sigaw nya sa kausap, sabay patay ng telepono.

“Nakakagigil talaga bakit pa ako tumawag sa taong ‘yon e, alam ko naman kung ano ang isasagot!” Sigaw ni Loisa.

Isang taxi-driver noon si Roy, maulan niyon at gabing-gabing na kaya napilitan si Loisa na sumakay ng taxi sa pag-uwi sa kanilang bahay.Hindi niya nakasabayan ang kanyang matalik na kaibigan gawa ng kilangan niyang tapusin muna ang ginagawang research sa kanilang library para sa depensang gagawin niya sa klase kinabukasan.

Nang makapasok sa loob ng sasakyan si Loisa ay napatingin siya sa harapang salamin, maliwanang sa loob ng sasakyan kaya hindi nakaiwas sa kanyang paningin ang gwapitong mukha ng driver. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay para siyang na love at first sight dito. Napansin rin ni Roy ang babae na para itong natulala sa kanyang kagwapuhan.

 “Miss saan po tayo?” Tanong ni Roy sa pasahero.

“Ah, p-pasensiya na po sa baranggay Makiling po pala mama,”na-uutal niya pang sabi.

“Naku, miss medyo malayo po pala ang sa inyo,” nakangiting sabi nito sa babae.

“Ay, oo nga po pero mama magbabayad naman po ako. Please po pakihatid po ako kasi wala na po akong ibang masakyan e,” paki-usap ng dalaga sa driver.

“Sige ba, pero sa isang kundisyon miss,” sagot naman ng driver.

“A-ano pong kundisyon?” Kinakabahang tanong nito sa kausap.

Nahalata ni Roy na kinakabahan at natatakot na ang babae sa kanya. Kaya minabuti niya na rin ditong magpakilala at iniabot sa babae ang kanyang company ID.

“By the way I’m Roy Bating and here’s my company ID in just in case duda ka pa sa sinabi ko.” Nakangiti nitong sabi sa babae.

Tiningnan na rin ni Loisa ang ipinakita nitong ID at gaya sa lalaki ay nagpakilala na rin siya dito.

“Ako nga po pala si Loisa Sanchez,” medyo kalmado ng sabi ni Loisa.

“Ano nga po pala ‘yong sinasabi ninyong kundisyon, mama?” Dagdag pa nitong sabi.

 “Well, It just I want you to stop calling me “mama” and saying po and opo, obvious naman sa mukha ko di ba? Hindi pa ako ganon katanda para tawagin mo ng ganyan,” nakangiting sabi nito sa kanyang pasahero habang nakatingin sa harapang salamin ng sasakyan.

Napangiti tuloy si Loisa, hindi niya maintindihan pero kinikilig talaga siya sa ginawang pagtitig ni Roy sa kanya. Napakagandang tingnan ang mga pantay-pantay na mapuputing ngipin nito gayundin din ang mapupulang mga labi na tila kay sarap kagat-kagatin.

 “Naku po!” Mahihinang bulalas ni Loisa sabay tutup ng kanyang mga kamay sa labi.

“Ang laswa ng iniisip mo, Loisa umayos ka nga!” Pabulong pa nitong saway sa sarili.

 “Namumulala yata ang mga pisngi mo, Loisa may nasabi ba akong hindi maganda o baka may nakita kang kanais-nais sa iyong paningin?” Nakangiting tanong nito sa babae na tila nang-aakit pa.

“Wala no, magmaneho ka na nga diyan,” pagtataray na nito sa lalaki.

Napaghahalata na siya na may gusto siya dito pero hindi niya ito pwedeng aminin. Kabago-bago pa lang nilang magkakilala hindi maaaring umibig siya dito nang ganon kabilis sabi ng kanyang utak ngunit iba naman ang sigaw ng kanyang puso.

Mula nang araw na iyon ay walang palya na si Roy sa ginagawang hatid-sundo nito kay Loisa hanggang sa sila ay naging magkasintahan. Kahit tutol man si Ysabelle, ang matalik nitong kaibigan, sa kanilang relasyon ay wala pa rin itong nagawa. Kalaunan ay nabuntis si Loisa kaya nagdesisyon ang magkasintahan na magsama na sa iisang bubong.

