Share

Chapter 2

TUMINGALA AKO sa napakalaking building sa harapan ko. May malaking paskil na Job Fair sa first floor.

Maraming tao at pakiramdam ko dito na ako makakahanap ng trabaho!

Sumabog ang mahaba kong buhok dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Binitiwan ko ang aking luggage para sikupin ang buhok ko bago ako naglakad papasok sa loob ng building. Chineck ng security guard ang bag ko ngunit hindi na ako mapakali dahil sa mga trabahong nag aantay sa akin sa loob.

"Hetong I.D, miss o. Nandito ka para sa job fair?" Tanong ng guard.

"Opo, Sir!"

"Naku! Ba't ngayon ka lang? Ubusan na siguro ng trabaho ngayon? Baka wala na."

Namutla ako sa sinabi ng guard. Maaaring tama siya. Pinagmasdan ko ang mga umaalis at masasayang tao dahil nakakuha na ng trabaho.

"Oh my God! We're officemates!" Tili ng isang babaeng naka mini skirt sa naka corporate attire.

"Oo nga! I can't believe this! Dream job ko ito!"

Anaman ng naka corporate attire na babae.

Napalunok ako at napatingin sa pintuan kung nasaan angjob fair. Nakikini-kinita ko na ang bawat cubicle kung saan may nagaganap na interview. Masyado akong out of place sa lugar na ito. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Siguro ay ang trabahong para sa akin ay 'yong janitress? Hindi ko alam pero sa ngayon, wala akong pakealam. Magkaroon lang ako ng marangal na trabaho ay maayos na sa akin.

Tinulak ko ang pintuan at nakapasok na ako sa loob. Medyo maingay doon at pormal ang mga tao. Nilapitan ko ang isang babaeng may dalang papel na binibigay sa bawat nag aapply doon.

 "May hiring pa po ba sa mga klerikal na trabaho?" Tanong ko.

Halos hindi niya ako tiningnan. "Wala na, miss e."

"Janitress po?" Sabay lunok ko.

Napalingon siya sa akin. Tinagilid niya ang ulo niya at sinuri akong mabuti.

"Anong pangalan mo?"

Napalunok ako sa biglaang tanong niya. "Elisia Delgado po."

Nanikmat ang babae at mabilis niyang tinawag ang naka long sleeve at may nakakatawang itim na ribbon na lalaki.

"Miggy!" Mariing sinabi ng babae.

Napatingin si Miggy sa akin. Napanood ko ang pagtigil ng kanyang tingin sa aking dibdib. Mabilis kong tinakpan ang kung ano mang tinitingnan niya sa aking dibdib. Imbes na mahiya siya ay nag angat siya ng isang nakakakilabot na tingin sa akin.

"Hindi ba may hiring sa maintenance? Nandito si Miss Elisia Delgado. Ihatid mo siya sa maintenance department at tingnan mo kung saan siya mabuting ilagay roon."

"Sige po, ma'am." Ani Miguel.

Oo na. Alam ko naman na talagang hindi ako para sa job fair na ito. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat iniinterview'ng babae. Hindi na siguro kailangang iinterview ang mga janitress. Basta ba willing kang magtrabaho, maglinis ng CR at kung anu-ano pa, wala kang sakit, at wala kang sabit, ayos na iyon.

Natigilan ako nang tumigil si Miguel sa loob ng maintenance office na pinasukan namin. Nakita kong puro locker lang ang naroon at walang tao sa loob.

"Dito po ba ang maintenance office?" Tanong ko habang pinagmamasdan ako ng tingin ni Miggy.

Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko kung nasaan ang kanyang mga mata. Sa dibdib ko nakatoon ito. Pinagpapawisan siya ng marami. Kitang kita ko sa kanyang noo ang pawis habang dinidilaan niya ang kanyang labi.

"Sir Miggy, dito ho ba?" Panira ko sa ginagawa niya.

Humakbang siya papalapit sa akin. At dahil kilalang kilala ko na ang mga ganitong galawa, alam ko na rin kung ano ang kahihinatnan. Kaya bago pa lang may mangyari ay sinipa ko na ang pinaka natatanging parte ng kanyang katawan dahilan kung bakit napasigaw siya sa sakit at napayuko siya.

