Share

CHAPTER 3

Tumunog ang telepono sa lamesa ni Ciara.

“Monteclaro Corporation, Good morning, this is Ciara Lapid may I help you?”Nakangiting bati ni Ciara sa kabilang-linya.

“It’s me Ciara, let her in,”utos ni Abegail dito.

“Yes po ma’am,”sagot naman ni Ciara.

“Miss Loisa Sanchez, pumasok na raw po kayo ulit sa opisina ni Sir Steve sabi po ni Ma’am Abegail.”Sabi ng batang sekretarya kay Loisa.

“Ha? Ah e, ganon ba?”Kinakabahang tanong niya sa sekretarya.

“Huwag na po kayong mag-alala, kapag ganyan pong si Ma’am Abegail na ang nag-utos na papasukin po kayo ay malamang natalo na po si Sir Steve sa tungali nilang mag-pinsan.”Pakalma nitong wika sa babae.

“Sana nga Ms. Ciara hindi na galit ang amo mo,”sabi nito sa kausap na kinakapa pa rin ang dibdib sa kaba.

“Sigurado po ‘yon Miss Loisa,”nakangiti nitong sabi.

Kumatok muna ng tatlong beses si Loisa bago niya narinig ang hudyat para sa kanyang pagpasok.

“Have a seat Miss Sanchez,”sabi ni Abegail sabay turo sa bakanteng upuan na nasa harapan ng lamesa ni Steve.

Samantala walang ngiti ang namumutawi sa bibig ng lalaki. Nakatuon lamang ang mata nito sa dalang folder kanina ni Abegail na nakapatong sa kanyang lamesa. Tila ba inaaral kung karapat-dapat nga na maging kanyang bagong sekretarya ang babaeng nasa kanyang harapan.

“Salamat po ma’am,” sabi nito sa magandang babae.

 “G-good morning po sir,”kinakabahang bati naman niya sa lalaki.

Tinitigan lamang siya ng lalaki kung saan lalong nagpakabog ng kanyang dibdib. Napansin ‘yon ni Abegail kaya nilapitan agad siya nito.

“Just relax Loisa hindi nangangagat ang taong nasa harapan mo.”Nakangisi nitong sabi sabay akbay sa babae upang kumalma.

“My dearest cousin would you please treat her well, hindi niya pa gamay ang ugali mo. Malakas ang pakiramdam ko na si Miss Sanchez ang nababagay sa mababakanting posisyon ni Ciara.” Ngiting sabi na nito sa pinsan.

“E bakit ko pa siya iinterbeyuhin kung alam mo naman pala na nababagay siya sa posisyon?”Sarkastikong tanong nito kay Abegail.

“Well in that case your hired Miss Loisa Sanchez, come with me in my office for contract signing.”Anyaya nito sa babae sabay kuha ng folder na hawak-hawak na ni Steve.

“May I have this one caz?”

Hindi na nakaimik pa si Steve dahil nahablot na ng pinsan nito ang folder ni Loisa.

Kanina habang tinitigan ni Steve ang larawan sa resume ng babae at ikinumpirma niya ito nang pinapasok sa loob ng opisina si Loisa, hindi niya maintindihan ngunit nakikita niya sa babae ang pagkakahawig nito sa kanyang yumaong asawa. Ipinilig niya ang kanyang ulo, hangga’t maaari ayaw niya ng sariwain pa sa isipan ang masakit na kabanata ng kanyang buhay.

“It cannot be, humanda ka sa akin Miss Sanchez sisiguraduhin kung hindi ka magtatagal dito sa kumpanya ko.”Seryosong turan nito sa sarili.

Samatala sa opisina ni Abegail ay ipinaliwanag na nito kay Loisa kung ano-ano ang maaari niyang matanggap na mga benepisyo at kung magkano ang kanyang sasahurin buwan-buwan.

Saglit na natulala si Loisa sa mga nakikita niyang mga numero.

“Miss Sanchez are you going to sign the contract?”Nakangising tanong dito ni Abegail sabay abot sa babae ng ballpen.

“Ah e, opo, ma’am totoo po itong nakasulat na magiging sweldo ko po buwan-buwan?” Hindi makapaniwalang tanong ni Loisa sa kausap.

“Yes, this is an official contract Miss Sanchez, do you think we’re making a joke?”Natatawang tanong ni Abegail sa babaeng pakiwari niya ay ngayon pa lamang makakatanggap ng may kalakihang sahod kada buwan.