Hanggang sa isilang niya ang kanilang anak na si Loyd Bating unti-unti na ring nakilala ni Loisa ang tunay na ugali at pagkatao ni Roy, isa pala itong iresponsabling ama. Lingid sa kanyang kaalaman noon pa man ay gumagamit na pala ito ng ipinagbabawal na gamot. Kung hindi dahil sa tulong ni Ysabelle ay malamang tatanda siyang bugbog-sarado sa mga kamay ni Roy. Para sa kaligtasan nilang mag-ina nagdesisyon na rin si Loisa na hiwalayan na ang lalaki at mamuhay ng tahimik kasama ang pinakamamahal niyang anak.

Nakatulala si Loisa sa kawalan kaya di nito napansin ang pagdating ng matalik niyang kaibigan.

“Lutang na naman ang lola,” puna ni Ysabelle dito sabay tapik sa balikat ni Loisa.

“Ay butiki!” Napaigtad siya.

“Ano ba naman, Ysabelle bakit ka ba nanggugulat diyan?” Nakaismid na sabi nya sabay hawak sa dibdib nito.

“Butiki na pala ako ngayon, kelan lang sinabi mong kabayo. Besh naman talagang bang hayop ako?” Nakataas ang isang kilay nitong tanong sa kaibigan.

“Naku pasensya ka na, ginulat mo kasi ako. ‘Di ba sabi ko huwag mo akong gulatin kasi nga kung anu – ano ‘yong lumalabas sa bibig ko,” sabi nya sa kaibigan.

“Kasi naman ikaw, kay aga-aga tulala na ang peg mo. ‘Anyare bah?” Pa-inarteng tanong ni ysa sa kaibigan.

Araw ng sabado noon, matapos mailapag ni Ysabelle ang dala-dalang mga gamit sa kanyang kwarto ay kinuha nito ang kanyang shoulder bag at dali-dali ng pumunta sa bahay ng kaibigan para sabihin dito ang isang magandang balita.

“Nakakainis kasi si Roy,” gigil na sabi nito sa kaibigan.

“May bago pa ba d’yan, lagi naman di ba, huwag mong sabihing tinawagan mo ang lalaking ‘yon?” Naninigurong tanong nito.

Tahimik lamang si Loisa sa turan ng kaibigan.

“Tinawagan mo nga. Alam mo naman di ba mula ng isilang mo si Loyd ay hindi na naging maganda ang relasyon ninyong dalawa? Isa pa hiwalay na kayo, limang taon na Loisa bakit ka pa tumawag sa kanya, mahal mo pa ba?” Tanong nito sa kaibigan.

“Naku besh ang tipo ng lalaki ‘yon ang hindi dapat paglaan ng habang-buhay na pagmamahal, tinawagan ko lang naman siya kasi akala ko matutulungan nya ako. Kahit limang taon na ‘yon, Ysa anak niya pa rin naman si Loyd,” nakasimangot niyang sabi dito.

“Anong napala mo, meron ba hay naku ewan ko sa ‘yo Loisa kelan ka kaya magtanda. O siya magkano ba?” Tanong ni Ysabelle dito.

“Nakakahiya na sa iyo, andami mo ng naitulong sa aming mag-ina,” nahihiyang sabi nito sa kaibigan.

“Ano ka ba okay lang ‘yon,” wika nito sa kaibigan.

“Bakit ka nga pala nandito, wala bang maraming gawain sa paaralan nyo at nakaluwas ka?” Biglang tanong ni Loisa dito.

“Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Guess what besh? Sa wakas na aprobahan na ang paglipat ko dito sa Alma Mater natin,” tuwang balita niya sa kaibigan.

“Talaga! Hindi nga, wow magandang balita ‘yan congrats beshy sa wakas natupad na rin ang pinapanalangin mong makapagturo dito sa atin,” Di makapaniwalang sagot naman nito.

“Hoo nga, mukha ba akong nagbibiro, at dahil dyan magpapaburger ako! Nasaan nga pala ang inaanak ko?” nakangiti nitong sabi

“Nagpapahinga sa kwarto besh, hinihika na naman e, kaya nga napilitan akong tumawag doon sa isa kanina. Kasi kulang ang pera ko ngayon na pambili ng gamot,”malungkot na sabi nito sa kaibigan.

“Huwag ka ng mag-alala, beshy magkano ba ang magagastos sa gamot?” Tanong nito kay Loisa.

