Share

Kabanata Ninety-Nine

“Thank God!” nakahinga kong sabi.

Binuhat naman iyon ni Joaquin at dinala papunta sa k'warto dahilan para mapasunod din ako at matignan si Nina.

“Ayos lang ba siya?” tanong sa akin ni Joaquin.

Sinuri ko ang pulso ni Nina bago sinagot si Joaquin. “Maayos naman siya sobrang nabigla lang siya kaya siya nawalan ng malay,” paliwanag ko.

“E, ang ipinagdadala niya? Kumusta ang kalagayan? Ayos lang ba?” nababahala niyang tanong.

“Huwag kang mag-alala ayos lang siya,” nakangiti kong sagot dahilan para magtagpo ang aming mga mata.

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.

“Ikaw, ayos ka lang ba?” tanong niya na may labis na pag-aalala sa kanyang mga mata.

“Ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan,” wika ko sabay yuko dahil sa kinakain ako labis na konsensya at hiya dahil sa ginawa ni Don Raul sa kanya at sa buong pamilya nila.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at iniangat niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status