Share

Chapter 46

"THIS is very, very good," ani Zion, devouring her pie. "Hindi ganito ang natitikman kong apple pie, which by the way, ay pangatlong beses ko pa lang nakakain sa buong buhay ko," pag-amin nito, then smiled sheepishly.

"Sinabi mo pa," susog ni Caleb. "Katunayan, ngayon lang ako nakatikim ng apple pie satanang buhay ko." Sinabayan nito iyon ng nahihiyang tawa.

Beatriz was beaming. "My children and grand children love my apple pie, boys. Kahit saang bahagi sila ng mundo, sinasabi ng aking mga apo na walang katulad ang aking apple pie."

"Sana ay kaya ni Mommy na mag-bake ng ganito. May nabibili namang apple sa groserya sa bayan."

"l might tell your mother my secret recipe."

May panghihinayang sa ngiti ni Zion. "But she's not into cooking, ma'am. Mas nasa photography ang talino ni Mommy."

"And I know nothing about photography except admiring them."

"Lumalakas ang ulan," ani Franz sa mga bata. "Alas singko pa lang pero madilim na sa labas. Nais ba ninyong dito na magpalipas ng gabi?"

Sabay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status