“Ganito na lang kung gusto mo Miss Sanchez ay ipakita mo muna ito sa kilala mong abogado bago mo pirmahan,”sabay hawak nito sa mga papeles at akma na sanang ilalagay sa isang brown envelope.

“Hindi na po kilangan Ma’am Abegail pipirmahan ko na po.”Pigil nito sa kamay ng kanyang magiging amo na rin.  

Sa wakas natapos na ring pirmahan ni Loisa ang kanyang kontrata bilang isang sekretarya sa Monteclaro Corporation.

“Congratulations Miss Sanchez,”bati sa kanya ni Miss Ciara.

Inutusan kasi siya agad ni Miss Abegail Monteclaro na bumalik sa opisina ni Ciara upang maituro sa kanya ang mga gawain bilang sekretarya ni Steve Monteclaro.

“Ang sabihin mo Miss Ciara, good luck sa akin,”nakangiti nitong sabi sa batang sekretarya.

“Ano ka ba, mabait naman talaga si Sir Steve, minsan lang naman siya masungit kapag may naaalala siya sigurong hindi maganda.”Sabi pa nito.

“Kung ganon e, bakit ka magre-resign?”Takang tanong niya.

“Sinong may sabing magre-resign ako?”Balik tanong sa kanya ni Ciara.

“Akala ko ba kaya si Ma’am Abegail naghahanap ng kapalit mo e, dahil sa magre-resign ka?”Naguguluhan niya ng sabi.

“Naku Miss Sanchez, mali ka ng inakala. Kaya naghahanap sina Ma’am ng pamalit sa akin kasi ibabalik niya na ako sa departamento niya.  Nasa HR department ako noon ng mag-retiro na ang dating sekretarya ni Sir Steve, actually secretary ‘yon ng kanyang ama.”Paliwanag ni Ciara.

“Ang sabi kasi sa akin ni Ma’am Abegail ay pansamantala lang hanggang sa makahanap siya ng pamalit. Noong una masaya pa naman ako dito ‘yon nga lang kalaunan ng mawala si Ma’am Lina ay nag-iba na ang ugali ni sir.”Malungkot pa nitong sabi.

“Sino naman si Ma’am Lina?”Usisa pa nito sa kausap.

“What the…! How dare you mentioning my wife’s name?”Galit na tanong ni Steve ng sa paglabas niya ng pinto ay narinig niyang itinanong ito ni Loisa kay Ciara.

“Naku sir sorry po, kasalanan ko po hindi ko nasabihan agad si Miss Sanchez patungkol po diyan, patawarin nyo po ako sir.”Nakayokong hinging paumanhin ni Ciara sa kanilang boss.

Nanigas bigla ang katawan ni Loisa, nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Steve sa kanyang likuran at sa baritonong boses nito. Kung bakit naman kasi hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto, ito tuloy kakapirma niya pa lang ng kontrata baka masisante na siya agad.

“Hey!,I’m talking to you lady, what’s your name again?”Galit na sabi ni Steve na nakatingin sa nakatalikod na si Loisa.

“She’s Miss Loisa Sanchez po sir,”maikling tugon ni Ciara.

Alam ni Ciara na ayaw na ayaw ng kanyang amo ang sumasagot sa tanong na hindi para sa kanya. Ngunit wala siyang choice ng makita niyang namumutla na si Loisa sa takot sa kanilang among lalaki.

“Is she incapable to speak Ciara? Bakit ikaw ang sumasagot?”Sarkastiko nitong sabi.

“Sorry po sir,”tanging sambit nito sa amo.

“Miss Sanchez, lingunin nyo na po si sir tinatanong ka po niya e,”mahinang sabi ni Ciara kay Loisa sabay sinyas sa kamay nito na umikot siya.

Mahinang umikot si Loisa, muntik na siyang matumba ng sa kanyang pagharap ay gahibla lamang ang kanyang distansya sa among lalaki. Kung hindi dahil sa mabilisang pag-alalay ng kamay ni Steve sa kanyang balingkinitang baywang ay malamang nabuwal na siya sa sahig. Nang bumalik ang kanyang ulirat ay dali-dali siyang kumawala sa halos pagyakap na nito sa kanya.  Agad siyang nagpakilala dito at humingi na rin ng tawad sa kangyang pagiging malamya.

