Share

Kabanata One Hundred Five

NANATILING walang kibo si Joaquin at hinayaan lang akong umiyak habang nakakulong ako sa kanyang mga yakap. Hinayaan niya lang ako hanggang sa kumalma ako.

“Magaan na ba ang iyong pakiramdam?” malumanay niyang tanong.

Hindi ako umimik at nakatingin lang sa umaagos na ilog sa aming harapan habang nasa lilim kami ng puno.

“Hindi ko man alam kung ano ang dahilan ng ikinakatakot mo ngunit kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa tabi mo. Pakakatandaan mo na ang buhay ko ay para sa ‘yo lang, Helena,” wika ni Joaquin at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo.

Marinig ko lamang ang mga salitang iyon mula sa kanya ay halos dinudurog ang aking puso. Alam kong sincere siya sa kanyang sinasabi na dapat ay kiligin ako ngunit hindi ko magawa dahil alam kong hindi para sa akin ang mga salitang iyon para iyon kay Helena. Ang babaeng tunay niyang iniibig at ako na isa lamang nilokong doktora mula sa taong 2019 na bigla na l

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status