Kinagat ko ang aking labi at tinulak ko ang mabigat na pintuan. Nakapasok ulit ako sa malaking hall kung nasaan angjob fair. Tumulo ang luha ko dulot nang kaunawaang wala akong mapupuntahan sa araw na ito. lyon na ang huli. Bukas na lang ulit. Maghahanap na ako ng matutuluyan. At kung ano man ang naging kasalanan ko at bakit ganito ang mga parusa sa akin ay hindi ko na alam.

Mabilis ang takbo ko dahilan kung bakit naagaw ko ang atensyon ng halos lahat ng naroon sa buong hall. Pinigilan ako ng security guard.

 'Manong, labas na po ako!" Pagmamakaawa ko habang niyayakap ang aking bagahe.

"Bakit ka tumatakbo? Anong problema mo? Nagnakaw ka ba?" Anang guard.

"Miggy!" Sigaw nung babae na siyang nagpakaba pa lalo sa akin.

"Hindi po!" Sagot ko sa guard.

May mga guard na dumating para palibutan ako. Nilingon ko ang pintuan kung nasaan lumalabas ang medyo umiika ikang si miggy.

"Hindi po ako nagnakaw! Shit!" Mura ko.

"Bakit ka tumatakbo kung ganon?" Sigaw ng isa pang security guard sa akin habang tinututukan ng kung anong b****a ang bag ko.

Umiiling iling ako habang tinuturo ko si Miggy.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng isang malamig na boses.

Isang boses na dahilan kung bakit natahimik ang nagkakagulong mga guard dahil sa nangyari sa akin.

Narinig ko ang halakhak ng mga lalaki sa likod niya. Inayos ng lalaking nasa likod niya ang kanyang buhok habang tinitingnan ako. Ang isa naman ay pinaglalaruan ang kanyang labi.

"Mr. Coleman, pasensya na po sa kaguluhan." Anang babaeng tumawag kay Miggy kanina.

Tumango ang lalaking nasa harapan ko at pinasadahan niya ako ng tingin. Madilim ang kanyang ekspresyon ngunit hindi mo maipagkakaila na masyado siyang makisig para tumayo sa harap ko.

Sumisigaw ng autoridad ang kanyang awra. Malinis ang kanyang mukha at ang tanging nagpapadilim dito ay ang kanyang kilay na nakakunot.

"Anong nangyayari dito, Miggy?" Anang lalaki. Hindi umalis ang kanyang titig sa akin.

"Sinipa ko siya dahil nakatingin siya sa dibdib ko." Pumikit ako sa sinabi ko.

Ako ang sasagot. Kesa mapagkamalan akong magnanakaw ay aaminin ko ang ginawa ko. Hindi ako nahihiya don.

Lumakas ang tawa ng mga lalaking nasa likod niya. Lumitaw rin ang ngiti sa mukha ng lalaking nasa harapan ko. Tinikom ko ang biglang nalaglag kong panga.

"Is that so?" Mapaglaro niyang tanong sa akin bago tumingin kay Miggy.

May kung anong binulong siya sa security guard at may tiningnan siya sa likod ko bago siya bumaling ulit sa akin.

"l heard you want to be a janitress, Miss Delgado?" Nag taas siya ng kilay.

Napatingin ako sa mga security guard na sinasamahan si Miggy kung saan. Kumalabog ang dibdib ko. Ito na ba? Ipapalit na ba ako sa Miggy na iyon?

"Opo!" Napangiti ako sa sagot ko.

Ngumuso siya na para bang nakakatawa ang reaksyon ko. "I'm sorry. Walang hiring ngayon, bumalik ka na lang nexttime." Aniya at tinapon sa ere ang pinaghirapan kong resume.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Bro!" Sigaw ng may isang may long-haired na lalaki.

"Don't talk to me, Vince." Mariing sinabi ni Mr. Coleman habang naglalakad palayo sa akin.

Tumatawa ang isang lalaki habang ang may mahabang buhok na lalaki naman ay tumitingin sa akin.

Umalis ang mga security guard na nakapaligid sa akin. Lumuhod ako sa harap ng basurahan. Binuksan ko iyon at nagsimula ako sa paghahanap ng resume ko. He's evil. So evil. Pu pwede namang ibigay na lang pabalik sa akin ang resume. Bakit kailangang itapon sa basurahan?

Hinawi ko ang buhok ko nang napagtanto ang katotohanang wala parin akong trabaho at matutuluyan hanggang ngayon. Alas kuwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay didilim na. Mukha ng magkakatotoo na yata talaga ang pinangangambahan kong pagtulog sa gilid ng kalsada.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status