“Next time Miss Sanchez huwag kang tatanga-tanga, huwag kang lalamya-lamya kung gusto mong magtagal sa kumpanya ko!”Galit nitong sabi sa kanya.

  At tinalikuran na nga siya ng lalaki.

“Suplado talaga, kanina pa siya ah,”gigil na sabi nito kay Ciara.

“Mali ba ang magtanong?” Dagdag pa nito.

“Maling-mali Miss Loisa lalo na kapag tungkol sa past ni sir, sorry ha hindi ko agad nasabi sa iyo kanina.”Sabi nito kay Loisa.

“Ano ka ba okay lang ‘yon hindi mo naman kasalanan, di ba sabi mo mabait naman siya kung minsan. Siguro naman ‘yong minsan na sinasabi mo ay isang beses kada linggo, payts na ako don.”Lakas-loob nitong sabi kay Ciara.

“Bakit mo nga pala iniwan ang dati mong pinagtatrabahuan, sabi ni Ma’am Abegail accounting staff ka raw noon, mahirap ba maging accounting staff?”Usisa nito sa kausap na tila matagal na silang magkakilala.

“Hindi naman gaanong mahirap, naku hindi ko sila iniwan, sila ang nang ewan sa amin.”Sabi niya dito

“Ay ganon, natanggal kayo? Kawawa naman pala kayo,”simpatya ni Ciara.

“Naku okay lang ‘yon, binayaran rin naman kami e,”sabi pa nito.

Nang makita ni Ciara ang pandingding na orasan na malapit na palang  mananghalian ay niyaya niya na si Loisa na bumalik na sila uli sa kanilang ginagawa.

“Ay, Miss Loisa back to work na po tayo baka mamaya abutan na naman tayo ni sir na nag-mamarites naku ayoko pong mawalan ng trabaho maawa po kayo,”kunwari  pagmamaka-awa nito sa magiging bagong sekretarya ng kanyang amo.

“O siya, ituro mo sa akin ang dapat kung mga gagawin.”

Samantala sa opisina ni Abegail ay naroroon si Steve.

“Ano ba ang pumasok sa kukuti mo at tinanggap mo agad ang babaeng ‘yon ha, Abegail?”Seryosong tanong nito sa pinsan.

“Take it easy caz,”nakangiti nitong sabi sa kausap.

“Simple lang si Loisa kasi maliban sa pagiging isang dalagang ina ay tapos rin ng kursong accountancy. Malaki na rin ang eksperensiya niya sa buhay at ganon din sa trabaho. Naniniwala ako na kahit anong stress o pressure man sa work ay kaya niyang labanan. Ang tulad niya ay hindi basta-basta sumusuko, Steve. Malakas rin ang kutob ko na may malaking maitutulong si Loisa sa atin,”kumpiyansang sagot ni Abegail.

“Talaga lang ha?”Sarkastikong sabi ng lalaki.

“Yeah, I’m one hundred percent sure about that,”paniniguro pa ng babae.

“Well see,”nakangiti nitong sabi.

“May masama ka bang balak ha, Steve?”Naninignkit ang mata nitong nakatingin sa lalaki.

“Hmm…for now not yet,”nakahawak ito sa kanyang sintedo na kunwari  ay nag-iisip.

“Don’t push me to the limit Steve, baka tayo na ang mag-away niyan,”banta nito sa pinsan.

“Are you threatening me?”Tanong naman nito sa babae.

“No, I’m just giving you a warning.”Saad pa ni Abegail.

“C’mon caz, don’t take it seriously I’m just kidding okay. Besides ano ang mapapala ko kung aawayin ko ang bago mong alaga, aber?”Sarkastikong ngisi nito sa pinsan.

“O siya, babalik na muna ako sa office ko, by the way sasabay ka sa amin mamaya during lunch?”Tanong nito sa babae.

“Bakit darating ba ang m*****a mong anak?”Taas kilay pa nitong tanong sa pinsan.

“Kanino ba ‘yon nagmana ng kamalditahan di ba sa iyo na rin?”Nakatawang sabi ni Steve.

“Tse! Lumabas ka na nga,”pagtataboy nito sa pinsan.

“Hay naku, Steve sana tuluyan ng bumalik ang sigla mo,”malungkot na mahinang wika ni Abegail sa pagtalikod ng  lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status