LAHAT ay abala at masayang naghahanda sa malaking salo-salo na pinagplanuhan lahat ng mga mamamayan ng Brgy. Pinagsanjan bilang pasasalamat nila sa amin sa paggaling nila sa epidemyang kumalat sa kanilang nayon.
“Maraming salamat, Binibining Helena. Hindi niyo po alam kung gaano kami labis na nagpapasalamat dahil sa malaking tulong na inyong ginawa sa lahat ng taga-rito sa nayon ng Pinagsanjan,” wika ni Mang Waldo.
“Naku, wala po iyon sa akin hindi niyo na po kailangan gawin ito. Ang nais ko lamang po ay matulungan kayo dahil iyon lang po ang aking makakaya,” saad ko na medyo nahihiya. “Maliit na bagay lamang po ‘yon.” Dagdag ko.
Hinawakan ni Aling Siony ang aking kamay dahilan para magtagpo ang aming mga mata.
“Hindi iyon maliit lang na bagay sa amin, Binibining Helena. Iniligtas mo kami sa bingit ng kamatayan at ang manatiling buhay hanggang sa puntong ito ay malaking pasasalamat na namin iyon dahil ito la
BUONG gabi ay napuno ng kasiyahan at masasayang tawanan hanggang sa isa-isa nang namaalam ang mga tao at umuwi sa kani-kanilang mga bahay dala na rin ng pagod sa paghahanda ng isinagawang pagpapasalamat at selebrasyon ng gabing iyon.“Binabati ko kayong muli, Helena at Joaquin. Wala kaming nais na hiling kun'di ang masaya niyong pagsasama,” masayang saad ni Aling Hilda.“Maraming salamat po, Aling Hilda. Sa inyong lahat na naghanda para mangyari ang supresang ito para sa akin. Labis po akonh nagpapasalamat sa kabaitang ibinibigay niyo sa amin,” pagpapasalamat kong sabi.“Wala iyon, Binibini— teka, hindi na nararapat sa ‘yo ang tawaging binibini ‘pagkat ngayon ay may asawa ka na,” bulalas ni Aling Hilda.“Ngunit labis naman kung siya'y tatawagin nating ginang sa napakabata niya pang edad,” wika ni Aling Siony.“Naku, ‘wag niyo po alalahanin kung anong dapat i
NAGDAAN ang mga araw na naging mapayapa ang paninirahan namin sa Brgy. Pinagsanjan matapos na umalis sina Don Emilio at Mateo para bumalik sa bayan ng Amadeo. Tumanggi pang sumama si Mateo at gusto magpaiwan ngunit hindi ito pinahintulutan ni Don Emilio sa kadahilanang kailangan siya nito sa pamamahala ng mga Guardia Civil at pagmamanman sa mga ito at baka mayroong pang traydor sa kanilang mga tauhan. Kaya labag man sa kalooban ni Mateo ay sumama siya kay Don Emilio pabalik ng Amadeo. Habang kami nina Joaquin, Doña Celestina, Nina at Lita ay namuhay ng normal at simple sa maliit na tahanan nina Lola Nilda at Mang Prospero ay napagdesisyunan ni Joaquin na magtayo rin ng sariling bahay para sa amin nina Doña Celestina.“Hindi mo naman kailangan gawin ito Joaquin kasya naman tayo sa bahay namin,” dinig kong wika ni Mang Prospero na tinutulungan si Joaquin sa pagbiyak ng mga kawayan sa maliliit na piraso para gawing dingding ng kabahayan.“M
ANG MGA pagtutulungan ng mga ilang kalalakihan kay Joaquin sa pagtatayo ng aming munting tahanan ay napuno ng tawanan na may kasamang masasayang biruan na hindi mawawala lalo na ang palaging pulutan ay si Mang Prospero na wala rin sawang kaka-walkout.“Nakakatuwa naman silang pagmasdan,” wika ni Nina na biglang sumulpot sa aking tabi.Napalingon ako sa kanya na may ngiti sa aking labi. “Sinabi mo pa,” pagsang-ayon kong sabi.“Gan’yan na gan’yan si Kuya Joaquin sa mga taong bayan sa ating lugar, noon magpahanggang ngayon ay wala siyang pinagbago. Ang mga taos-puso niyang mga ngiti at ang busilak niyang puso ay kailanman ay hindi mawawala,” wika ni Nina habang pinagmamasdan namin ang kanyang kapatid sa aming kinauupuan sa lilim ng malaking puno ng narra.“Napakabuting tao ng Kuya mo, Nina,” paglalahad ko.Narinig ko ang malalim niyang paghinga. “Kaya nagtataka ako kung ba