“Tantiya ko humigit-kumulang nasa dalawang libo, e,” nahihiya nitong sabi.

Kinuha ni Ysabelle ang wallet na nasa loob ng kanyang shoulder bag.

“Heto limang libo, ibili mo na rin ng mga prutas o kung ano pa ang gusto ng inaanak ko,” sabay abot dito ng pera.

“Naku sobra na ‘to Ysa.”

Ibabalik sana ni Loisa kay Ysabelle ang tatlong libo ngunit pinigilan siya nito.

“Baka kukulangin pa nga ‘yan e, dalhin mo na ‘yang lahat mas mainam ng sobra kesa kulang. Saan ka naman don manghihiram kung sakaling kulang ang dalawang libo, aber? Alalahanin mo malayo ang bayan dito sa atin,” sabi ni Ysabelle.

“Siyanga pala besh,suhestiyon ko lang ito ha pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon,”sabi nito sa kaibigan.

“Ano ba ‘yon besh?”Tanong ni Loisa.

“Baka kako gusto mo ng panibagong trabaho, ‘yong medyo malaki-laki ang sweldo alam mo na?”Medyo nahihiya pa sabi ni Ysabelle sa kaibigan.

“Huwag mong mamasamain ang sinabi ko ha, ang akin lang baka gusto mo lang.”Dagdag pa nitong sabi.

“Ano ka ba, malaki nga ang pasasalamat ko sa ‘yo kasi hindi mo ako iniiwan lalo na kapag may problema ako. Ano bang klaseng trabaho ‘yang sinasabi mo besh, sure ka ha na malaki ang pasahod diyan?”Nakangiting tanong nito sa kaibigan.

“Aba sigurado ako malaki ang pasahod sa kumpanyang ‘yon, singkwenta mil kada buwan”sabi nito kay Loisa.

“Singkwenta mil kada buwan, Ysa talaga bang ganoon kalaki ang pa-sweldo nila?”Gulat pa nitong tanong.

“Oo nga sabi.” Nakukulitan na ito sa kausap.

“E,ano naman ang gagawin ko niyan? Siyempre malaki ang sweldo ibig sabihin malaki rin ang responsibilidad,”tanong nito sabi sa kaibigan.

“Actually ‘yong nakausap ko ay dati kong kaklase sa minor subjects nong nasa kolehiyo pa tayo. Siya kasi ngayon ang head ng HR Department and they’re looking for someone who can do task of a secretary position. Naisip ko why don’t you try, so much promising kasi ‘yong pasahod besh.”Na-aamaze pa nitong sabi

“’Yon nga lang ang sabi-sabi pa may anak itong babae, dalawang taon lang yata ang tanda dito ni Loyd. Medyo m*****a raw ang bata mana sa ama nito,”nakangiti nitong kwento sa kaibigan.

“O, anong koneksiyon non sa pagiging sekretarya besh?”Inosenteng tanong nito.

“Ano ka ba naman, siyempre kasama ‘yong pagiging yaya at pagiging sekretarya.”Nanlalaki ang mga mata nitong sabi sa kaibigan.

Kung minsan naiiisip ni Ysabelle na sadyang bang walang kamuwang-muwang sa mundo itong kaibigan niya o nagtatanga-tangahan lang.

“Ganon ba ‘yon kaya pala malaki kung magpasweldo,”patango-tango pang sabi nito kay Ysa.

 “Ewan ko sa ‘yo besh,”na-aasar na nitong sabi sa kaibigan.

“Mag-aaply ka ba o hindi?”Dagdag pa nitong tanong.

“Siyempre mag-aaply, sa lunes pupunta ako ibigay mo sa akin ang address besh,”ngiti nitong sabi kay Ysabelle.

Tiningnan ni Loisa ang relong pangbraso, mag-alas nuywebe na nang umaga.

“Naku kilangan ko na palang umalis beshy,” tarantang sabi ni Loisa sa kaibigan.

“O sige, ako na muna ang bahala kay Loyd lumarga ka na,” sani nito kay Loisa.

Sandaling nag pa-alam si Loisa sa anak at umalis na rin ito papuntang bayan upang bumili ng gamot at iba pang kikilangin ng bata.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Loi Cantuba
oh em gee kapangalan ko pa ung character kakakilig hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status