Share

CHAPTER SEVEN

Bumuga ng hangin si Belle. Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa mga batang lobo na masayang nagtatawanan at naghahabulan sa malawak na damuhan. Alas-kuwatro na ng hapon at kanina pa siya nakatayo roon sa tapat ng bintana. Naaaliw siyang pagmasdan ang mga batang-lobo na nagkakatuwaan. Panay ang sigaw ng mga ito at kitang-kitang sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa na nararamdaman. Masarap sa tainga ang tawa ng mga ito na punong-puno ng buhay. 

Mapait siyang ngumiti nang sumagi sa alaala niya ang kanyang naging kabataan. Ni minsan ay hindi niya naranasang maglaro sa labas kasama ang mga ka-edad niyang batang-lobo. Palagi lang siyang nasa loob ng kanilang mansyon at nag-aaral. Hindi rin niya nakakalaro ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ariston. Bukod sa malaking agwat ng edad ay malayo pa ang loob nito sa kanya kagaya ng kanilang ama na si Alpha Criston. Tanging ang kanyang ina lang ang nakakasama niya ngunit nang mawala ito noong siya ay siyam na taon ay naiwan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status