“Helena! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Teresa sa akin at napatingin din ito kay Nina at maging kay Doña Celestina. “Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit gan’yang ang inyong mga mukha at hindi maipinta? Hindi ba kayo natutuwa para kay Tiyo Raul?” nagtatakang tanong niya sa akin.Wala ni isang umimik sa aming tatlo at nanatiling tigalgal sa aming pagkakabigla. Isang tinig ang pumukaw sa aking huwisyo nang sandaling iyon.“Anong nangyayari dito?” tanong ni Joaquin nang siya'y makalapit sa aming kinaroroonan.Napatingin ako sa kanya na may labis na kaba at takot na bumabalot sa aking katawan. Gustong hilingin na sana hindi totoo ang lahat ng aming narinig ngunit hindi, iyon ang katotohanan na hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming lahat. Ang magdadala ng matinding kaguluhan muli sa aming payapang pamumuhay rito. Natatakot ako.“Joaquin…” sabay na tawag namin ni Teresa kay Joaqui
HINDI ko inalis ang aking mga tingin kay Teresa at patuloy na pinag-aaral ang kanyang reaksyon at ikinikilos ngunit nanatili siyang tahimik.“Hindi mo ba sasa—”Pinutol niya ang aking sasabihin at biglang tumawa na siyang ikinataas nang bahagya ng aking kilay.“Ano bang sinasabi mo, Helena? Im—”“Imposible?” pag-aagaw ko sa kanyang sasabihin. “Hindi iyon imposible, Teresa, lalo na kung may nararamdaman ka para kay Joaquin,” pagbibigay punto kong sabi.“Nagkakamali ka, Helena! Wa—”Muli kong pinutol ang kanyang sasabihin. “Alam mong may namumuo na akong damdamin para kay Joaquin kahit noon palang sa aking paghingi ng pabor na tulungan ang kanilang pamilya at noong aking kaarawan na inaasahan ko ang kanyang pagdalo. Ikaw ang unang nakapansin ng aking nararamdaman para kay Joaquin sa simula pa lang ngunit bakit ngayon ay tila tutol ka sa aming relasyon?” s
NABATO ako. Hindi ako makagalaw para akong nabingi nang sandaling iyon. Tama ba lahat ng narinig ko? Hindi ko ba guni-guni ang lahat ng iyon? Muling umalingawngaw ang mga salita ni Teresa sa aking isipan.“Kaibigan kita, ‘di ba? P’wede bang akin na lang si Joaquin, Helena?”Hindi ko lang guni-guni ang lahat ng iyon. Lahat ng narinig ko ay nagmula mismo sa bibig ni Teresa. Ikinumpas ko ang aking sarili at pinilit na huwag maging emosyonal at irrational sa harap ni Teresa.Ibinaling kong muli ang aking mga mata kay Teresa at siya’y aking sinuri. Tinignan ko siya sa kanya mga mata na nangungusap at nagmamakaawa ng pagmamahal at pag-asa sa bagay na kanyang ninanais. Siguro nga gano’n ang kanyang nararamdaman para kay Joaquin para umabot sa punto na magmakaaawa siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na bumagsak ang kanyang katawan kumpara noong huli kaming magkita bago ako bumalik sa panahon ko. Bakit hindi ko iyon napansin
PAGGISING ko ay iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang nipa na bubong at kahoy na dingding sa aking paligid. Nasa nakaraan na akong muli. Ano bang nangyayari? Bakit sa tuwing mawawalan ako ng malay bumabalik ako sa kasalukuyan at paggising kong muli ay bumabalik ako sa nakaraan. Hindi ko maunawaan kung ano na ba ang nangyayari. Kasama pa rin ba ito sa nakasulat sa aklat? Sa kasunduan na ginawa ni Helena? Ano ba talagang nangyayari?“Helen, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lola Nilda sa akin na mabilis lumapit sa aking tabi. “Joaquin! Gising na si Helen!” sigaw niya.Narinig ko ang mabilis na mga yabag papunta sa k'wartp.“Asawa ko!” tawag sa akin ni Joaquin sa pagitan ng kanyang paghinga at mabilis na tumabi sa akin. “Kumusta ang iyong pakiramdam? May masakit ba sa ‘yo?” tanong niya ng sunod-sunod.Hinawakan ko ang kanyang nag-aalalang mukha at hinaplos iyon.“Huwag kang ma
HINDI nagsalita si Teresa at patuloy siya sa paghila sa akin at tahimik lang akong sumusunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa tabi ng ilog kung saan huli kaming nag-usap.Binitawan niya ang aking kamay saka humarap siya sa akin na may seryosong mukha ngunit mabilis din iyon na nagbago.“Pasens’ya na kung kailangan pa kitang dalhin dito para makipag-usap sa ‘yo. Ayaw ko lang na may ibang tao na makikisali sa ating usapan,” paghingi niya ng dispensa.Ngumiti ako nang bahagya. “Ayos lang iyon, Teresa. Nauunawaan ko naman ang iyong nais,” saad ko.Ipinagdaop niya ang kanyang mga kamay na tila aligaga at nahihiya.“Helena,” pagtawag niya sa aking pangalan.“Bakit?” tanong ko.“Limang araw na ang nakalipas simula ng tayo'y huling magkausap dito at sa tingin sapat na panahon iyon para mabigyan kita na makapag-isip…”“Ito ba ang dahilan kaya gus