Share

Kabanata One Hundred Eight

Biglang bumigat ang aking dibdib nang marinig ko ang kanyang sagot. Tama nga ako. Ang sakit dahil sa sandaling sinambit niya ang aking pangalan ay natangay at napapaniwala ako na ako nga talaga ang babaeng mahal niya at hindi si Helena. Ang tanga ko pata umasa ako na ako ang mamahalin niya. Si Helena pa rin pala talaga ang babaeng mahal niya at hin—

“Natatakot na baka ang tanging tao na nagbigay ng kulay sa aking buhay, ng tuwa at tumanggap ng aking nararamdaman ay tuluyan mawala.” Hinawakan niya ang aking kamay. “Natatakot ako, Helen na maging ikaw na tumanggap sa lahat ng aking nararamdaman ay mawala sa akin.”

Kumabog nang napakalakas ng aking puso matapos kong marinig ang kanyang sinabi ngunit mabilis kong binawi ang aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak at ikinumpas ang aking sarili.

“Tama na, Joaquin! Huwag mo akong lituhin ng mga salita mo dahil maliban sa pinapaasa mo ako ay sinasaktan mo ako lalo. Kaya kung p'wede la

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status